• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Rendon Labador, pinatutsadahan ang isang volleyball team na hindi namamansin sa fans

Richard de Leon by Richard de Leon
December 1, 2022
in Balita, National/Sports, Showbiz atbp., Sports
0
Rendon Labador, pinatutsadahan ang isang volleyball team na hindi namamansin sa fans

Screengrab mula sa FB ni Rendon Labador

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Usap-usapan ngayon ang paninita ng fitness vlogger at motivational speaker na si Rendon Labador sa isang koponan ng volleyball kung saan makikita sa video ng isang tagahanga na hindi sila umano namansin o nagpaunlak man lamang ng selfie habang sila ay naglalakad pabalik sa kanilang coaster.

“Sino po ang coach nitong mga ito? Dagdagan pa natin ng konti pang training sa good manners & right conduct,” saad ni Rendon.

Batay sa video, ang koponang tinutukoy ay “Choco Mucho” na mahigpit na kalaban ng “Creamline”. Makikitang isa-isang binati ng babaeng kumukuha ng video ang star players ng team subalit hindi siya nito pinansin. Wala umanong isa sa kanila ang huminto upang tapunan man lamang ng pabalik na “Hi!” o “Hello” ang nabanggit na tagahanga. Ni kaway raw ay wala man lamang daw isinukli.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens sa comment section ng post ni Labador.

“Who are they? Sikat ba sila?”

“Nakakainis panoorin… mahirap bang magsalita ng salitang ‘HI’ o isang kaway?”

“Parang mga gold ha… konting baba po ng konti, may mga tao talagang konting sikat akala mo kung sino na.. hahaha.. good luck po sa inyo sana po wag matapos kung asan kayo ngayon…”

“Same reaction noong nakita ko video na ‘to na-sad ako para sa mga fans nila. Gusto nila ng support during their games but they can’t give back to their supporters kahit sa pinakasimpleng gesture lang.”

Sa kabilang banda, may mga netizen din naman ang nagtanggol sa Choco Mucho team dahil baka pagod lamang daw ang mga ito, o kaya naman ay nagmamadali nang umalis.

“Hindi lang kayo pinansin, dami n’yo nang kuda. Pumunta po sila ng Boracay to relax and to have fun. Sana naisip n’yo rin na pagod sila and hindi lahat ng mga nagha-hi sa kanila eh need nilang pansinin.”

“Huwag nating i-judge baka naman pagod lang sila? Minsan din nila kayong napapasaya at nabibigyan ng inspirasyon. Huwag naman nating i-generalize ang pagkakamali.”

“Gutom na siguro kaya mainit ulo? O lahat sila meron kaya wala sa mood. Huwag na lang sana palakihin! Hindi naman sila artista.”

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang Choco Mucho team tungkol sa isyung ito. Bukas ang Balita Online sa kanilang panig.

Tags: Choco MuchofansRendon Labadorvolleyball team
Previous Post

‘Kung hindi ako mabuntis ulit’: Kaye Abad, balik telebisyon na?

Next Post

Zack Tabudlo, most streamed OPM artist sa Spotify ngayong taon

Next Post
Zack Tabudlo, most streamed OPM artist sa Spotify ngayong taon

Zack Tabudlo, most streamed OPM artist sa Spotify ngayong taon

Broom Broom Balita

  • Gabriela, binatikos ang advertisement ng isang fast food restaurant dahil sa paglalarawan sa kababaihan
  • 1M doses ng Pfizer bivalent Covid-19 vaccine, darating sa bansa sa Marso
  • Sunshine Dizon, nagsimula na mag-taping para sa ‘Mga Lihim ni Urduja’
  • DOH-Ilocos, nag-turnover ng 7 ambulansya sa Ilocos Norte government
  • Luis Manzano, humingi ng saklolo sa NBI; idinadawit sa anomalya ng isang kompanya
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.