• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Co-owner ng tour company sa El Nido, ipinagtanggol si Deanna Wong: ‘Hindi siya snobbish!’

Richard de Leon by Richard de Leon
December 7, 2022
in Balita, National/Sports, Showbiz atbp., Sports
0
Co-owner ng tour company sa El Nido, ipinagtanggol si Deanna Wong: ‘Hindi siya snobbish!’

Deanna Wong at Ivy Lacsina (Larawan mula sa FB ni Karen Alivio)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Sa kabila ng mga intrigang ipinupukol sa kaniya at sa kaniyang team, ipinagtanggol si Choco Mucho Flying Titans star player Deanna Wong ng co-owner ng tour and expeditions company na nag-asikaso sa kanila ni Ivy Lacsina at iba pang mga kasama, habang sila ay nagbabakasyon sa El Nido, Palawan.

Matatandaang bago magbakasyon ay inulan ng batikos at kritisismo mula sa mga netizen si Wong dahil sa kumalat na video ng isang tagahanga, kung saan makikitang inisnab daw siya ng sikat na volleyball star.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/05/deanna-wong-dinepensahan-ng-fans-dedmadela-sa-mga-intriga-kasama-si-ivy-lacsina-sa-palawan/

Bagama’t naglabas na ng opisyal na pahayag ang Choco Mucho Flying Titans, wala pang direktang tugon o pahayag si Deanna sa mga isyung ibinabato sa kaniya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/05/pamunuan-ng-choco-mucho-flying-titans-dinepensahan-ang-kupunan-vs-pandededma-viral-video/

Isang netizen na nakakita kay Wong at Lacsina ang nagpatunay na hindi umano isnabera ang naturang volleyball player.

Makikita sa tweet ng netizen na si @beyuhdeI ang video clip ng pagpansin at pagkaway ni Deanna sa kaniya habang nakasakay sila sa isang sidecar ng partner na si Ivy Lacsina. Makikita sa video na todo-kaway ang volleyball star na kamakailan lamang ay binabatbat ng kritisismo dahil sa pagiging “dedma” sa ilang fans.

“Wag muna kayong umuwi! huhu I’m happy to see u na nag-eenjoy lang,” saad ng netizen sa kaniyang tweet.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/07/deanna-wong-todo-ngiting-namansin-kumaway-sa-isang-fan-habang-nakabakasyon-sa-el-nido/

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

“Salamat El Nido! Dedma na tayo sa Boracay daming zombies do’n.”

“Ayan may pang Ms.U na wave at hi, talagang naenjoy nila yung El Nido unlike sa Boracay na daming bubuyog.”

“Pede endorser ng orocan.”

“Kaway-kaway with flying kiss pa ‘di ba?”

Isa pa sa mga nagpatunay na hindi isnabera si Wong ay ang co-owner nga ng Poseidon Tours and Expeditions company na sumama sa kanilang bakasyon na si Karen Alivio.

Makikita sa FB post ni Karen ang ilang mga aktibidad na ginawa ng pangkat nina Wong sa El Nido, at siya mismo ang magpapatunay raw na hindi nang-iisnab si Wong at ang mga kasama nito.

“Makiki-issue din tayo kasi bagot po ako, simple lang naman gusto nila Deanna at Ivy eh… lumangoy lang at maglaro kasama ng Poseidon Tours & Expeditions El Nido at syempre ituring silang kalevel ng mga tao. Ang humble di ba? Salamat sa masayang tour mga langga,” aniya. Kalakip nito ang ilang mga litrato nina Deanna at kuhang video habang sila ay nagbi-beach volleyball.

“Asan ang isnabera dito bi? Siya pa nga nag-aya ng volleyball sa mga locals eh… Hays kadami papansin sa Pilipins, mga kulang sa waves,” saad pa ni Karen kalakip naman ang video nina Deanna habang nagbi-beach volleyball.

“Waves hanap n’yo ‘di ba? Eto oh, book na kayo with Kiteclub in Duli. Maraming salamat sa mainit na pagtanggap at masarap na foods! Deanna and Ivy are waving,” sey naman sa isa pang Facebook post kung saan makikitang may hawak na surfing boards sina Deanna at Ivy, gayundin ang iba pang mga kasama.

Sa huli, si Karen na mismo ang nagpatunay na mabuting tao si Deanna at hindi umano deserve ang mga batikos at bash na natatanggap nito ngayon sa social media.

“Sa mga friends ko na di napagbigyan wishes, sorry po.They (Deanna & Ivy) deserved a quiet and peaceful vacation dahil sa mga taong mapanghusga at kulang sa pansin. Tao din po sila, may mood din at sariling struggles sa buhay. At sa totoo lang, sobrang mahiyain nila.”

