• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Pangulong Marcos, namahagi ng regalo sa mga bata: ‘Di kumpleto Pasko kung di sila nakangiti’

Richard de Leon by Richard de Leon
December 4, 2022
in Balita, National, National / Metro
0
Pangulong Marcos, namahagi ng regalo sa mga bata: ‘Di kumpleto Pasko kung di sila nakangiti’

Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. (Screengrab mula sa RVTM)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Namahagi ng maagang pamasko ang mag-asawang Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at Unang Ginang Liza Araneta-Marcos sa mga batang naninirahan malapit sa Malacañang complex ngayong Linggo ng umaga, Disyembre 4.

Ang mga bata naman, hinaranahan sila ng “Oh, Holy Night’.

Masaya ang pangulo na makitang masaya ang mga bata, dahil naniniwala siyang hindi kompleto ang Pasko kung hindi sila nakangiti.

“Napakasaya talaga at hindi kumpleto ang kahit anong Pasko kung hindi natin nakikita ang ngiti at tuwa ng ating mga anak, ang ating mga apo, ang ating mga kabataan,” ani Marcos.

“Kaya’t this is a very very happy day for me dahil tradisyon ito dati pa, dito sa Palasyo, gumagawa kami ng children’s party ‘pag Pasko para naman lahat nakasiguro tayo lahat ng ating kabataan sa buong Pilipinas ay merong Pasko,” mensahe ng pangulo.

Bago ang gift-giving event ngayong umaga, nagkaroon muna ng gift-giving event nitong Disyembre 3 ng gabi. Ibinida ng pangulo ang “Balik Sigla, Bigay Saya,” isang programa kung saan mamahagi ng regalo sa kabataan nationwide.

“More than 40 locations around the Philippines gumagawa rin tayo ng ganito para rin makatiyak na kahit saan sa Pilipinas ay nagawa natin ng paraan upang mabigyan ng Pasko ang ating mga kabataan,” aniya.

Ang mga regalong natatanggap ng mga bata ay mula sa mga pribadong sponsors, tanggapan at ahensiya ng pamahalaan gaya ng Office of the President, Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), at iba pa.

Tags: First Lady Liza Araneta-Marcosgift-givingkidsMalacañang PalacePresident Ferdinand Marcos Jr.
Previous Post

‘Ninang’ Bryan Boy, naka-selfie ang ‘friend’ na si South Korean star Cha Eun Woo

Next Post

Nadine Lustre, sinita ng ilang mga netizen sa kulay ng kutis niya ngayon

Next Post
Nadine Lustre, sinita ng ilang mga netizen sa kulay ng kutis niya ngayon

Nadine Lustre, sinita ng ilang mga netizen sa kulay ng kutis niya ngayon

Broom Broom Balita

  • Dating miyembro ng CTG, sumuko sa awtoridad
  • DHSUD, ‘di nangongolekta ng membership fee para sa programang pabahay
  • Mayor Wes Gatchalian, hindi rin nagpahuli sa bagong nauuso na social networking app
  • Ex-NBA player KJ McDaniels, ‘di umubra–Meralco, sinagasaan ng Dyip
  • Nasa 3,000 MT inangkat na sibuyas, nakarating sa bansa
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.