• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Bakunahang Bayan 2, inilunsad ng DOH sa Malasique, Pangasinan

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
December 6, 2022
in Balita, National / Metro, Probinsya
0
Bakunahang Bayan 2, inilunsad ng DOH sa Malasique, Pangasinan

PHOTOS BY DOH-ILOCOS REGION

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Inilunsad na ng Department of Health (DOH) – Ilocos Region, katuwang ang local government ng Malasiqui, Pangasinan ang “Bakunahang Bayan Part 2: PINASLAKAS Special Vaccination Days” sa kanilang lugar.

Ayon sa DOH-Ilocos Region, isasagawa ang bakunahan mula Disyembre 5 hanggang 8, 2022.

Layunin nitong mas marami pang mga residente sa lugar ang maturukan ng primary series at booster shots ng COVID-19 vaccines.

Sinabi ni Regional Director Paula Paz M. Sydiongco na ito ang pamamaraan nila upang mabigyan ng proteksyon ang mga eligible population laban sa virus ngayong panahon ng kapaskuhan.

“Ang bakuna pa rin ang pinakaepektibong paraan upang maiwasan, malabanan at upang mapanatiling malakas ang ating resistensya laban sa COVID-19,” aniya pa.

“Inaanyayahan po namin ang lahat ng edad limang taong gulang pataas na pumunta sa pinakamalapit na vaccination outpost sa inyong lugar upang makakuha ng libreng bakuna,” aniya pa.

Dagdag pa ni Sydiongco, ipagpapatuloy nila ang kanilang customary house-to-house visits campaign para sa mga indibidwal na hindi kayang magtungo sa vaccination centers dahil sa kadahilanang pangkalusugan.

Magtatayo rin aniya ang regional office, katuwang ang Pangasinan provincial health office, ng vaccination sites sa iba’t ibang pampublikong lugar kabilang na ang mga malls, palengke at mga plaza. 

Tags: DOH-IlocosPinasLakas
Previous Post

‘Anti-Hero’ ni Taylor Swift, nananatiling number 1 sa Billboard Hot 100

Next Post

Mabalacat City mayor, binalaan ang mga drug pusher na layuan ang lungsod

Next Post
Mabalacat City mayor, binalaan ang mga drug pusher na layuan ang lungsod

Mabalacat City mayor, binalaan ang mga drug pusher na layuan ang lungsod

Broom Broom Balita

  • Mga kabataan sa Isabela, nakagawa ng artwork gamit ang bigas
  • ‘Pinakamakinang vs. mas pinalakas!’ Glenda at Rosmar, magsasalpukan ng concert
  • ‘Di pa rin pumipirma: Robert Bolick, aalis na sa NorthPort?
  • ‘Meet Little Lakas!’ Madam Kilay, nagpa-face reveal na rin sa anak
  • ‘Face reveal!’ Baby Peanut, ipinakita na sa publiko nina Luis, Jessy
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.