• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Lolit, pinagsabihan si Jennylyn: ‘Huwag basta nagrereklamo sa social media, tiyakin muna na tama ang ginagawa mo’

Nicole Therise Marcelo by Nicole Therise Marcelo
November 30, 2022
in Balita, Showbiz, Showbiz atbp.
0
Lolit, pinagsabihan si Jennylyn: ‘Huwag basta nagrereklamo sa social media, tiyakin muna na tama ang ginagawa mo’

Photos courtesy: Jennylyn Mercado, Lolit Solis (Instagram)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Tila pinagsabihan ni Manay Lolit Solis ang Kapuso actress na si Jennylyn Mercado dahil sa pagpopost nito sa social media hinggil sa hindi magandang hitsura ng nabili nitong karne sa isang supermarket. 

Batay sa litratong ibinahagi ni Jen sa kaniyang IG story, mukhang hindi na maganda ang kulay at histura ng karne.

“Hello @snr_official, quick question lang bago namin lutuin, safe pa rin ba kahit ganito itsura ng meat n’yo?” text caption ni Jen.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/11/29/jennylyn-mercado-tila-walang-tiwalang-lutuin-karneng-nabili-sa-isang-supermarket-safe-pa-rin-ba/

Dahil dito, nagpost si Manay sa kaniyang Instagram nitong Miyerkules, Nobyembre 30.

Sey ni Lolit, parang hindi raw totoo ang sinasabi ni Jennylyn dahil kapag bumibili raw sa supermarket ay tinitingnan muna ito bago ilagay sa cart. Impossible raw na doon pa lamang sa supermarket ay hindi ito napansin ng aktres.

“Natatawa ako sa issue ni Jennylyn Mercado tungkol sa ‘bad’ meat na nabili daw niya sa SnR, Salve. Parang hindi tutoo dahil usually pag bumibili ka sa supermarket, tinitignan mo ang inilalagay mo sa cart. Imposible naman na duon pa lang sa supermarket hindi niya na check ang lagay ng karne na binili niya.

“Dapat duon pa lang kung may reklamo ka ginawa mo na agad di ba ? Bakit inuwi mo pa sa bahay saka ka nag reklamo. Ang hirap din kasi na nalalagay sa isang hindi magandang sitwasyon ang isang malaking supermarket na tulad ng SnR.”

Tila kinuwestiyon pa ni Manay ang aktres, aniya, bakit raw kinuha pa ‘yung karne at iniuwi pa sa bahay at tiyaka nagreklamo.

“Ang hirap din burahin kung ganyan nakalagay na agad sa social media ng hindi man lang nakukuha ang panig nila. Pero ang talagang questionable, how come na kung pangit na hitsura ng karne, kinuha at inuwi pa sa bahay saka nag reklamo. Unfair naman para sa SnR di ba ? Pag bumibili sa supermarket, check muna bago ilagay sa cart at bayaran.

“Bakit hindi ito nagawa ni Jennylyn Mercado. Puwede pa siyang ireklamo ng SnR dahil dito.”

Pangaral naman ni Lolit sa aktres, “Kaya sana, huwag basta nagri reklamo sa social media account mo, tiyakin muna na tama ang ginagawa mo.”

“Basta ako, may tiwala parin ako na maayos ang mga paninda sa SnR, hindi nila papayagan masira sila sa isang kilo ng karne lang. Ngayon pa na panahon ng bilihan dahil December. Mas lalo silang maingat sa paninda nila, I am sure. Kaya Gorgy at Salve, buy na tayo , halika na”

Habang isinusulat ang artikulong ito, hindi pa nag-update ang Kapuso star kung tumugon o kung ano ang aksiyon ng pamunuan ng supermarket tungkol dito. Hindi rin siya nag-update kung itinuloy pa ba nilang lutuin ang naturang karne.

View this post on Instagram

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

Tags: jennylyn mercadoLolit Solis
Previous Post

Jake Cuenca, nasarapan at nasiyahan ba sa ‘higupan scene’ nila ni Sean De Guzman?

Next Post

Comelec: Voter registration sa BSKE, larga na sa Disyembre 12

Next Post
Comelec, magrerenta ng karagdagang VCMs para sa 2022 elections

Comelec: Voter registration sa BSKE, larga na sa Disyembre 12

Broom Broom Balita

  • Nahulog sa barko? Tripulante, ‘di pa mahanap ng PH Coast Guard sa Batangas
  • Phivolcs, pinaghahanda ang Davao sa aftershocks dala ng nangyaring Magnitude 6 na lindol
  • Nursing student, iniligtas ang fruit vendor na tinaga ng kaniyang kalive-in-partner
  • ‘Starry night pool’: Isang swimming pool, nagmistulang art canvas
  • DOTr: Operasyon at maintenance ng Metro Manila Subway at North-South railway, isasapribado na
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.