• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Rendon Labador, ‘pinuri’ ang pagpansin, pagkaway ni Deanna Wong sa isang fan habang nasa El Nido

Richard de Leon by Richard de Leon
December 7, 2022
in Balita, National/Sports, Showbiz atbp., Sports
0
Rendon Labador, ‘pinuri’ ang pagpansin, pagkaway ni Deanna Wong sa isang fan habang nasa El Nido

Rendon Labador at Deanna Wong (Larawan mula sa IG/Twitter)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Isang netizen na nakakita kay Choco Mucho Flying Titans star player Deanna Wong habang nakabakasyon ito sa El Nido, Palawan ang nagpatunay na hindi umano isnabera ang naturang volleyball player.

Makikita sa tweet ng netizen na si @beyuhdeI ang video clip ng pagpansin at pagkaway ni Deanna sa kaniya habang nakasakay sila sa isang sidecar ng partner na si Ivy Lacsina. Makikita sa video na todo-kaway ang volleyball star na kamakailan lamang ay binabatbat ng kritisismo dahil sa pagiging “dedma” sa ilang fans.

“wag muna kayong umuwi! huhu I’m happy to see u na nag-eenjoy lang,” saad ng netizen sa kaniyang tweet.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

“Salamat El Nido! Dedma na tayo sa Boracay daming zombies do’n.”

“Ayan may pang Ms.U na wave at hi, talagang naenjoy nila yung El Nido unlike sa Boracay na daming bubuyog.”

“Pede endorser ng orocan.”

“Kaway-kaway with flying kiss pa ‘di ba?”

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/07/deanna-wong-todo-ngiting-namansin-kumaway-sa-isang-fan-habang-nakabakasyon-sa-el-nido/

Nagkomento naman ang motivational speaker/fitness coach na si Rendon Labador sa ulat ng Balita Online tungkol dito. Matatandaang isa si Labador sa mga personalidad na sumita sa kinabibilangang volleyball team ni Deanna tungkol sa insidente ng pang-iisnab umano sa mga tagahanga nila habang nakabakasyon sa Boracay.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/01/rendon-labador-pinatutsadahan-ang-isang-volleyball-team-na-hindi-namamansin-sa-fans/

Pinakawalan din ng mga tirada ni Labador si Wong sa kaniyang live.

“Yan ang maganda! Kahit plastik lang ang kaway at ngiti okay na. Ayaw ko lang kasi ay makita ng lahat sa socmed ang hindi magandang galawan. Inaayos ko ang mindset ng kabataan tapos sisirain ninyo lang? Doon ako nagagalit. Kaya tama ‘yan Boss D! Kung ganyan lang ang pinapakita mo eh di magkakasundo tayo.”

“Naniniwala akong magbabago ka pa for the better! #stayMotivated.”

Screengrab mula sa Balita Online

Samantala, wala pang direktang tugon o pahayag si Deanna sa mga intrigang ipinupukol sa kaniya ngayon.

Tags: Deanna WongRendon Labador
Previous Post

Latest IG post ni Alexa Ilacad, pasaring nga ba sa ‘taong may problema sa kaniya?’

Next Post

Online buyer, nilagay sa hanger bayad sa delivery rider; nagdulot ng good vibes

Next Post
Online buyer, nilagay sa hanger bayad sa delivery rider; nagdulot ng good vibes

Online buyer, nilagay sa hanger bayad sa delivery rider; nagdulot ng good vibes

Broom Broom Balita

  • Dating miyembro ng CTG, sumuko sa awtoridad
  • DHSUD, ‘di nangongolekta ng membership fee para sa programang pabahay
  • Mayor Wes Gatchalian, hindi rin nagpahuli sa bagong nauuso na social networking app
  • Ex-NBA player KJ McDaniels, ‘di umubra–Meralco, sinagasaan ng Dyip
  • Nasa 3,000 MT inangkat na sibuyas, nakarating sa bansa
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.