• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Manila Central Post Office inilawan; Christmas 2022 Postage stamps, inilunsad!

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
December 8, 2022
in Balita, National / Metro
0
Manila Central Post Office inilawan; Christmas 2022 Postage stamps, inilunsad!
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Lalo pang pinatingkad ang makasaysayang gusali ng Philippine Post Office sa Maynila ng mga Parol at pailaw, kasabay nang paglulunsad ng “Christmas 2022 Stamps” na kinatatampukan ng tradisyonal na mga larawan ng Paskong Pinoy na nagpapakita ng pagbibigayan ng pagkain at regalo, pagpapailaw ng parol at pagsasama-sama ng pamilya.

Sa isang pahayag nitong Huwebes, sinabi ni Postmaster General Norman Fulgencio na kahit humaharap sa pagsubok ng buhay, tayong mga Pilipino ay laging handang salubungin ang Pasko ng may masayang puso.

Naging panauhing pandangal ng Post Office sa naturang okasyon ang mga “batang pinoy” ng Maynila na hinandugan naman nito ng mga pagkaing kanilang pinagsalu-saluhan.

“No matter how hard it is; Filipinos will always have the heart to celebrate Christmas. After all, Jesus is the reason for the season, kaya “tayo nagdiriwang ng pasko”. The simple act of sharing brings happiness and blessings,” ayon pa kay Fulgencio.

Dagdag pa niya, “lagi tayong nagdiriwang ng Pasko ng may kagalakan ng puso dahil sa pagsilang ni Hesus sa munting sabsaban. Ang pagpapailaw sa makasaysayang gusali ng Manila Central Post Office ay sumisimbolo ng pag-asa at makulay na kinabukasan para sa ating lahat.”

Inihayag pa ng postmaster general na, “ang Post Office ay isa sa pinakalumang institusyon sa mundo na ipinamana ng ating mga ninuno. Lagi nating tatandaan na tayong lahat na mga kawani ng Post Office ay mga tagapangalaga ng serbisyong postal at dapat natin pagyamanin ito sa pamamagitan ng teknolohiya.”

Aniya, ipinahihiwatig sa selyo ang matibay na pananampalataya sa Diyos at  ang masayang pagsama-sama ng pamilya at mga magkakaibigan.

Nais din ng PHLPost na maging sentro ng atraksyon ng mga bumibisita sa Maynila ang makasaysayang gusali ng post office upang maipakita ang mga natatanging selyo na naglalarawan ng mayamang kultura at kasaysayan ng bansa.

Nabatid na naglimbag ng 40,000 kopya ang PHLPost para sa apat na magkakaibang disenyo ng selyo na nagkakahalaga ng P12 bawat isa. 

Idinesenyo ng In-house graphic arts designers’ na sina Agnes Rarangol, Ryman Dominic Albuladora , Eunice Beatrix Dabu and Israel Viyo ang mga makukulay na Christmas stamps.

Mabibili na ang mga ito simula ngayong Biyernes, Disyembre 9, 2022 ang mga limitadong kopya ng stamps na may temang Unity, Faith and Prosperity sa Philatelic Counter, Manila Central Post Office.

Ang mga interesado hinggil dito ay maaaring tumawag sa mga numero ng telepono sa 8527-01-08 or 8527-01-32 o i-follow/like ang facebook page https://www.facebook.com/PilipinasPhilately/. 

Tags: Manila Central Post Office
Previous Post

Rape case vs Vhong Navarro, lilitisin na sa Pebrero 2023

Next Post

‘Walang personalan’ Arnold Clavio, may reaksyon hinggil sa Maharlika fund

Next Post
‘Walang personalan’ Arnold Clavio, may reaksyon hinggil sa Maharlika fund

'Walang personalan' Arnold Clavio, may reaksyon hinggil sa Maharlika fund

Broom Broom Balita

  • Vavavoom! ‘Fit check’ ni Celeste Cortesi, sumabog; kapwa beauty queens, nalula sa katawan ng Pinay rep
  • Rayver Cruz, ‘cute concert buddy’ ni Julie Anne San Jose sa anniversary show ni Christian Bautista
  • Pinoy pole vaulter EJ Obiena, nakasungkit ng gold medal sa Perche En Or sa France
  • Operasyon, paanakan sa Navotas City Hospital, pansamantalang isasara
  • Christian Bautista, isa-isang pasalamatan ang mga tao sa likod ng matagumpay na concert
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.