• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Video ng muling pang-iisnab umano ni Deanna Wong, usap-usapan; netizen na nag-upload, kinuyog

Richard de Leon by Richard de Leon
December 24, 2022
in Balita, National/Sports, Showbiz atbp., Sports
0
Video ng muling pang-iisnab umano ni Deanna Wong, usap-usapan; netizen na nag-upload, kinuyog

Deanna Wong (Screengrab mula sa FB ni Adrian Vasaya Abejuela)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Muli na namang nalagay sa balag ng alanganin ang volleyball star player ng koponang “Choco Mucho Flying Titans” na si Denna Wong matapos kumalat sa social media ang isang video kung saan tila inisnab daw nito ang isang lalaking tagahanga na lumapit sa kaniya.

“At totoo ang chismis. Kayo na ang humusga PERIOD!” caption ng nagbahagi nito sa social media na si Adrian Vasaya Abejuela. Nakunan umano ang video sa Oslob, Cebu.

Makikita sa video ang paglapit ng isang binatilyo kay Deanna subalit itinaboy umano ng volleyball star player ang naturang tagahanga.

Tila hindi naman nagustuhan ng mga tagahanga ni Deanna ang ginawa ng naturang netizen at nanawagan silang i-report ang account nito.

“May mga tao talaga na gumagawa ng isyu para sumikat lang at isa ka na doon Adrian pinapahamak mo kapwa mo Cebuano… face the consequences of your action ha huwag kang mag-delete hintay ka lang…”

“Sa lahat ng supporter ni Boss D, paki-report na lang ng post na ito. Wag n’yo na patulan ‘yan. Kulang lang sa pansin ‘yan.
Report na lang para hindi na kumalat salamat.”

“Hahaha REPORT done, walang magawa sa buhay eh ano? Papansin lang talaga kayo… kailangan talaga lumuhod si DEANNA WONG sa mga kagaya n’yo… ang hangin ng mga utak.”

“Ano problema kaya ng taong ‘to kay Deanna Wong? Gusto pa talagang magpasikat tulad ni Mr. GMRC.”

Matatandaang naging-usap-usapan ang pang-iisnab umano ng buong koponan sa mga tagahanga nila habang nasa Boracay.

Kumalat din ang isang video ng pang-iisnab umano ni Deanna sa isang babaeng naispatan siya sa isang sinehan.

Volleyball star player, ‘deanna-mansin’ ng fan? Socmed personality na si Jai Asuncion, nag-sorry

Naglabas naman kaagad ng video ang naturang video at nilinaw na pinansin naman siya ni Deanna subalit pinagbawalan umanong magpakuha ng picture ng kaniyang mga kasama.

TikToker na inisnab daw ni Deanna Wong, may inamin: ‘Kinausap naman niya ako…’
Tags: Choco Mucho Flying TitansDeanna Wong
Previous Post

Marcos, iniutos pagbibigay ng gratuity pay sa COS, JO gov’t workers

Next Post

‘Hindi ako si Ry!’ Historyador na si Xiao Chua, may ‘awkward story’ sa reunion concert ng Eraserheads

Next Post
‘Hindi ako si Ry!’ Historyador na si Xiao Chua, may ‘awkward story’ sa reunion concert ng Eraserheads

'Hindi ako si Ry!' Historyador na si Xiao Chua, may 'awkward story' sa reunion concert ng Eraserheads

Broom Broom Balita

  • Bilang ng mga Pinoy na bibigyan ng U.S. visa, inaasahang tataas pa!
  • Zack Tabudlo, isiniwalat ang kaniyang mga pinagdaanan
  • Ryzza Mae Dizon, binalikan unang pagtapak sa Eat Bulaga, nagpasalamat sa programa at TVJ
  • Ruby Rodriguez may special message sa TVJ
  • ‘Tahimik lang!’ Alden Richards nagsalita na tungkol sa iniisyung sekswalidad
Bilang ng mga Pinoy na bibigyan ng U.S. visa, inaasahang tataas pa!

Bilang ng mga Pinoy na bibigyan ng U.S. visa, inaasahang tataas pa!

June 1, 2023
Zack Tabudlo, isiniwalat ang kaniyang mga pinagdaanan

Zack Tabudlo, isiniwalat ang kaniyang mga pinagdaanan

June 1, 2023
Ryzza Mae Dizon, binalikan unang pagtapak sa Eat Bulaga, nagpasalamat sa programa at TVJ

Ryzza Mae Dizon, binalikan unang pagtapak sa Eat Bulaga, nagpasalamat sa programa at TVJ

June 1, 2023
Ruby Rodriguez may special message sa TVJ

Ruby Rodriguez may special message sa TVJ

June 1, 2023
‘Tahimik lang!’ Alden Richards nagsalita na tungkol sa iniisyung sekswalidad

‘Tahimik lang!’ Alden Richards nagsalita na tungkol sa iniisyung sekswalidad

June 1, 2023
Auto Draft

PRRD sa pagbibitiw ni VP Sara sa Lakas-CMD: ‘More to it than meets the eye’

June 1, 2023
Ruby Rodriguez: ‘Eat bulaga will forever be a part of me’

Ruby Rodriguez: ‘Eat bulaga will forever be a part of me’

June 1, 2023
Auto Draft

PBBM, target ang 97.5% rice sufficiency sa 2028

June 1, 2023
Kauna-unahang high-powered hybrid rocket sa bansa, pinalipad ng student researchers mula sa Cebu!

Kauna-unahang high-powered hybrid rocket sa bansa, pinalipad ng student researchers mula sa Cebu!

June 1, 2023
Ex-Nueva Ecija Rep. Antonino, absuwelto sa graft, malversation case

Ex-Nueva Ecija Rep. Antonino, absuwelto sa graft, malversation case

June 1, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.