• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Mosyon ni Napoles, ex-Rep. Lanete sa ‘pork’ case, ibinasura

Rommel Tabbad by Rommel Tabbad
December 1, 2022
in Balita, National / Metro
0
Ill-gotten wealth case: Pamilya Marcos, ‘di sumipot sa huling hearing
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ibinasura ng Sandiganbayan ang mosyon ng tinaguriang ‘pork barrel queen’ na si Janet Lim-Napoles at ni dating Masbate 3rd District Rep. Rizalina Seachon-Lanete para sana sa tuluyang pagbasura sa kasong plunder at graft kaugnay sa umano’y pagkakasangkot ng mga ito sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam ilang taon na ang nakararaan.

Sa magkahiwalay na ruling ng 4th Division ng anti-graft court na may petsang Nobyembre 25 at Nobyembre 21, 2022, ibinasura nito ang motion for leave to file demurrer to evidence na isinampa ni Napoles at Seachon-Lanete at sinabing mas makabubuti kung ireresolba na lamang ang usapin sa isasagawang full-blown trial ng kaso.

Paunang hakbang na sana ang naturang mosyon bago ang paghahain ng demurrer to evidence na humihiling na ibasura ang kaso batay na rin sa pagkabigo umano ng prosekusyon na magharap ng matibay na ebidensya.

“The testimonial and documentary evidence presented by the prosecution, unless successfully rebutted by the accused, are sufficient to support a verdict of guilt against accused Napoles,” ayon sa resolusyon ng hukuman na inilabas nitong Nobyembre 25.

Kabilang sa mga usapin na ipinunto ni Napoles sa kanyang mosyon ang kakulangan ng probative value ng mga ebidensya ng prosekusyon, katulad ng photocopy ng public documents.

Nitong Nobyembre 21 ay naglabas din ng resolusyon ang korte kung saan binanggit na malakas ang ebidensya laban kay Seachon.

Ibinasura rin ng hukuman ang kahalintulad na mosyon ng dalawa pang akusado na sina Maria Rosalinda Lacsamana at Dennis Cunanan.

Nahaharap sa kasong plunder (Republic Act 7080) at graft (Republic Act 3019) sina Napoles at Seachon noong 2015 dahil umano sa pagbulsa ng aabot sa P108 milyong kickback mula 2007 hanggang 2010.

Matatandang idineklara ng Korte Suprema noong 2013 na labag sa Konstitusyon ang PDAF.

Previous Post

‘Momshies’ Regine Velasquez-Alcasid at Karla Estrada, nag-duet sa birthday party ni Ion Perez

Next Post

Cindy Miranda, gaganap na ‘young Imelda’ sa MoM

Next Post
Cindy Miranda, gaganap na ‘young Imelda’ sa MoM

Cindy Miranda, gaganap na 'young Imelda' sa MoM

Broom Broom Balita

  • Dating miyembro ng CTG, sumuko sa awtoridad
  • DHSUD, ‘di nangongolekta ng membership fee para sa programang pabahay
  • Mayor Wes Gatchalian, hindi rin nagpahuli sa bagong nauuso na social networking app
  • Ex-NBA player KJ McDaniels, ‘di umubra–Meralco, sinagasaan ng Dyip
  • Nasa 3,000 MT inangkat na sibuyas, nakarating sa bansa
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.