Nanindigan nitong Biyernes ang Department of Agriculture (DA) na sapat ang suplay ng sibuyas sa bansa sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo nito sa merkado.
Paliwanag ni DA Undersecretary Kristine Evangelista, iimbestigahan na nila ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng produkto na natapat pa sa Kapaskuhan.
Aniya, kung pagbabatayan ang datos ng Bureau of Plant and Industry (BPI), walang kakapusan sa suplay ng produkto.
Nasa 13,000 metriko tonelada ang kasalukuyang imbentaryo ng pulang sibuyas habang sa ani ng mga magsasaka ngayong buwan ay inaasahang aabot sa 5,000 metriko tonelada, sabi ni Evangelista.
Ang pangangailangan aniya ng pulang sibuyas ngayong buwan ay nasa 17,000 metriko tonelada.
Sa ngayon aniya, wala pang desisyon ang ahensya kung aangkat ng produkto dahil hinihintay pa ang ulat ng BPI sa usapin.