“Kami sa Poseidon Tours & Expeditions El Nido ay ginagawa lamang ang nais ng aming mga bisita. Isa kami sa magpapatunay, na mabuting tao si Deanna Wong. Daghang Salamat mga langga! Nag enjoy jud mi sa ato ang adventures,” aniya.

Nakipag-ugnayan ang Balita Online kay Karen at pumayag na eksklusibong makapanayam tungkol sa isyu. Natanong ng Balita Online kung kumusta naman sina Deanna at Ivy sa buong bakasyon at paano niya sila ilalarawan?

“Hindi po sila snobbish, in fact mahiyain sila pareho. Dumating sila dito as customers and we parted ways as friends. Naging panatag sila sa amin kasi di namin sila pini-pressure sa ayaw nila like photos or videos. Gusto lang naman nila magpahinga at maranasan simpleng buhay.”

“Di ako aware na ganon sila kasikat, kaya nong dumating sila dito, we treated them like how we treat other guests,” ani Karen.

Kaya naman, may mensahe siya sa mga patuloy na nambabash kay Deanna, damay na rin ang partner nitong si Ivy.

“Sana maging considerate naman mga tao, nakakapagod ang career nila at tao lang sila gaya natin. May mood din sila, sariling alalahanin sa buhay na minsan nagiging dahilan para di nila makuhang maging masaya sa harap ng iba. Hindi sila pekeng mga tao.”

“Kung naranasan nila off-cam ang dalawang to, they would know how genuine they are. Di ko sila kilala pagdating nila pero naging mabuting kaibigan ko sila bago sila umalis.”

“Wag naman nilang sirain ang isang tao dahil lang sa hindi napagbibigyan lahat ng gusto nila. Bahala na po ang Diyos sa umuusig sa kay Deanna. We as friends, are praying na malampasan niya lahat ng ‘to. Maraming salamat po.”

Tags: Deanna WongIvy LacsinaKaren AlivioPoseidon Tours and Expeditionssnob issue
Previous Post

16-anyos lang na ‘akyat bahay,’ tumangay ng gadgets, cash, relo sa Gen. Trias, Cavite

Next Post

Vergeire: Pasko ngayong taon, magiging ‘totally different’

Next Post
Vergeire: Pasko ngayong taon, magiging ‘totally different’

Vergeire: Pasko ngayong taon, magiging 'totally different'

Broom Broom Balita

  • Ex-Nueva Ecija Rep. Antonino, absuwelto sa graft, malversation case
  • Ice Seguerra sa TVJ: ‘Bakit ka mananatili sa isang relasyong hindi ka naman masaya’
  • Higit 27,800 indibidwal, napagkalooban ng libreng medical assistance ng PRC
  • Japan, pinupuntirya na! ‘Betty’ lumabas na ng bansa
  • Iba pang hosts ng Eat Bulaga, kumalas na rin sa TAPE, Inc.
Ex-Nueva Ecija Rep. Antonino, absuwelto sa graft, malversation case

Ex-Nueva Ecija Rep. Antonino, absuwelto sa graft, malversation case

June 1, 2023
Ice Seguerra sa TVJ: ‘Bakit ka mananatili sa isang relasyong hindi ka naman masaya’

Ice Seguerra sa TVJ: ‘Bakit ka mananatili sa isang relasyong hindi ka naman masaya’

June 1, 2023
PH red Cross, lumampas na sa target sa national COVID-19 vaccination drive

Higit 27,800 indibidwal, napagkalooban ng libreng medical assistance ng PRC

June 1, 2023
‘Rosal’ lumalakas pa rin habang nasa Philippine Sea

Japan, pinupuntirya na! ‘Betty’ lumabas na ng bansa

June 1, 2023
Iba pang hosts ng Eat Bulaga, kumalas na rin sa TAPE, Inc.

Iba pang hosts ng Eat Bulaga, kumalas na rin sa TAPE, Inc.

June 1, 2023
‘Pinas, low risk na sa COVID-19 transmission

OCTA: NCR Covid-19 positivity rate, bumaba pa sa 19.9%

June 1, 2023
TAPE, Inc., naglabas na ng pahayag hinggil sa pagkalas ng TVJ

TAPE, Inc., naglabas na ng pahayag hinggil sa pagkalas ng TVJ

June 1, 2023
Xander napasakamay na tumataginting na ₱350k mula kay Makagwapo

Xander napasakamay na tumataginting na ₱350k mula kay Makagwapo

June 1, 2023
Coast guard drills, isasagawa ng PH, US, Japan sa Bataan

Coast guard drills, isasagawa ng PH, US, Japan sa Bataan

June 1, 2023
Mahigit 400 estudyante sa Mandaluyong, nagsipagtapos ng tech-voc training

Mahigit 400 estudyante sa Mandaluyong, nagsipagtapos ng tech-voc training

June 1, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.