• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Tangkang pagpuslit ng higit P5M halaga ng marijuana bricks, naharang sa Kalinga

Rizaldy Comanda by Rizaldy Comanda
December 2, 2022
in Balita, Probinsya
0
Tangkang pagpuslit ng higit P5M halaga ng marijuana bricks, naharang sa Kalinga

Larawan ni Zaldy Comanda

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

CAMP DANGWA — Mahigit P5 milyong halaga ng pinatuyong marijuana brick na tinangkang ipuslit palabas ng Kalinga ang narekober ng mga pulis mula sa isang abandonadong sasakyan, habang ang suspek na tumakas ay nahuli sa manhunt operation sa Pasil, Kalinga.

Kinilala ang naarestong suspek na si Albert Borway Dugwawi, 29, at residente ng Barangay Agbannawag, Tabuk City, Kalinga.

Sinabi ni BGen.Mafelino Bazar, regional director ng Police Regional Office-Cordillera na nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng 2nd Kalinga Provincial Mobile Force (PMFC) na isang indibidwal ang magbibiyahe ng mga produktong marijuana mula sa Tinglayan patungong Tabuk City, noong Nobyembre 30.

Batay sa nasabing impormasyon, nagsagawa ng interdiction operation ang pinagsamang operatiba ng 2nd Kalinga PMFC, Tabuk City Police Station (CPS), Lubuagan MPS, at Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) sa Sitio Dinacan, Barangay Dangoy, Lubuagan, Kalinga, gayunpaman habang sa pagsasagawa ng checkpoint, tumilapon ang sasakyan patungo sa direksyon ng Pasil, Kalinga.

Hinabol ng mga operating unit ang sasakyan pagkatapos ay nakita nilang abandonado ito sa kahabaan ng Pasil-Balbalan Road.

Sa inspeksyon, nadiskubre nila ang 10 brick ng pinatuyong dahon at tangkay ng marijuana na may mga bungang tuktok na may tinatayang bigat na 10,000 gramo na may Standard Drug Price na P1,200,000.00; tatlong pirasong tubular forms ng hinihinalang pinatuyong dahon at tangkay ng marijuana na may tinatayang bigat na 3,000 gramo na may SDP na P360,000.00; at 18 pirasong parihabang hugis pinatuyong dahon at tangkay ng marijuana na may tinatayang bigat na 35,000 gramo na may SDP na P4,200,000.00.

Ang iba pang narekober ay isang dilaw na plastic bag na naglalaman ng Official Receipt/Certificate of Registration na inupahan sa ilalim ng babaeng pangalan na may address sa Makati City at isang puting Toyota Rush na may plate number na NFV 9982.

Ang onsite inventory ng mga narekober na gamit ay isinagawa sa presensya ng DOJ at mga kinatawan ng media, at isang Barangay Official ng Cagaluan, Pasil, Kalinga.

Noong Disyembre 1, nagsagawa ng hot pursuit operation ang pulisya na nagresulta sa pagkakaaresto kay Dugwawi, na siyang driver ng narekober na sasakyan na ginamit sa pagbibiyahe ng mga narekober na kontrabando.

Tags: kalingamarijuana bricks
Previous Post

Lingguhang growth rate ng Covid-19 sa Metro Manila, nasa 56% na — OCTA

Next Post

‘Ghost employees’ case: Ex-QC Councilor Roderick Paulate, makukulong ng 62 taon

Next Post
Mosyon ng ex-DAR chief, 3 pa na idinawit sa Malampaya fund scam, ibinasura

'Ghost employees' case: Ex-QC Councilor Roderick Paulate, makukulong ng 62 taon

Broom Broom Balita

  • Nahulog sa barko? Tripulante, ‘di pa mahanap ng PH Coast Guard sa Batangas
  • Phivolcs, pinaghahanda ang Davao sa aftershocks dala ng nangyaring Magnitude 6 na lindol
  • Nursing student, iniligtas ang fruit vendor na tinaga ng kaniyang kalive-in-partner
  • ‘Starry night pool’: Isang swimming pool, nagmistulang art canvas
  • DOTr: Operasyon at maintenance ng Metro Manila Subway at North-South railway, isasapribado na
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.