• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

QC vendors sa BFAR: ‘Hulihin n’yo mga cold storage facility sa Navotas, ‘di isda namin’

Rommel Tabbad by Rommel Tabbad
December 3, 2022
in Balita, National / Metro
0
QC vendors sa BFAR: ‘Hulihin n’yo mga cold storage facility  sa Navotas, ‘di isda namin’
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Hinamon ng mga fish vendor ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na salakayin at hulihin ang mga cold storage facilities sa Navotas City na pinagmumulan ng mga imported na isdang itinitinda sa palengke.

Ayon sa mga vendor sa isang talipapa sa Quezon City, hindi sila ang dapat na pag-initan ng BFAR dahil wala silang itinitindang imported na isda, katulad ng pink salmon at pompano, kung hindi sila binebentahan ng mga cold storage facilities sa Navotas.

“Dapat ang hulihin nila ay sila–mga cold storage, dun kasi galing ang tinda naming isda eh,” himutok ng mga tindera.

Nitong Nobyembre, nagbanta ang BFAR sa mga tindera sa palengke at grocery na kukumpiskahin ang kanilang imported na isda pagsapit ng Disyembre 4, dahil sa iligal umano itong ibinebenta sa mga kahalintulad na lugar dahil laan lang sa mga canning company at institutional buyer ang mga ito.

Idinahilan ng BFAR ang isang Fisheries Administrative Order (FAO) na nagbabawal sa mga palengke na itinda ang mga imported na isda.

Paliwanag din ng mga vendor, ngayong Kapaskuhan lang sila kumikita dahil sa imported na isda.

Kamakailan, nagdesisyon ang BFAR na suspindihin muna ang kautusan matapos silang batikusin ng mga kongresista.

Previous Post

Robredo, mukhang ‘winner’ para kay Guanzon sa kamakailang event sa UP

Next Post

Kahit Kapuso na! Bea, John Lloyd muling magtatambal sa isang pelikula ng Star Cinema

Next Post
Kahit Kapuso na! Bea, John Lloyd muling magtatambal sa isang pelikula ng Star Cinema

Kahit Kapuso na! Bea, John Lloyd muling magtatambal sa isang pelikula ng Star Cinema

Broom Broom Balita

  • 89, pinakamababang kaso ng Covid-19 sa Pilipinas simula noong 2020 — DOH
  • ‘Synchronized dancing’: TikTok video nina Albert Nicolas, Ser Geybin, kinaaliwan ng netizens
  • Bossing, nilasing ng San Miguel
  • 613 bagong omicron subvariants, naitala pa ng DOH
  • Kelot, nakaladkad ng tren, patay
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.