• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

BFAR, umatras: Mga imported na isda, ‘di na muna kukumpiskahin

Rommel Tabbad by Rommel Tabbad
December 2, 2022
in Balita, National / Metro
0
Mga imported na isda, kukumpiskahin na sa palengke — BFAR
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Hindi na muna kukumpiskahin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang mga imported na isda katulad ng pink salmon at pompano na ibinebenta sa mga palengke kasunod na rin ng pagkuwestiyon ng mga kongresista sa hakbang ng ahensya.

Ito nang magdeklara ng moratorium ang BFAR sa nakatakda sana nilang operasyon laban sa illegal na pagtitinda ng mga nasabing isda sa merkado sa Disyembre 4.

Sinabi ni BFAR officer in charge Demosthenes Escoto, hihimayin muli nila ang polisiya sa pag-aangkat ng isda, lalo na ang kontrobersyal na Fisheries Administrative Order (FAO) No. 159 na nagpapahintulot sa pag-angkat ng produktong para lang sa mga canning company at institutional buyer.

Pagbibigay-diin ng BFAR, mananatili ang moratorium hangga’t wala pang inilalabas na bagong regulasyon.

“In the interest of the Filipino consumers and fisheries stakeholders, the Bureau remains committed in carrying out its mandate to ensure food security and food sufficiency, especially that the Christmas season is fast approaching while strengthening the implementation of fishery laws and other necessary regulations,” ayon sa pahayag ng BFAR.

Matatandaang binalaan ng ahensya ang mga palengke sa Metro Manila na sasamsamin na nila ang mga imported na isda sa mga grocery at palengke simula Disyembre 4.

Layunin umano ng ahensya na mabigyan ng pagkakataong kumita ang mga mangingisda na naapektuhan ng pagdagsa ng mga imported na isda sa bansa.

Previous Post

140 preso na namatay sa Bilibid, nailibing na!

Next Post

Presidential Management Staff Sec. Angping, nag-leave — Malacañang

Next Post
Presidential Management Staff Sec. Angping, nag-leave — Malacañang

Presidential Management Staff Sec. Angping, nag-leave -- Malacañang

Broom Broom Balita

  • ₱69M shabu, nasamsam sa Northern Samar
  • Ex-Ginebra player Terry “Plastic Man” Saldaña, patay na!
  • #JakJaKuyas: Kuya Kim, ‘di nagpatalo sa pa-‘pandesal’ nina Jak Roberto at Jayson Gainza
  • Grace Poe tinukso si Chiz Escudero: ‘Love is worth fighting for’
  • Davao de Oro, niyanig ng magnitude-6.1 na lindol
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.