• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Hontiveros sa special audit ng COA sa DOH: ‘Tama na ang turuan…’

Nicole Therise Marcelo by Nicole Therise Marcelo
December 5, 2022
in Balita, National / Metro
0
Hontiveros: ‘In 2016, we made history. In 2022, we will repeat our victory’

(Senate of the Philippines / FILE PHOTO / MANILA BULLETIN)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nagpahayag si Senador Risa Hontiveros hinggil sa plano ng Commission on Audit (COA) na magsagawa ng special audit sa Department of Health (DOH) kaugnay sa umano’y kontrobersyal na pagbili ng Covid-19 vaccine.

“Bilyun-bilyon ang nilagak at ginastos natin sa COVID-19 responses , up to this point, concerned agencies like the DOH, whether under Duque or Vergeire, are not providing the Commission with sufficient documents to proceed with the special audit,” saad ni Hontiveros nitong Lunes, Disyembre 5.

“Tama na ang turuan, government agencies should cooperate and get the audit done,” dagdag pa niya.

Ang naturang special audit ay kaugnay sa ilang mga dokumentong hindi naibigay ng ahensya noong panahon ni dating Health Secretary Francisco Duque III kung saan binanggit niya ang non-disclosure agreement (NDA) sa mga supplier ng Covid-19 vaccine.

Sinabi ni Hontiveros na dalawang taon na niyang hinihikayat ang COA na magsagawa ng special audit. 

“Over 2 years I have urged, time and time again through several resolutions, for COA to conduct a special audit. Paulit-ulit ang panawagan, hindi lang galing sa akin, but even other senators and officials as well,” anang senador.

“Habang tumatagal ang proseso ng special audit, hindi natin matukoy ang mga ahensya at indibidwal na posibleng sangkot sa mga pagsasayang o anomalya sa pondong ginasta at inutang ng gubyerno para sa ating Covid-19 responses,” giit pa niya.

Inaasahan daw nila ang COA na pipilitin nito ang mga sangkot na ahensya na magsumite ng mga kinakailangang dokumento.

“We expect COA, to the fullest extent of its authority, to compel all government agencies involved to submit the documentary requirements, and complete the audit procedure at the latest by June 2023. Truth be told, the time to subpoena the withheld documents COA needs for its special audit was yesterday.”

Samantala, nangako naman ang DOH na makikipagtulungan sila sa COA hinggil sa special audit. 

Tags: coadohSenador Risa Hontiverosspecial audit
Previous Post

Barbie Imperial, fresh at glowing sa kaniyang latest bikini photos!

Next Post

‘Ibang bola gustong idribol?’ ‘Paghimas at pagpisil’ ng Letran player sa isang Benilde player, kinastigo

Next Post
‘Ibang bola gustong idribol?’ ‘Paghimas at pagpisil’ ng Letran player sa isang Benilde player, kinastigo

'Ibang bola gustong idribol?' 'Paghimas at pagpisil' ng Letran player sa isang Benilde player, kinastigo

Broom Broom Balita

  • Unang gintong medalya ng Pilipinas, nakuha ni pole vaulter EJ Obiena sa Asian Games
  • Bulacan warehouse raid: Smuggling case vs rice importers, isinampa ng BOC
  • ‘Jenny’ bahagyang lumakas, kumikilos pa-northwest sa PH Sea
  • Nicole Borromeo, ready nang sumabak sa Miss International 2023
  • Bebot tinaga ang kainumang lalaki sa Quezon
Unang gintong medalya ng Pilipinas, nakuha ni pole vaulter EJ Obiena sa Asian Games

Unang gintong medalya ng Pilipinas, nakuha ni pole vaulter EJ Obiena sa Asian Games

October 1, 2023
₱40M ‘smuggled’ na bigas nadiskubre sa Las Piñas, Cavite

Bulacan warehouse raid: Smuggling case vs rice importers, isinampa ng BOC

September 30, 2023
‘Jenny’ bahagyang lumakas, kumikilos pa-northwest sa PH Sea

‘Jenny’ bahagyang lumakas, kumikilos pa-northwest sa PH Sea

September 30, 2023
Nicole Borromeo, ready nang sumabak sa Miss International 2023

Nicole Borromeo, ready nang sumabak sa Miss International 2023

September 30, 2023
Pulisya, pinaghahanap ang 16-anyos na lalaki na sumaksak sa 2 menor de edad sa Tondo

Bebot tinaga ang kainumang lalaki sa Quezon

September 30, 2023
Lolit puring-puri si Jillian Ward

Lolit puring-puri si Jillian Ward

September 30, 2023
54.49% ng mga kumuha ng Physician Licensure Exam, pasado!

F2F oathtaking para sa bagong master plumbers, kasado na

September 30, 2023
Higit ₱10M shabu, huli sa Iloilo

Higit ₱10M shabu, huli sa Iloilo

September 30, 2023
Sali rin sa military drills: Canadian Navy vessel, dumating sa Pilipinas

Sali rin sa military drills: Canadian Navy vessel, dumating sa Pilipinas

September 30, 2023
‘Jenny’ bumagal habang kumikilos pa-northwest sa PH Sea

‘Jenny’ bumagal habang kumikilos pa-northwest sa PH Sea

September 30, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.