• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Volleyball star player, ‘deanna-mansin’ ng fan? Socmed personality na si Jai Asuncion, nag-sorry

Richard de Leon by Richard de Leon
December 24, 2022
in Balita, National/Sports, Showbiz atbp., Sports
0
Volleyball star player, ‘deanna-mansin’ ng fan? Socmed personality na si Jai Asuncion, nag-sorry

Screengrab mula sa TikTok video ni Rajin Navarro

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Hindi pa man nareresolba ang isyu ng pang-iisnab umano ng volleyball team na “Choco Mucho Flying Titans” sa ilang fans, muli na namang nalagay sa kumukulong tubig ng intriga ang isa sa mga star player nitong si “Deanna Wong”, matapos ibahagi ng isang TikToker ang isang video, kung saan makikita ang hindi nito pagpansin sa kaniya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/01/rendon-labador-pinatutsadahan-ang-isang-volleyball-team-na-hindi-namamansin-sa-fans/

Makikita sa TikTok video ng netizen na si “Rajin Navarro” ang pag-hi niya kay Deanna na naispatan niya sa isang tila sinehan sa loob ng mall.

“Snobber ba talaga si Deanna? Kayo na bahala…” ayon sa text caption ng TikTok video.

Makikitang halos kadikit na ni Deanna (na nakasuot ng face mask) ang naturang TikToker subalit tila abala ang volleyball star sa pakikipag-usap sa kaniyang mga kasama.

Maya-maya, umalis na ito sa counter ng bilihan ng mga snacks at bahagya namang sumulyap sa kinaroroonan ng kumukuha ng video.

“Deanna… Deanna… tingin ka lang,” paulit-ulit na pakiusap ng TikToker, subalit hindi na siya tinapunan ng tingin o sulyap nito.

Sa comment section ay nagkomento naman dito ang social media personality na si Jai Asuncion.

“Aww sorry ate you had to experience this 🥺,” aniya.

@tararajinpotpot

For reference baka kulang..hehehe #chocomuchoflyingtitans #chocomucho #deannawong #snobbingchallenge #bossd

♬ original sound – Rajin Navarro – Rajin Navarro
@tararajinpotpot

#deannawong #bossd #chocomuchoflyingtitans #chocomuchoflyingtitans💜 #deannawongst

♬ Monkeys Spinning Monkeys – Kevin MacLeod & Kevin The Monkey

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

“Di nman siguro mahirap magsabi ng hello or hi lang.”

“Hay naku! Wag n’yo ibaba sarili n’yo sa mga ‘yan.”

“Deanna namansin hahaha.”

“Hahaha kaya ako never akong nastarstruck sa mga ganiyan. Pag nakakita ako, dedma!!!”

“Ano ba naman yung isang HI lang. kahit pagod man yan.. wait nyo ko maging sikat kahit mainit ulo ko mag hi ako mapasaya lang kayo.”

“Si Sarah Geronimo binati siya ng nanay ko, nag-hi din siya tapos nag-compliment pa. Super warm. Nakakatuwa. Sikat na sikat pa yun ha.”

“Parang bagay ang name, deanna-mansin haha.”

May mga dumipensa rin naman para kay Deanna.

“Madali lang ‘yan ate, kung di ka pinansin, huwag mo ring pansinin.”

“Alam ko may nasabi nang ganyan noon si Nadine Lustre. Like, kilala ba kita? Feelingera si ate, bakit ka naman papansinin ni Deanna kung di ka naman kilala?”

“Kita mo naman sigurong may mga kasama siyang friends ‘di ba? Wala siyang obligasyon sa iyong pansinin ka.”

“Personal moment niya ‘yan ate, konting unawa naman. Halos majority ng buhay niya inaalam ng publiko, ibigay na lang natin sa kanila.”

“Kasalanan mo rin eh, sinabihan ka na ngang huwag nang sundan, sunod ka pa rin. Matuto ka namang makiramdam!”

Umabot na sa 3.5M views ang naturang TikTok video.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Deanna tungkol dito. Bukas ang Balita Online sa kaniyang panig.

Tags: Deanna Wong
Previous Post

DA: Suplay ng karneng baboy ngayong Kapaskuhan, sapat

Next Post

Edu Manzano, windang sa ₱25 na bank transaction fee; netizens, nag-react

Next Post
Edu Manzano, windang sa ₱25 na bank transaction fee; netizens, nag-react

Edu Manzano, windang sa ₱25 na bank transaction fee; netizens, nag-react

Broom Broom Balita

  • Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.9 na lindol
  • 144 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon
  • 144 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon
  • Fever cases sa N. Mindanao, walang kaugnayan sa Nipah virus
  • ₱3.6B shabu, nasamsam sa isang bodega sa Pampanga
Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.9 na lindol

Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.9 na lindol

September 29, 2023
Posible pa ring sumabog: Mayon, yumanig ulit ng 221 beses

144 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon

September 29, 2023
Posible pa ring sumabog: Mayon, yumanig ulit ng 221 beses

144 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon

September 29, 2023
Fever cases sa N. Mindanao, walang kaugnayan sa Nipah virus

Fever cases sa N. Mindanao, walang kaugnayan sa Nipah virus

September 29, 2023
₱3.6B shabu, nasamsam sa isang bodega sa Pampanga

₱3.6B shabu, nasamsam sa isang bodega sa Pampanga

September 28, 2023
ABS-CBN, may pahayag sa pagbasura ng MTRCB sa apela ng It’s Showtime

ABS-CBN, may pahayag sa pagbasura ng MTRCB sa apela ng It’s Showtime

September 28, 2023
‘Pinas, maaaring magkaroon ng 2 o 3 bagyo sa Oktubre – PAGASA

‘Pinas, maaaring magkaroon ng 2 o 3 bagyo sa Oktubre – PAGASA

September 28, 2023
Warship ng PH Navy, nagpatrolya ulit sa WPS

Warship ng PH Navy, nagpatrolya ulit sa WPS

September 28, 2023
Sala-salabat na electric wires sa Maynila, sinisimulan nang ayusin

Sala-salabat na electric wires sa Maynila, sinisimulan nang ayusin

September 28, 2023
‘Harry Potter’ star Michael Gambon, pumanaw na

‘Harry Potter’ star Michael Gambon, pumanaw na

September 28, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.