• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Tuesday Vargas, gigil sa pang-iisnab ng naka-engkwentrong mga ‘batang artista’; umattitude sa event

Richard de Leon by Richard de Leon
December 4, 2022
in Balita, Showbiz atbp.
0
Tuesday Vargas, gigil sa pang-iisnab ng naka-engkwentrong mga ‘batang artista’; umattitude sa event

Tuesday Vargas (Mga larawan mula sa FB)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ibinahagi ng komedyanteng si Tuesday Vargas ang naging engkuwentro niya sa mga “batang artista” na nagkataong nakasama niya sa isang event.

Sunod-sunod ang naging social media posts ni Vargas noong Disyembre 2 patungkol sa “mga batang artistang” nakisingit na nga raw sa program flow, hindi man lamang siya pinansin. Ang mas nakakaloka pa rito, hinarangan pa raw siya ng handler ng mga ito dahil sa pag-aakalang magpapakuha siya ng litrato sa kanila.

Talak ng komedyante na isa sa mga mainstay sa “Bubble Gang”, “Mga batang artista, kahit gaano kayo ka-sikat at pinagkakaguluhan ng mga tao, mag-hello kayo sa kapwa n’yo artista pagdating sa work. Lalo na sa nakakatanda.”

“Sumingit na nga kayo sa program kasi nagagalit na ang handler nyo at bawal ata kayong pinaghihintay.”

“Tapos ako pa ang nagbigay galang sa inyo, dinedma nyo pa ako.”

“Tandaan, madaling maabot ang fame. Longevity is harder.

“Pakabait ok? Huwag ganun.”

Screengrab mula sa FB ni Tuesday Vargas

Napakomento naman dito ang kilalang direktor na si Louie Ignacio.

“Jusko madaling malalaos yang mga batang yan sa ugali nila.

“Feeling sikat agad ha nakakaloka!!!!”

Screengrab mula sa FB ni Tuesday Vargas via PEP

Nagkuwento pa si Tuesday na siya pa mismo ang lumapit sa kanila at nagtangkang makipag-handshake subalit dedma raw sila. Hinarangan pa raw siya ng handler nito sa pag-aakalang magpapa-selfie siya.

Sa sumunod na post ni Tuesday ay napag-alaman niya ang maaaring dahilan kung bakit nagmamadali at sumingit sa program flow ang nabanggit na mga batang artista. Dito ay tinukoy niyang “dalawa” sila.

“Ayun! Kaya pala nagmamadali ang dalawa at sumingit sa program kasi um-attend pa sila ng isang event pa ng sponsor nila.”

“Paid gig ito mga anak. Sana di nyo kinuha kung mag-a-attitude lang at magmamadali.”

“Mahalin ang trabaho. Para mas madami pa kayong proyekto.”

“Nakita ko pa talaga sa feed ko eh. Nahuli ko tuloy.”

Screengrab mula sa FB ni Tuesday Vargas via PEP

Lumipas ang ilang sandali ay agad ding binura ng komedyante ang kaniyang parinig posts at pinalitan ito ng iba.

“Decided to delete my posts and will just leave this here instead because I am beautiful. Ganoin,” caption niya, kalakip ang isang art card na may quotation na “Beautiful things don’t ask for attention.”

Sa latest FB post ni Tuesday, sinabi niyang maraming nag-aabang sa kaniyang pa-reveal kung sino nga ba ang mga “batang artista” na tinutukoy niya.

“Ang daming nakaabang sa pagpatol ko. Mga anak tulog na. Wala na pong oras si Tita Tuesday kasi lagari ako today. Ganun talaga pag laos,” ani Tuesday.

Tags: Tuesday Vargas
Previous Post

Nadine Lustre, sinita ng ilang mga netizen sa kulay ng kutis niya ngayon

Next Post

‘Irritating yet sad sight!’ Kuya Kim, nag-react sa viral video ng pang-iisnab ng isang volleyball team sa fans

Next Post
‘Irritating yet sad sight!’ Kuya Kim, nag-react sa viral video ng pang-iisnab ng isang volleyball team sa fans

'Irritating yet sad sight!' Kuya Kim, nag-react sa viral video ng pang-iisnab ng isang volleyball team sa fans

Broom Broom Balita

  • Nahulog sa barko? Tripulante, ‘di pa mahanap ng PH Coast Guard sa Batangas
  • Phivolcs, pinaghahanda ang Davao sa aftershocks dala ng nangyaring Magnitude 6 na lindol
  • Nursing student, iniligtas ang fruit vendor na tinaga ng kaniyang kalive-in-partner
  • ‘Starry night pool’: Isang swimming pool, nagmistulang art canvas
  • DOTr: Operasyon at maintenance ng Metro Manila Subway at North-South railway, isasapribado na
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.