• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Height ni Darren Espanto, bakit nga ba nag-trend sa Google search kamakailan?

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
December 7, 2022
in Balita, Features, Showbiz atbp.
0
Height ni Darren Espanto, bakit nga ba nag-trend sa Google search kamakailan?

Darren Espanto/Facebook

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Kasunod ng trending na promo at fan meeting event ng South Korean group na ENHYPEN sa Pilipinas kamakailan, dito nagulantang ang marami kung gaano katangkad si Kapamilya singer-actor Darren Espanto.

Ang 21-anyos na young star ang isa sa opening act ng inabangan at sold-out na BYS press conference at fun meet ng ENHYPEN sa Araneta Coliseum noong Dis. 3.

As expected, isang interaksyon ng Kapamilya star at rising K-pop group ang natunghayan ng fans na ibinahagi pa ni Darren sa kaniyang Instagram kamakailan.

View this post on Instagram

A post shared by Darren Espanto (@darrenespanto)

Kasunod nito, isang maikling clip naman ang agad na nag-viral online matapos mapansin ng maraming netizens ang angat na angat na tangkad ni Darren.

Kilalang matatayog ang ilang K-pop idols at Korean stars kaya’t hindi inasahan ng marami ang larawan ng ENHYPEN kung saan makikitang si Darren nga ang literal na nangibabaw.

Sa isa pang viral na TikTok video, nahuli pang tila nagtaka at pasimpleng tiningnan ng ilang miyembro ng ENHYPEN ang suot na sapatos ng Kapamilya star.

@sddeuno

IM CRACKING 😭😭 #ni_ki #sunoo #jungwon #jake #darrenespanto #enhypen #foryou #fyp #xyzbca

♬ the psycho intro gone wrong ㅠㅠ – Arielle • Shadowbanned I think

Umani ang naturang video ng nasa mahigit tatlong milyong views sa pag-uulat.

Sari-saring reaksyon kabilang na nga ang tanong kung gaano nga ba katangkad ang Pinoy singer ang agad na naging usap-usapan.

Sa katunayan, isang netizen pa ang nakapansin na trending maging sa Google search ang naturang tanong.

lmao bhie @Espanto2001 pic.twitter.com/9EZNmL43UP

— no one's home ; (@haratakaki) December 6, 2022

Sa kaniyang Twitter noong Linggo, Nob. 5, sinagot na mismo ni Darren ang trending question.

“To those who are wondering, I’m six feet tall,” aniya.

To those wondering, I’m 6 feet tall. 😁

— Darren (@Espanto2001) December 5, 2022

Teyorya naman ng ilang ENHYPEN fans, nakadagdag din anila sa tangkad ng Kapamilya star sa suot nitong footwear, dahilan para tila malayo ang naging agwat nito sa mga miyembro ng grupo.

Samantala, binubuo nina Ni-Ki, Jay, Jake, Juungwon, Heesung, Sunghoon at Sunoo ang ENHYPEN.

Ang HYBE rising global group ang nasa likod ng mga kantang “Fever,” “Tamed-Dashed,” “Blessed-Cursed” bukod sa iba pa.

Tags: Darren EspantoENHYPEN
Previous Post

Smuggled na agri products, nasamsam sa Subic

Next Post

Juliana, may bday message para sa sarili: ‘Panibagong taon susuungin natin kaya tatagan mo pa!’

Next Post
Juliana, may bday message para sa sarili: ‘Panibagong taon susuungin natin kaya tatagan mo pa!’

Juliana, may bday message para sa sarili: 'Panibagong taon susuungin natin kaya tatagan mo pa!'

Broom Broom Balita

  • Military assets, panatilihing ‘ready to go’ — Marcos
  • 3 lider ng NPA, napaslang sa magkakahiwalay na sagupaan sa Agusan
  • Babae, nasagip sa pagkakahulog sa isang gusali sa Binondo
  • Ultra, Mega Lotto jackpot, mailap pa rin — PCSO
  • Imee Marcos, binatikos ang ICC sa ‘di pagpansin sa crimes vs humanity ng Western nations
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.