• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Deanna Wong, dinepensahan ng fans, ‘dedmadela’ sa mga intriga; kasama si Ivy Lacsina sa Palawan

Richard de Leon by Richard de Leon
December 5, 2022
in Balita, National/Sports, Showbiz atbp., Sports
0
Deanna Wong, dinepensahan ng fans, ‘dedmadela’ sa mga intriga; kasama si Ivy Lacsina sa Palawan

Deanna Wong at Ivy Lacsina (Larawan mula sa IG)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Sa kabila ng kaliwa’t kanang intrigang kinasasangkutan dahil sa isyu ng pang-iisnab ng kaniyang teammates, at maging siya, sa mga tagahangang kumukuha sa kanilang atensiyon, ibinahagi ni Choco Mucho Flying Titans volleyball star player Deanna Wong ang mga litrato nila ng rumored partner na si Ivy Lacsina, sa kaniyang Instagram post nitong Disyembre 4.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/04/volleyball-star-player-deanna-mansin-ng-fan-socmed-personality-na-si-jai-asuncion-nag-sorry/

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/01/rendon-labador-pinatutsadahan-ang-isang-volleyball-team-na-hindi-namamansin-sa-fans/

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/04/irritating-yet-sad-sight-kuya-kim-nag-react-sa-viral-video-ng-pang-iisnab-ng-isang-volleyball-team-sa-fans/

Ayon sa lokasyong makikita sa post, sila ay nagbabakasyon ngayon sa El Nido, Palawan.

“Making the night special just by being in it,” ani Deanna sa kaniyang caption, kalakip ang litrato nila ni Ivy.

View this post on Instagram

A post shared by Deanna Wong (@deannawongst)

Makikita rin sa kaniyang IG stories ang update patungkol sa kanilang bakasyon.

Sa comment section ay tinadtad si Deanna ng iba’t ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

“In my opinion, she became famous for her pure talent. Hindi biro ang umaga’t gabi ng training, and siyempre it’s their vacation. They needed a break, and all so tired. It’s in you kung iidolohin mo ang isang tao or not. She did not pay all of you to be her fan, you chose to become her fan. And also if you’re a true fan you will not post a certain video just to defame a person. They are also human, with emotions, we don’t know the backstory kung bakit wala cla sa mood that time.”

“Enjoy love birds… kami na bahala sa bashers.”

“Guys, kung ayaw mamansin, ‘wag n’yo gawing idolo. Ganon lang yun. LIFE IS TOO SHORT, FOCUS TAYO SA SARILI NATIN ❤️ HAHAHAHA!”

“Ayaw daw kay deanna pero pumupunta pa sa ig para silipin ang ganap sa buhay ni deanna.. yung basher ka pero yung binabash mo wala pakialam sa’yo, iyak mga basher.”

“Yung ibang mga ‘fans’ daw kasi, hindi marunong rumespeto sa tinatawag na privacy. Go Boss D, enjoy your vacation with your loved ones hehe.”

Sa kabilang banda, may mga tumirada pa rin kay Deanna.

“Aaah basta ikaw yung feeling sikat na hindi namamansin.”

“I’m sorry pero ang umiidolo diyan, hindi rin alam gamitin ang GMRC. Real talk.”

“Isang hi naman jan hahahahaha.”

“Mahal ba o nakakapagod simpleng sagot na hi o simpleng kaway lang? LOL”.

Samantala, tahimik pa ang kampo ni Deanna sa isyu.

Tags: Choco Mucho Flying TitansDeanna WongIvy Lacsinavacation
Previous Post

Alex Gonzaga, tinalakan daw ng isang artistang matanda noon: ‘I was so traumatized!’

Next Post

Babaeng kasama ni Diego Loyzaga sa latest pic, muntik mapagkamalang jowa; si Chesca Montano pala

Next Post
Babaeng kasama ni Diego Loyzaga sa latest pic, muntik mapagkamalang jowa; si Chesca Montano pala

Babaeng kasama ni Diego Loyzaga sa latest pic, muntik mapagkamalang jowa; si Chesca Montano pala

Broom Broom Balita

  • ‘Harry Potter’ star Michael Gambon, pumanaw na
  • Lala Sotto: ‘Being a Sotto should not be taken against me’
  • 2 Singaporean, nahulihan ng ₱76M cocaine sa NAIA
  • LRT-1, may dagdag-biyahe simula na sa Oktubre 1
  • Pangamba ng publiko hinggil sa Nipah virus, pinawi ng DOH
‘Harry Potter’ star Michael Gambon, pumanaw na

‘Harry Potter’ star Michael Gambon, pumanaw na

September 28, 2023
Lala Sotto: ‘Being a Sotto should not be taken against me’

Lala Sotto: ‘Being a Sotto should not be taken against me’

September 28, 2023
2 Singaporean, nahulihan ng ₱76M cocaine sa NAIA

2 Singaporean, nahulihan ng ₱76M cocaine sa NAIA

September 28, 2023
Operasyon ng LRT-1, suspendido sa Enero 30

LRT-1, may dagdag-biyahe simula na sa Oktubre 1

September 28, 2023
Pangamba ng publiko hinggil sa Nipah virus, pinawi ng DOH

Pangamba ng publiko hinggil sa Nipah virus, pinawi ng DOH

September 28, 2023
Paano makakaiwas sa Nipah virus?

Paano makakaiwas sa Nipah virus?

September 28, 2023
Netizens kinabahan sa ‘You have earned your rest mama ko’ ni Kakie kay Shawie

Netizens kinabahan sa ‘You have earned your rest mama ko’ ni Kakie kay Shawie

September 28, 2023
Lala Sotto, may sagot sa panawagang ‘Lala resign’

Lala Sotto, may sagot sa panawagang ‘Lala resign’

September 28, 2023
Taal Volcano, bahagyang kumalma

Taal Volcano, bahagyang kumalma

September 28, 2023
Kakie kay Shawie: ”You have earned your rest, mama ko’

Kakie kay Shawie: ”You have earned your rest, mama ko’

September 28, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.