Plano na ng Taguig City government na bawiin sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang donasyong gusali kung saan naaresto ang isang opisyal ng ahensya at dalawang tauhan dahil sa umano’y pagbebenta ng mahigit sa ₱9 milyong halaga ng shabu kamakailan.
Sa pahayag ng pamahalaang lungsod ng Taguig, sinuspindi na rin nila ang suporta sa PDEA, partikular sa District Office nito sa siyudad dahil na rin sa nasabing usapin.
“The City is temporarily suspending its support to and coordination with PDEA pending the outcome of the criminal investigation. The City insists that those involved should be held accountable,” pagbibigay-diin ng Taguig government.
Kasabay nito, binatios din ng pamahalaang lungsod ang pagkakasangkot ni PDEA Southern District Office chief, Enrique Lucero, dalawang agent nito na sina Anthony Vic Alabastro at Jaireh Llaguno, sa bentahan ng iligal na droga sa mismong gusali pa na nai-donate nila sa PDEA noong 2018.
Sa naturang anti-drug operation, naaresto rin ang driver ng mga ito na si Mark Warren Mallo.
“It is a betrayal of the highest order,” dagdag na pahayag ng Taguig government.
Philippine News Agency