• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

‘Pinigilan ba?’ Boy Abunda, ibinunyag ang dahilan ng pagbabalik sa ‘dati at bagong home network’

Richard de Leon by Richard de Leon
December 22, 2022
in Balita, Showbiz atbp.
0
‘Pinigilan ba?’ Boy Abunda, ibinunyag ang dahilan ng pagbabalik sa ‘dati at bagong home network’

Boy Abunda at Jessica Soho (Larawan mula sa YT channel ng KMJS/Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Sa kauna-unahang pagkakataon, nakapanayam ni award-winning news anchor/journalist Jessica Soho ang nagbabalik-Kapusong si King of Talk Boy Abunda, na nai-shoot noon pang Disyembre 9.

Dito ay natanong si Boy kung ano ang nagtulak sa kaniya upang lisanin ang ABS-CBN na halos dalawang dekada na niyang tahanan.

Inamin ni Boy na nakaapekto sa kaniyang desisyon ang pagkawala ng prangkisa ng network, at nawalan siya ng show dito. Namimiss na raw niya talaga ang pagharap sa camera para sa telebisyon, bagama’t inaral niya ang pagyu-YouTube.

Ang huling programang ginawa ni Boy sa ABS-CBN ay “Tonight with Boy Abunda” o TWBA at “The Bottomline”.

Umere pa sa Kapamilya Network ang kaniyang mga naging panayam sa presidential candidates gayundin sa kani-kanilang mga asawa at anak.

At heto raw ang dati at bago niyang tahanan na handa umano siyang tanggapin ulit, ito nga ang GMA Network.

Hindi raw naging madali ang proseso dahil dumaan siya sa maraming mga pag-uusap, kuwentuhan, at iba pang mga dapat ikonsidera. Hangga’t maaari daw ay ayaw niyang masunog ang mga tulay, dahil mahalaga sa TV host ang mga relasyon o ugnayang nabuo.

Natanong si Tito Boy kung hindi raw ba siya pinigilan ng Kapamilya Network.

“Pinigilan…” pag-amin ng King of Talk. Subalit hindi raw naging madali ang proseso.

Hindi raw naging mahirap kay Boy ang pagbabalik sa dating home network dahil hindi naman daw siya nawala.

Ipinangako ng TV host na gagawin niya ang lahat upang maging sulit ang tiwalang ipinagkaloob sa kaniya ng Kapuso Network.

Mapapanood ang kabuuan ng panayam sa “Kapuso Mo Jessica Soho”.

Tags: ABS-CBNboy abundagma networkJessica SohokapusoKapuso Mo Jessica Soho
Previous Post

Vice Ganda, inakyat sa MMFF float si Toni Gonzaga at nagyakapan

Next Post

2 laborer nalunod sa lawa sa Mt. Province

Next Post
2 laborer nalunod sa lawa sa Mt. Province

2 laborer nalunod sa lawa sa Mt. Province

Broom Broom Balita

  • Mahigit ₱75.5M jackpot sa Super Lotto, walang nakasungkit
  • Pia Wurtzbach, nag-sorry kay Ricky Lee
  • Golf ball factory sa Taiwan, nasunog; 6 patay, mahigit 100 sugatan
  • Zubiri, hinikayat PCG na putulin floating barrier ng China sa Panatag Shoal
  • Pilipinas, pang-13 sa medal tally sa 19th Asian Games — PSC
Mahigit ₱75.5M jackpot sa Super Lotto, walang nakasungkit

Mahigit ₱75.5M jackpot sa Super Lotto, walang nakasungkit

September 24, 2023
Pia Wurtzbach, nag-sorry kay Ricky Lee

Pia Wurtzbach, nag-sorry kay Ricky Lee

September 24, 2023
Auto Draft

Golf ball factory sa Taiwan, nasunog; 6 patay, mahigit 100 sugatan

September 24, 2023
Zubiri, hinikayat PCG na putulin floating barrier ng China sa Panatag Shoal

Zubiri, hinikayat PCG na putulin floating barrier ng China sa Panatag Shoal

September 24, 2023
Pilipinas, pang-13 sa medal tally sa 19th Asian Games — PSC

Pilipinas, pang-13 sa medal tally sa 19th Asian Games — PSC

September 24, 2023
PBBM sa ₱20 kada kilo ng bigas: ‘May chance lagi ‘yan’

PBBM sa DSWD: ‘Tulungan ang sari-sari stores na apektado ng rice price caps’

September 24, 2023
China Coast Guard, binira ng PCG dahil sa paglalagay ng boya sa Bajo de Masinloc

China Coast Guard, binira ng PCG dahil sa paglalagay ng boya sa Bajo de Masinloc

September 24, 2023
Hontiveros, binigyang-pugay ang mga Pinoy seafarer

Hontiveros, binigyang-pugay ang mga Pinoy seafarer

September 24, 2023
Ricci, Leren naispatang magkahawak-kamay; Bea Alonzo, ‘nakaladkad’ ulit

Ricci, Leren naispatang magkahawak-kamay; Bea Alonzo, ‘nakaladkad’ ulit

September 24, 2023
Banat ni Joey tungkol sa depresyon noong 2017, inungkat ng netizens

Banat ni Joey tungkol sa depresyon noong 2017, inungkat ng netizens

September 24, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.