• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Pekeng trabaho sa Poland, iniaalok: Travel agency sa Pampanga, ipinasara ng POEA

Balita Online by Balita Online
December 8, 2022
in Balita, National/Probinsya
0
Pekeng trabaho sa Poland, iniaalok: Travel agency sa Pampanga, ipinasara ng POEA
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Sinalakay at ipinasara ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang isang travel agency sa San Fernando, Pampanga dahil sa pag-aalok ng mga pekeng trabaho sa Poland, kamakailan.

Kasama rin sa ikinandado ang dalawa pang opisina ng IDPlumen Travel Consultancy Services sa Santiago City sa Isabela at sa Tabuk City sa Kalinga, ayon Department of Migrant Workers (DMW).

Sa pahayag ni DMW Secretary Susan Ople, nilusob ng mga tauhan ng Anti-Illegal Recruitment Branch (AIRB) ng POEA ang tatlong opisina ng nasabing travel agency matapos ireklamong naniningil sa kanilang aplikante ng hanggang ₱122,000 bilang processing fee batay na rin sa ipinaiiral na “fly now, pay later” scheme.

“Please do not transact with travel consultancy firms offering jobs abroad. Illegal recruitment ‘yan. May naghihintay na one-way ticket sa kulungan ang mga nagpapatakbo ng ganyan,” babala ni Ople.

Bago aniya ang ikinasang operasyon ng POEA, minamnaman muna ang ang tatlong opisina at natuklasan nilang kabilang sa iniaalok na trabaho sa Poland ay truck driver, welder, at factory worker.

Kinumpirma rin ng DMW na walang lisensya sa POEA ang nasabing travel agency sa pangangalap nito ng mga aplikanteng nagnanais magtrabaho sa ibang bansa.

Inihahanda na ng POEA ang kasong illegal recruitment laban sa mga may-ari ng nasabing travel agency.

Philippine News Agency 

Previous Post

Ogie Diaz sa pagkakaroon ng anak: ‘Hindi ako nag-anak para lang may umakay sa akin’

Next Post

Darryl Yap, iniimbitahan si ‘Mother Sitang’ na umextra; sino kaya ang gagampanan?

Next Post
Darryl Yap, iniimbitahan si ‘Mother Sitang’ na umextra; sino kaya ang gagampanan?

Darryl Yap, iniimbitahan si 'Mother Sitang' na umextra; sino kaya ang gagampanan?

Broom Broom Balita

  • DOH, nag-turnover ng MRI machine sa Ilocos Norte Provincial Hospital
  • NorthPort, biktima sa unang panalo ng Phoenix
  • Lalaki, nagpatayo ng dream house para sa future nila ng gf noon, pero niloko lang siya
  • Pinakamataas na bilang ng pasaherong sumakay sa MRT-3 sa loob ng isang araw, naitala nitong Pebrero 1
  • Pokwang sa kaniyang pinagdaraanan: ‘Bangon at nanay ka, marami ka pang labada!’
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.