• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Ogie Diaz sa pagkakaroon ng anak: ‘Hindi ako nag-anak para lang may umakay sa akin’

Nicole Therise Marcelo by Nicole Therise Marcelo
December 8, 2022
in Balita, Showbiz, Showbiz atbp.
0
Ogie Diaz sa pagkakaroon ng anak: ‘Hindi ako nag-anak para lang may umakay sa akin’

Photo courtesy: Ogie Diaz/FB

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nagbigay ng opinyon si Ogie Diaz hinggil sa usaping kung obligasyon ba ng mga anak na magbigay ng pera sa magulang bilang sukli sa kanilang pagpapalaki.

(Ogie Diaz/FB)


Sa kaniyang Facebook post nitong Huwebes, Disyembre 8, sinagot ni Ogie ang tanong kung obligasyon ba ng mga anak na magbigay ng pera sa magulang biglang sukli sa kanilang pagpapalaki.

Sey ni Ogie, madalas daw niyang naririnig na dapat magkaroon siya ng anak para raw may umakay sa kaniya. 

“‘Tama yan, Ogie. Mag-anak ka. Para pagtanda mo, may mag-akay sa ‘yo. Sila naman ang babawi pag uugod-ugod ka na!’ Juice ko, yan ang madalas kong marinig. Di naman ako naiirita, nginingitian ko na lang kasi opinyon nila yon. Eh, sa yan ang konsepto nila ng pagkakaroon ng anak, eh. Ang old school, di ba?” aniya

Gayunman, maayos naman daw niyang ipinaliliwanag sa mga tao na hindi siya nag-anak para lang may umakay sa kaniya. Aniya, masarap daw kasing sabihin na masaya ang may sariling pamilya.

“Pero maayos ko namang ipinaliliwanag sa kanila na hindi ako nag-anak para lang may umakay sa akin. Mas masarap pa ring sabihing, ‘Nag-anak ako kasi, gusto ko. Kasi, masaya ang may pamilya. Masarap na may matawag akong pag-aari ko kasi anak ko sila. At mas masarap isipin na ang goal ko ay ako pa rin ang aakay sa kanila kahit otsenta na ako.’

“Ibig sabihin, kahit 80 na ako, malakas pa rin ako. Ang katawan ko. Pag-iisip ko. Kaya pa ng emosyon ko ang kung anumang ire-react ko o gagawin ko sa mga kaganapan sa mga anak ko at mga kaapu-apuhan ko,” sey pa niya.

“Kaya nga ako nag-iipon. Kasi mga babae ang lima kong anak. Pag nag-asawa ang mga yan, buhayin sila dapat ng mga asawa nila. Gusto nilang magpamilya eh. Eh di panindigan nila. Kaya nga sabi ko sa kanila, ‘Pag nag-asawa kayo after 25 years old na, meron kayong prize sa akin.’ **kung anuman yon, amin na lang yon ng mga anak ko.

“Gusto ko kasi, i-enjoy nila ang kabataan nila. Lagi kong sinasabi sa kanila, ‘Pag kayo nag-asawa na, nag-anak na, mali-limit na ang mga gusto nyong gawin sa buhay. Hindi nyo mama-maximize ang pagiging youth nyo. Mas magandang may mai-share kayong realization at wisdom sa mga anak nyo kasi na-experience nyo yon before.’

“Mag-aral mabuti sa kursong pinili nila, magkaroon ng stable job. Magandang may alam sila sa buhay para di sila pinagmamalakihan ng lalake. Para pag iniwan sila, okay lang, dahil kaya mong magtrabaho kahit wala siyang hindot siya. Di ba? Dapat naman talaga, ganon,” paglalahad pa ni Ogie.

Binigyang-diin niya na kung ang mindset niya ay dapat alagaan siya ng mga anak niya, baka raw masaktan lang siya kapag hindi iyon nangyari. Kaya nga raw siya nag-iipon para sa kanilang mag-asawa dahil ayaw niyang umasa sa mga anak pagdating ng araw.

“Hindi nila kami obligasyon, kaya hindi rin para mag-demand kami sa kanila ng aruga. Nasa mga bata yan kung gusto nilang gawin yung bumawi sa amin sa anumang paraan na kaya nilang bumawi. Di para mag-impose sa kanila. May obligasyon sila sa sarili nila o sa binuo nilang pamilya, yun ang unahin nila,” pagbabahagi ng talent manager.

“Kaya nga ako nagse-save, dahil ayokong umasa sa mga anak. Na mas gugustuhin kong sila ang manghingi sa akin kesa ako ang manghingi sa kanila. Bonus na lang talaga yung sobra ka nilang mahal, masaya pa sila sa piling ng magulang nila, na gusto nilang bumawi sa amin ng mama nila, kaya ayaw pa nilang mag-asawa.

“Basta ako, lagi kong ipinagpe-pray na ang lahat ng anak ko pagdating ng panahong gusto nilang bumuo ng sariling pamilya ay sana, makayanan nila ang trials at marami silang matutunan sa buhay.

“Kung dumating man ang panahon na mas matimbang ang lovelife o dyowa nila kesa sa amin ng parents nila, maiintindihan ko. Didibdibin ko pa ba yon? Eh, ayoko nga ng wrinkles, eh. No expectations, no disappointments,” paliwanag pa niya.

Sa huli, anuman ang mangyari sa mga anak nandyan pa rin naman silang mga magulang para samahan pa rin ang mga ito.

“After all, pag nagkamali naman sila, nabigo sila sa pag-ibig, nagkaroon man sila ng anak at iniwan sila, alam nilang hinding-hindi namin sila tatalikuran ng mama nila. Kami pa rin ang magulang nila na buong-buo, yayakapin sila at di nila kailangang magpaliwanag pa.”

Tags: Ogie Diaz
Previous Post

Rep. Castro sa SSS: ”Wag nang makisawsaw sa ‘Maharlika’ fund, dagdag pension, bayaran n’yo’

Next Post

Pekeng trabaho sa Poland, iniaalok: Travel agency sa Pampanga, ipinasara ng POEA

Next Post
Pekeng trabaho sa Poland, iniaalok: Travel agency sa Pampanga, ipinasara ng POEA

Pekeng trabaho sa Poland, iniaalok: Travel agency sa Pampanga, ipinasara ng POEA

Broom Broom Balita

  • DOH, nag-turnover ng MRI machine sa Ilocos Norte Provincial Hospital
  • NorthPort, biktima sa unang panalo ng Phoenix
  • Lalaki, nagpatayo ng dream house para sa future nila ng gf noon, pero niloko lang siya
  • Pinakamataas na bilang ng pasaherong sumakay sa MRT-3 sa loob ng isang araw, naitala nitong Pebrero 1
  • Pokwang sa kaniyang pinagdaraanan: ‘Bangon at nanay ka, marami ka pang labada!’
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.