• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

‘Kung hindi ako mabuntis ulit’: Kaye Abad, balik telebisyon na?

Angelo Sanchez by Angelo Sanchez
December 1, 2022
in Balita, Metro/Showbiz, Showbiz
0
‘Kung hindi ako mabuntis ulit’: Kaye Abad, balik telebisyon na?

Mga larawan: Kaye Abad/FB

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Wala mang binitawang petsa, ngunit siniguro ng artistang si Kaye Abad na magbabalik siya sa larangan ng showbiz matapos ang hiatus.

Sa katatapos lamang na Star Magical Christmas gathering ng talent agency na Star Magic, muling pinatunayan ni Abad ang kanyang katapatan sa Star Magic, ang kanyang talent agency na mahigit 26 na taon, matapos siyang parangalan ng isang loyalty award.

Nagpahayag siya ng pasasalamat sa kanyang talent agency, mga handler at manager sa nakalipas na dalawang dekada, gayundin ang mga executive ng ABS-CBN.

Sa kanyang talumpati, ibinahagi ni Abad na ni minsan ay hindi niya naisip na umalis sa Star Magic para lumipat sa ibang ahensya.

“Thank you to my Star Magic family for this recognition. Hindi ko na siguro kailangan pang patunayan sa inyo kung gaano ko kayo kamahal, because never pumasok sa isip ko na iwanan kayo,” ani Abad.

Tapatan niya ring sinabi na sumagi na sa kanyang isip na magretiro upang pagtuunan pa ng pansin ang kanyang pamilya ngunit sa halip ay nauwi ito sa hiatus lamang.

“Though may isang instance — Lolo, remember, noong nagpaalam ako sa ‘yo bago ako ikasal, titigil na ako? — but then, nandito pa rin ako,” masayang mensahe ni Abad.

Ang tinutukoy ng aktres ay ang Star Magic head na si Laurenti Dyogi na nangalaga sa kanya.

Sa kanyang mensahe kay Dyogi, inalala rin ni Abad na kabilang siya sa mga unang naniwala sa kanyang talento bilang aktres.

Aniya, “To Lolo LMD, thank you. Isa ka sa mga tao na kahit before, before pa ako mag-‘Tabing Ilog,’ isa ka sa mga taong naniwala sa kakayanan ko.”

Umaasa naman si Abad na makakabalik agad sa larangan ng showbiz: “I hope to be back soon, kung hindi ako mabuntis ulit! Joke lang, ayoko na!”

Tags: kaye abad
Previous Post

3-month sardine fishing ban, ipinatupad na! — BFAR

Next Post

Rendon Labador, pinatutsadahan ang isang volleyball team na hindi namamansin sa fans

Next Post
Rendon Labador, pinatutsadahan ang isang volleyball team na hindi namamansin sa fans

Rendon Labador, pinatutsadahan ang isang volleyball team na hindi namamansin sa fans

Broom Broom Balita

  • PhilHealth premium hike, pinasususpindi ng 5 kongresista
  • Comelec, muling hinikayat ang publiko na magparehistro bago ang nalalapit na deadline
  • 3 kelot, timbog sa isinagawang shabu buy-bust sa Taguig
  • Tito Boy, inaming may plano nang iwan ang ABS-CBN bago pa nawalan ng prangkisa ang network
  • Vavavoom! ‘Fit check’ ni Celeste Cortesi, sumabog; kapwa beauty queens, nalula sa katawan ng Pinay rep
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.