• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Lacuna, may apela sa mga magulang: Mga anak, pabakunahan bilang proteksyon sa Covid-19 ngayong Kapaskuhan

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
December 9, 2022
in Balita, Metro, National / Metro
0
Monthly allowance ng 5,000 MPD cops, ilalabas na– Mayor Honey

Photo courtesy: Manila Mayor Honey Lacuna (Manila PIO/FILE)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Umaapela si Manila Mayor Honey Lacuna sa lahat ng mga magulang at guardians nitong Biyernes na pabakunahan na ang kanilang mga anak bilang proteksyon, ngayong panahon ng Kapaskuhan.    

Ang apela ay ginawa ni Lacuna matapos na mapunang napakababa ng bilang ng mga batang nasa lima hanggang 11-taong gulang, na nabakunahan na laban sa Covid-19, na umabot pa lang sa 153,810.

Samantala, ang kabuuang bilang naman ng bakuna na naibigay sa mga kabataan na edad 12 hanggang 17 ay 315,421.
      

“If you will notice, mababa ang vaccination rate sa 15 to 11 years old kaya hinihikayat ko ang mga magulang, kung gusto n’yong ipasyal ang inyong mga tsikiting lalo na dahil magpa-Pasko, ibili sila ng bagong damit, sapatos at regalo, pabakunahan muna natin sila nang sa gayun, kahit kayo mamasyal nang mamasyal,  alam nating me proteksyon sila kahit paano sa Covid-19,” panawagan pa ng alkalde.      

Samantala, lumalabas naman na maganda ang bilang ng mga adults na nagpabakuna sa kauna-unahang pagkakataon.     

Noong Nobyembre 25 aniya, mayroong 452 indibidwal ang nagpabakuna ng kanilang  first dose.     

Ibinahagi din ni Lacuna na ang bilang ng mga nakatatandang nagpaturok ng kanilang booster ay tumaas na rin.      

Sa kasalukuyan, ang kabuuang bilang ng bakuna na na-administered ng pamahalaang lungsod ay umabot na sa 3.8 milyon, ito ay napakataas para sa lungsod, na ang populasyon ay dalawang milyon lamang.     

Muli rin namang nanawagan si Lacuna sa mga residente na ipagpatuloy ang pagtalima sa minimum health protocols, lalo na ngayong papataas ang bilang ng Covid-19 cases sa Maynila.     

“Sayang dahil napababa na natin ito dati. So, ibayong pag-iingat lang po,” aniya pa. 

Tags: COVID-19covid-19 updateManila Mayor Honey Lacuna
Previous Post

Nakaparadang pison, ninakaw sa Quezon

Next Post

Nick Carter ng Backstreet Boys, inakusahan ng rape

Next Post
Nick Carter ng Backstreet Boys, inakusahan ng rape

Nick Carter ng Backstreet Boys, inakusahan ng rape

Broom Broom Balita

  • ‘Valentina,’ may new look para sa finale ng ‘Darna’
  • Magnitude 4.9 na lindol, tumama sa Davao Occidental
  • Guanzon sa planong pagbuo ng WRMO: ‘They might pack this Office with incompetent cronies’
  • Pokwang, ‘nagsinungaling’ para pagtakpan si Lee O’Brian; nasasayangan sa mga sakripisyo
  • ‘Say hello to Bobi!’ Bagong naitalang oldest dog ever, miraculous daw na nabuhay
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.