• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

8 oras sa laot: 9 nailigtas sa nabutas na bangka sa Zamboanga

Rommel Tabbad by Rommel Tabbad
December 4, 2022
in Balita, National/Probinsya
0
8 oras sa laot: 9 nailigtas sa nabutas na bangka sa Zamboanga
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Matapos mabutas ang sinasakyang bangkang de-motor at walong oras na nagpalutang-lutang sa laot sa gitna ng masamang panahon, nailigtas din ng Philippine Coast Guard (PCG) ang siyam na mangingisda sa Zamboanga del Norte nitong Disyembre 2.

Sa ulat ng PCG, kabilang sa nailigtas sina Henry Burong, 35, taga-Barangay Manicahan, Zamboanga City; Deigo Burong, 35, taga-Brgy. Arena Blanco, Zamboanga City; Surafi Anapi, 43, taga-Brgy. Tigtabon, Zamboanga City; Benjar Luntian, 42; Isa Musa, 42; Aldamer Alih, 30; Boy Saguile, 27; Bader Barahim, 43; at Magno Dalawis, 52; pawang taga-Zamboanga City.

Papunta sana ang siyam na mangingisda sa Dipolog City galing ng Hasiman Tanjung sa Jolo, Sulu nang salubungin sila ng malalakas na hampas ng alon.

Nabutas ang unang bahagi ng bangka nang aksidente nilang mabangga ang isang matigas na bagay kaya pinasok sila ng tubig dakong 3:00 ng madaling araw.

Nagpalutang-lutang ang mga ito habang sakay pa rin ng bangka kahit lubog na sa tubig ang kalahati nito sa bisinidad ng Liloy, Zamboanga del Norte.

Dakong 3:40 ng madaling araw nang makahingi sila ng saklolo as PCG na kaagad namang nagpatulong sa MV Empress Amy upang magsagawa ng search and rescue operation.

Dakong 11:40 umaga nang mailigtas ang siyam na mangingisda.

Hinila na rin ng MV Empress Amy ang bangka ng mga ito patungong dalampasigan.

Previous Post

4 patay, 8 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan sa Cagayan

Next Post

Ultra Lotto 6/58 jackpot ngayong Linggo, papalo na sa ₱328M

Next Post
Ultra Lotto 6/58 jackpot ngayong Linggo, papalo na sa ₱328M

Ultra Lotto 6/58 jackpot ngayong Linggo, papalo na sa ₱328M

Broom Broom Balita

  • Lalaki, nagpatayo ng dream house para sa future nila ng gf noon, pero niloko lang siya
  • Pinakamataas na bilang ng pasaherong sumakay sa MRT-3 sa loob ng isang araw, naitala nitong Pebrero 1
  • Pokwang sa kaniyang pinagdaraanan: ‘Bangon at nanay ka, marami ka pang labada!’
  • Sen. Tulfo, nais gawing legal ang importasyon ng ukay-ukay sa bansa
  • Ginebra, nagdadalamhati sa pagkamatay ni “Plastic Man” Terry Saldaña
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.