• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Apela ni Lacuna sa mga doktor: Seniors at bedridden, paglaanan ng oras

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
December 8, 2022
in Balita, Metro
0
Mayor Honey: Mga mag-aaral sa Maynila, ligtas sa COVID-19 at dengue

PHOTO COURTESY: MANILA PIO (FACEBOOK/FILE)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Umapela si Manila Mayor Honey Lacuna sa lahat ng mga doktor na naglilingkod sa lungsod na maglaan sila ng oras upang dalawin ang mga senior citizens at bedridden na mga residente, o yaong hindi na kayang pumunta ng ospital para magpagamot.

Nabatid na si Lacuna, na isa ring doktor, ay ginugugol ang kanyang mga bakanteng oras sa pagsasagawa ng regular na door-to-door visits sa mga seniors at bedridden.

Nagbibigay rin ang alkalde ng free consultation, medical assistance, wheelchairs kung kinakailangan at iba pang serbisyong medikal.

Nabatid na isinasagawa ng alkalde ang pagbisita sa mga pasyenteng residente, bilang bahagi na rin ng ‘Kalinga sa Maynila’ forum na regular na isinasagawa sa ibat-ibang barangay sa lungsod.

Kasama ng alkalde sa nasabing forum sina Vice Mayor Yul Servo-Nieto, Congressmen at City Councilors na kumakatawan sa distrito kung saan ginagawa ang pagtitipon. Naroon din ang mga opisyal ng City Hall. 

Nagpahayag rin ng pagkabahala ang lady mayor na may mga senior citizens at  bedridden patients ang hindi na nagtutungo sa ospital  at nagse-self-medicate na lang.

Ayon pa sa alkalde, ang masaklap ay patuloy ang mga ito sa paggamit ng gamot na matagal nang nireseta sa kanila.

Dahil dito ay pinayuhan ng lady mayor ang mga pasyente na itigil na ang paggamit ng mga gamot na matagal ng nireseta sa kanila at hinikayat ito na magpa- checkup at magpagamot. 

“Lagi kong hinihikayat na sila ay magpa-checkup dahil kadalasang nangyayari na di na sila nakakabalik na sa ospital so kung ano ang iniinom nilang gamot, kahit di na sila nagpapa-check up tinutuloy na lang nila di na sila nagpapa-checkup.  ‘Wag po natin gagawin ‘yun,” sabi ni Lacuna.

 “Ang pinakamainam po nating gawin, tiyagain po natin dalhin natin ang mga kamag-anakan sa mga health center pa check up natin tutal minsan lang naman ‘yan baka kailangan na palitan ang kanilang gamot o baka di na akma sa kanila o baka may kailangang gawing laboratoryo para sa kanila,” dagdag pa ng alkalde. 

Tags: Manila Mayor Honey Lacuna
Previous Post

Legal counsel, kumpiyansang maabsuwelto si Vhong Navarro

Next Post

LPA sa Mindanao, posibleng maging bagyo

Next Post
Aurora, hahagupitin sa Linggo: Eastern, Northern Samar, isinailalim sa Signal No. 1 kay ‘Paeng’

LPA sa Mindanao, posibleng maging bagyo

Broom Broom Balita

  • Tres ni McCree, sumablay: Magnolia, taob sa Converge
  • ‘Man’s best friend indeed!’ PWD, kaagapay sa buhay ang kaniyang aso
  • ‘Para kay Mother Earth!’ Proyektong ‘Kuha Sa Tingi,’ inilunsad sa San Juan City
  • PhilHealth premium hike, pinasususpindi ng 5 kongresista
  • Comelec, muling hinikayat ang publiko na magparehistro bago ang nalalapit na deadline
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.