• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Bryan Boy, naniniwalang kaya maraming naghihirap ngayon dahil kulang sa edukasyon, resources

Richard de Leon by Richard de Leon
December 1, 2022
in Balita, Showbiz atbp.
0
Bryan Boy, naniniwalang kaya maraming naghihirap ngayon dahil kulang sa edukasyon, resources

Bryan Boy (Screengrab mula sa TikTok)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Para kay international Filipino fashion blogger at online personality na si Bryan Boy, ang ugat kung bakit maraming naghihirap sa panahon ngayon ay dahil sa kakulangan sa edukasyon, ayon sa kaniyang latest vlog.

“Naisip-isip ko lang ha, the reason why kung bakit maraming taong naghihirap ngayon, is because sa kakulangan ng edukasyon,” sey ni Bryan Boy.

“Not only education, kulang din sila sa resources. We all have a responsibility to educate and help people. And it all starts with not adding more people.”

Kapansin-pansin namang ginawang background ni Bryan Boy ang ilan sa mga screengrab mula sa iba’t ibang pahayagang nagbabalita patungkol sa epekto ng paglobo ng populasyon sa kahirapan.

“Nakakaawa talaga kasi alam n’yo ‘yon, araw-araw talaga ang daming nanganganak. Imaginin na lang po ninyo kung ilang milyon, milyong-milyong mga bata ang nangangailangan, ‘di ba?”

“Nakakaawa talaga…”

@bryanboy

❤️

♬ original sound – Bryanboy

Matatandaang pinag-usapan ng mga netizen ang pang-re-realtalk niya sa isang nanay na humingi ng pang-gatas at pang-diaper sa kaniyang baby.

“Gusto sana kitang tulungan, pero hindi ako gumawa ng baby na ‘yan,” diretsang saad ng fashion socialite sa isang Facebook video, Lunes.

“Kung basic needs na nga lang ng anak mo, hindi mo ma-provide, anong gagawin mo kapag lumaki na ‘yang bata na ‘yan?” pagpapatuloy ni Bryan Boy habang ipinuntong kailangang matugunan ang pag-aaral, pagkain, at iba pang pangangailangan ng bata sa hinaharap.

Sunod na diretsang payo ng online personality, “’Yun na nga eh, kung wala talaga kayong pera, ‘wag na kayong gumawa ng bata. And, wag na kayo magdagdag ng chanak sa mundo.”

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/28/bryan-boy-walang-awang-tumalak-sa-netizen-na-nanghihingi-ng-panggatas-pang-diaper-ng-anak/

Umani ito ng iba’t ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

Nakarating sa kaalaman ng fashion blogger ang iba’t ibang kuda ng mga netizen, gayundin ang pagkakabalita sa kaniya sa Balita Online, kaya nagbigay ulit siya ng pahayag tungkol dito. Update pa ni Bryan Boy, siya ay nasa airport sa bansang Sweden at papunta sa bansang Egypt.

Pagdidiin ng fashion personality, hinding-hindi niya babawiin ang kaniyang matatalas na pahayag.

“Yung sa akin lang talaga, I will not gonna back down for what I have said,” saad ni Bryan Boy.

“Hindi ko ho babawiin ‘yan. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit naging isyu ‘yan. I’m sure yung mga magulang diyan, alam naman nila siguro kung gaano kahirap magkaroon ng anak, ‘di ba? Ang daming gastusin… ako nga wala akong anak pero alam ko kung gaano kamahal magkaroon ng anak.”

“Tuition fee, pagkain, school supplies, from elementary to college… hospital bills… siguro sa buong buhay ng anak ninyo, milyon-milyon ang magagastos ninyo.”

“Ako nga wala akong anak pero alam ko, na dapat kung meron kayong anak, dapat mabibigyan ninyo sila ng magandang buhay.”

“Anong sey n’yo?” pagtatapos-tanong ni Bryan Boy.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/01/bryan-boy-pinutakti-raw-ng-bashers-dahil-sa-chanak-remarks-hindi-ko-babawiin-yan/

Tags: Bryan Boyover populationpoverty
Previous Post

Presyo ng LPG, itinaas sa unang araw ng Disyembre

Next Post

11 mangingisda, nailigtas sa tumaob na bangka sa Zamboanga

Next Post
11 mangingisda, nailigtas sa tumaob na bangka sa Zamboanga

11 mangingisda, nailigtas sa tumaob na bangka sa Zamboanga

Broom Broom Balita

  • Ilang bahagi ng San Juan, Mandaluyong, makararanas ng water interruption mula Peb. 6-10
  • ‘Wag kang umiyak’: Ogie Diaz, binara ang pagdadrama ni Kuya Wil para sa ALLTV?
  • Kuya Wil, tinalakan! ALLTV, na-‘back to you’ raw ngayong magsasara umano ng ilang programa
  • Guro, hinamon ng tsokolate ng mga estudyanteng confident maka-perfect sa exam, kinaaliwan!
  • Davao de Oro, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.