• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Sanaol! Pagbibida ni Barbie sa kaarawan ni Jak: ‘Birthday mo pero mas masaya ako?’

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
December 3, 2022
in Showbiz atbp.
0
Sanaol! Pagbibida ni Barbie sa kaarawan ni Jak: ‘Birthday mo pero mas masaya ako?’

Jak Roberto at Barbie Forteza/IG

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Napa-sanaol na lang muli ang netizens sa sweet na sweet na pag-flex muli ni Kapuso actress Barbie Forteza sa kaniyang “tahanan” na si Kapuso hunk Jak Roberto.

Ito nga ang laman ng Instagram post ng “Maria Clara at Ibarra” star kasunod ng pagdiriwang sa ika-29 kaarawan ng kaniyang kasintahan.

Basahin: Barbie Forteza, muling iflinex ang kaniyang tahanan – si Kapuso actor Jak Roberto – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Bat ganun? Birthday mo pero mas masaya ako? Hahahaha!” mababasa sa caption ng aktres, Biyernes.

View this post on Instagram

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza)

Favorite kasi pala ng young star ang Japanese food na treat naman ng dyowa sa espeyal na okasyon.

Sunod na mababasa ang kay tamis pang lalo na mga salita sa caption ng aktres sa parehong post.

“I love you when it’s easy, I love you even more when it’s difficult. I love you because you love me,” ani Barbie.

“I love you so much,” pagbalik naman na saad ni Jak kay Barbie.

Sa parehong post, bumuhos ang pagbati sa aktor mula sa kapwa celebrities.

Kabilang sa mga nagpaabot ng masayang kaarawan na pagbati sina Rita Daniela, Julie Anne San Jose, Rodjun Cruz, Kuya Kim, Tina Paner, bukod sa maraming iba pa.

Samantala, matatag pa rin ani Barbie Forteza ang higit limang taon na nilang relasyon ni Jak Roberto sa gitna ng mga lumabas na intriga ukol sa umano’y hiwalayan na ng Kapuso couple.

Personal na pinabulaanan ng Kapuso actress ang intriga sa isang media conference noong mga nakaraang buwan.

Nitong Mayo lang ipinagdiwang ng showbiz power couple ang kanilang ikalimang anibersaryo. Pagyayabang pa ni Barbie, “very hands-on” na ninong umano si Jak sa kaniyang pamangkin at mga magulang habang siya’y abala sa kasalukuyang proyekto.

Basahin: Barbie Forteza, Jak Roberto split na? Kapuso actress, ipinagyabang ang dyowa – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Lagi siya nagpupunta sa bahay to check on my parents, ‘yung mga tsikiting naming mga aso sa bahay,” dagdag ni Barbie.

Pag-amin noon ng aktres, ikinagulat niya ang mga lumabas na intriga na aniya’y muli na namang naungkat nang walang basehan.

Noong Hulyo, nauna nang nagpahayag ng interes si Barbie sa posibleng pag-level up ng kanilang relasyon ng Kapuso actor.

Tags: Barbie FortezaJak Roberto
Previous Post

Janella Salvador, ‘green Darna’ muna habang may sakit si Jane De Leon?

Next Post

Coleen Garcia, wagi sa isang int’l film fest sa Venezuela

Next Post
Coleen Garcia, wagi sa isang int’l film fest sa Venezuela

Coleen Garcia, wagi sa isang int’l film fest sa Venezuela

Broom Broom Balita

  • ‘Toxic mindset’ na eksena sa Batang Quiapo: ‘Sangla bahay, lupa para sa debut?’
  • Cagayan, niyanig ng magnitude 5.7 na lindol
  • Romnick Sarmenta, wafakels sa pagganap na bakla
  • Lacuna: ‘Kalinga sa Maynila’ mas pinalakas, mas pinalaki, mas pinalawak
  • 60 days suspension, ipinataw ng Kamara kay Teves
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.