• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

DOH, hangad na palawigin pa ni Marcos ang Covid-19 State of Calamity sa bansa

Balita Online by Balita Online
December 27, 2022
in Balita, National / Metro
0
DOH, nag-iimbestiga na ukol sa spam messages; contract tracing, magpapatuloy

DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire/Manila Bulletin/File Photo

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Hiniling ng Department of Health (DOH) kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na palawigin pa ang state of calamity sa bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

Sinabi ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na inilapag nila ang kahilingang ito matapos ang hindi maaprubahan sa itinakdang panahon ang panukala para sa paglikha ng Philippine Center for Disease Prevention and Control (CDC).

“Nagsumite na kami ng aming memo para sa Pangulo na humihiling ng extension ng state of calamity bilang pagsasaalang-alang sa katotohanan na ang CDC bill ay hindi naisabatas sa oras,” sabi ni Vergeire sa isang press briefing noong Martes, Disyembre 27.

Kung susumahin, papayagan ng CDC bill ang pagpapatuloy ng pagtugon sa Covid-19 ng bansa kahit na walang deklarasyon ng state of calamity. Nakatakdang mag-expire ang Covid-19 state of calamity sa Disyembre 31.

Sinabi ni Vergeire na napag-usapan na nila ang kanilang rekomendasyon sa Office of the Presidential Management Staff at iba pang kinauukulang ahensya noong Disyembre 23 “upang ipaliwanag sa kanilang lahat kung bakit namin hinihingi ang extension na ito.”

“So, hinihintay na lang natin ang opisyal na tugon ng Office of the President in terms of this memo na isinumite natin sa kanila,” ani Vergeire.

Binanggit ng opisyal ng DOH ang “implications” na maaaring mangyari kapag hindi na palalawigin ang state of calamity.

“Mawawala tayo sa iba’t ibang diskarte sa pagtugon na ginagawa natin ngayon. Dahil una, ang ating Covid-19 vaccination program ay naka-angkla sa state of calamity provision ng batas. Kaya pag nawala iyon, baka mahirapan tayo na magpatupad ng pagbabakuna natin ng Covid-19,” aniya pa.

“Yung emergency use authority na ibinibigay natin sa ating mga bakuna pati sa mga gamot na ginagamit natin ngayon for Covid-19—we will also have issues on that. Also yung ating mga indemnification and immunity from liability na nakasaad sa batas ay baka mahirapan din tayo,” dagdag pa ng opisyal.

Noong Marso 2020, nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 929 na nagdedeklara ng state of calamity sa Pilipinas dahil sa Covid-19 sa loob ng anim na buwan. Mula noon, pinalawig ang panahon ng state of calamity.

Batay sa datos ng DOH, nasa kabuuang 73.7 milyong Pilipino na ang ganap na nabakunahan laban sa Covid-19. Ang gobyerno ay nakapagbigay na ng 21.1 milyong booster shot sa mga karapat-dapat na indibidwal.

Analou de Vera

Tags: Covid-19 state of calamitydepartment of healthPangulong Bongbong Marcos
Previous Post

Bilang ng mga naputukan, nasa 25 na ilang araw bago ang pagsalubong sa bagong taon

Next Post

Babae, nabaril sa tangkang pagnanakaw sa isang warehouse sa Malabon

Next Post
Barangay kagawad, patay matapos pagbabarilin sa Quezon

Babae, nabaril sa tangkang pagnanakaw sa isang warehouse sa Malabon

Broom Broom Balita

  • Korte Suprema, pinayagan si Ressa na magpunta ng ibang bansa sa Hunyo 4 hanggang 29
  • 2 biktima umano ng trafficking, nasagip sa CIA
  • ‘Ayaw na ni Liza, si Ken gusto pa’: LizQuen, split na raw ayon sa source ni Ogie Diaz
  • Anti-gay bill, nilagdaan na ng Pangulo ng Uganda
  • Carla Abellana, hiniritan nang sumunod sa engagement ni LJ Reyes
CBCP, binati si Maria Ressa sa Nobel Peace Prize award

Korte Suprema, pinayagan si Ressa na magpunta ng ibang bansa sa Hunyo 4 hanggang 29

May 30, 2023
TikTok account, dagdag solusyon ng BI vs human trafficking

2 biktima umano ng trafficking, nasagip sa CIA

May 30, 2023
‘Ayaw na ni Liza, si Ken gusto pa’: LizQuen, split na raw ayon sa source ni Ogie Diaz

‘Ayaw na ni Liza, si Ken gusto pa’: LizQuen, split na raw ayon sa source ni Ogie Diaz

May 30, 2023
Anti-gay bill, nilagdaan na ng Pangulo ng Uganda

Anti-gay bill, nilagdaan na ng Pangulo ng Uganda

May 30, 2023
Carla Abellana, hiniritan nang sumunod sa engagement ni LJ Reyes

Carla Abellana, hiniritan nang sumunod sa engagement ni LJ Reyes

May 30, 2023
Lolit, may pasaring kay Willie: ‘Lahat ng bagay meron siyang complaints’

Lolit, may pasaring kay Willie: ‘Lahat ng bagay meron siyang complaints’

May 30, 2023
Kapamilya singer Elha Nympha, tumalak: ‘Pag cheater, cheater periodt walang echos echos gow!’

Kapamilya singer Elha Nympha, tumalak: ‘Pag cheater, cheater periodt walang echos echos gow!’

May 30, 2023
Listahan ng mga senior citizen sa Maynila, ipinapa-update ni Lacuna

MPD-SMaRT, pinuri ni Lacuna sa muling pagkaaresto sa puganteng Koreano

May 30, 2023
4 na suspek, arestado para sa pagnanakaw ng aabot sa P300K halaga ng construction materials sa Maynila

2 wanted sa carnapping, rape natugis ng otoridad sa Pasay City

May 30, 2023
Hinihinalang biktima ng salvage, lalaki itinapon sa isang sapa sa Batangas

Kasambahay, natagpuang patay sa bahay ng sariling amo sa Sampaloc, Maynila

May 30, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.