• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Pamunuan ng Choco Mucho Flying Titans, dinepensahan ang kupunan vs ‘pandededma’ viral video

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
December 5, 2022
in Balita, National / Metro, National/Sports, Sports
0
Pamunuan ng Choco Mucho Flying Titans, dinepensahan ang kupunan vs ‘pandededma’ viral video

Kamakailang Boracay trip ng Choco Mucho Flying Titans Team/Facebook

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Kinondena ng pamunuan ng volleyball team na Choco Mucho Flying Titans ang anila’y malisyusong pagpapakalat ng online posts laban sa kilalang kupunan.

Matatandaang unang umagaw ng pansin ang grupo kasunod ng viral video ng pandededma umano ng ilang manlalaro sa ilang fans sa Boracay kamakailan.

Lalo pa itong sumabog online nang magbahagi ang kontrobersyal na fitness vlogger na si Rendon Labador ng kaniyang saloobin sa isyu.

Basahin: Rendon Labador, pinatutsadahan ang isang volleyball team na hindi namamansin sa fans – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Depensa ng pamunuan ng CMFT, isang bahagi lang umano sa kabuuang larawan ang naipakita sa viral video.

“The team was in Boracay recently for a short break after a busy year of heartbreaking finishes. A video from that trip went viral, with netizens portraying some of our players as snob who lack ‘good manners and right conduct,’” anang pamunuan ng grupo, Lunes na tila pasaring din sa online personality.

“Unfortunately, what is not included in the viral clip are other videos online showing the players acknowledging and talking to fans, and accommodating selfies and videos with them while trying to have their break,” pagtatanggol pa nito.

Dagdag ng pamunuan, ang kanilang manlalaro ay “warm, respectful, and appreciative, and accommodating” sa fans.

“While we acknowledge that our team could have handled that particular encounter in the video better, we denounce malicious posts that put our players, or team, and our company in a bad light,”  dagdag nito.

Choco Mucho Flying Titans Team/Facebook

Sunod na kinondena ng management ang anila’y mga walang basehang pahayag online laban sa grupo.

Basahin: ‘Irritating yet sad sight!’ Kuya Kim, nag-react sa viral video ng pang-iisnab ng isang volleyball team sa fans – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Posting these innuendoes only brings negativity to our volleyball community and put the well-being of our athletes at risk.”

Sa huli, nagpaabot pa ng pasasalamat ang pamunuan ng CMFT sa patuloy na suporta  at paggalang ng fans sa kupunan.

“Together, let us grow the sport of volleyball with an atmosphere of respect for each other,” pagtatapos at paghihikayat ng pahayag.

Matatandaang matapos kumalat ang video, isa pang tila tagpo ng pandededma umano ng isang star player ng kupunan ang sunod na nag-viral online.

Basahin: Volleyball star player, ‘deanna-mansin’ ng fan? Socmed personality na si Jai Asuncion, nag-sorry – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Samantala, wala pang tugon si Rendon kasunod pahayag ng pamunuan ng CMFT.

Tags: Choco Mucho Flying TitansViral video
Previous Post

DOH, nakapagtala ng 7,731 bagong kaso ng Covid-19 mula Nob. 28 – Dis. 4

Next Post

82-anyos na lawyer, pinakamatandang babae na nakaakyat sa tuktok ng Mt. Apo

Next Post
82-anyos na lawyer, pinakamatandang babae na nakaakyat sa tuktok ng Mt. Apo

82-anyos na lawyer, pinakamatandang babae na nakaakyat sa tuktok ng Mt. Apo

Broom Broom Balita

  • Romualdez, nakiramay sa pagpanaw ni Bayani Fernando
  • 2,000 residente, na-rescue sa pagbaha sa Zamboanga
  • ‘Super Bass’ challenge nina Melai at mga anak, kinaaliwan ng netizens!
  • Cagayan, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol
  • ‘Scubasurero’: PCG, nagsagawa ng coastal clean-up op sa La Union
Romualdez, nakiramay sa pagpanaw ni Bayani Fernando

Romualdez, nakiramay sa pagpanaw ni Bayani Fernando

September 22, 2023
2,000 residente, na-rescue sa pagbaha sa Zamboanga

2,000 residente, na-rescue sa pagbaha sa Zamboanga

September 22, 2023
‘Super Bass’ challenge nina Melai at mga anak, kinaaliwan ng netizens!

‘Super Bass’ challenge nina Melai at mga anak, kinaaliwan ng netizens!

September 22, 2023
Cagayan, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

Cagayan, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

September 22, 2023
‘Scubasurero’: PCG, nagsagawa ng coastal clean-up op sa La Union

‘Scubasurero’: PCG, nagsagawa ng coastal clean-up op sa La Union

September 22, 2023
Mga sakit na posibleng makuha sa volcanic smog

Mga sakit na posibleng makuha sa volcanic smog

September 22, 2023
Ramon Ang: ‘Yung pera hindi yun measurement ng success… huwag mong diyo-diyosin ang pera’

Ramon Ang: ‘Yung pera hindi yun measurement ng success… huwag mong diyo-diyosin ang pera’

September 22, 2023
Dating congressman, MMDA chief Bayani Fernando, pumanaw na

Dating congressman, MMDA chief Bayani Fernando, pumanaw na

September 22, 2023
BOC, nagbabala vs scammer na ’empleyado’ ng ahensya

BOC, nagbabala vs scammer na ’empleyado’ ng ahensya

September 22, 2023
Jackpot prize ng Mega Lotto 6/45, aabot na sa ₱61.5M; Grand Lotto 6/55, ₱58M naman!

Pasigueño wagi sa Lotto 6/42

September 22, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.