• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Guro mula sa Iligan City, instrumento sa pagtupad ng Christmas wish ng kaniyang mga mag-aaral

Richard de Leon by Richard de Leon
November 30, 2022
in Balita, Features
0
Guro mula sa Iligan City, instrumento sa pagtupad ng Christmas wish ng kaniyang mga mag-aaral

Melanie Figueroa ng Hinaplanon National High School sa Iligan City, Lanao Del Norte (Larawan mula sa FB)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Tila nagsisilbing “Santa Claus” ngayon ang gurong si Ma’am Melanie Figueroa, nagtuturo ng asignaturang Araling Panlipunan sa Grade 10 sa Hinaplanon National High School na matatagpuan sa Iligan City, Lanao Del Norte, dahil sa pagtupad niya sa Christmas wish ng kaniyang mga mag-aaral na may mahigpit na pangangailangan.

Mapalad na nakapagsagawa ng eksklusibong panayam ang Balita Online kay Ma’am Melanie tungkol dito. Aniya, tinawag niya ang proyektong ito bilang “My Christmas Wish”.

“Nagpo-post po ako ng mga wishes po ng mga piling estudyante para po ma-grant ang matagal na nilang wish at ma-grant ngayong Pasko. Nasa social media wall ko po ang mga wishes and ang nakaka-amaze lang po is seconds lang after ma-post marami ang gustong mag-grant sa wish,” salaysay ng guro sa Balita Online.

“Pumipili ako ng mga bata or students na ‘yong mga nangangailangan talaga. Tapos pinapa-wish ko sila kung ano ‘yong gusto nila na hindi maibigay ng mga magulang kasi walang pera.”

Natutuwa naman ang guro dahil sa kabila ng hirap ng buhay ngayon dahil sa taas ng presyo ng mga bilihin, ay may mga concerned citizens pa rin na kumakasa sa kaniyang hamong mag-ala Santa Claus sa mga mag-aaral. Ang iba pa nga raw ay hindi niya kakilala.

“Pino-post ko po sa wall, seconds lang marami na gusto mag-grant ng wish, minsan nga lima kaagad ang nagsasabay kaso ‘yong pinaka-una ang pipiliin ko kasi ‘yon po ang concept noon,” paliwanag ni Ma’am Melanie.

“So naibibigay ko po ang wish nila bago mag-Pasko tapos post ko ulit. Nakaka-amaze lang po minsan, may mga taong nagme-message sa akin na di ko kakilala asking kung paano daw makatulong or mai-grant ang wish ng mga bata.”

Nais ding pasalamatan ni Ma’am Melanie ang lahat ng mga taong nasa likod ng kaniyang adbokasiya.

“Wala po akong hinangad kundi ipakalat po sa buong bansa o mundo na marami pa rin pong mga taong may mabubuting puso at gawa na handang tumulong sa mga nangangailangan nating mga kababayan lalo na sa kabataan,” aniya pa.

“Naniniwala po kasi ako sa galing ng kabataang Pinoy. Sa kabila rin po nito, gusto ko rin pong bigyan ng pagpupugay ang mga taong nasa likod po ng adbokasiyang iyo, ang mga benefactors po.”

Bukod sa nais niyang makapagpasaya ng mga bata sa darating na Pasko, may mensaheng nais iparating si Ma’am Melanie para sa lahat, lalo na sa kaniyang mga kapwa guro.

“Gusto ko lang po i-share sa mga kapwa ko guro na maaari tayong makapagpasaya ng mga bata and at the same time makapag-share po ng blessings sa iba.”

Hindi na bago kay Ma’am Melanie ang mga ganitong gawain dahil minsan na rin siyang naitampok sa Balita Online noong 2021 dahil sa kaniyang proyektong “Laptop para sa Pangarap” kung saan namimili siya ng mga mag-aaral na karapat-dapat na mapagkalooban ng libreng laptop, upang magamit ng mga ito sa kanilang online class, sa kasagsagan ng community quarantines noong 2020 hanggang 2021.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/09/19/nationalteachersmonth-ang-laptop-para-sa-pangarap-ni-maam-melanie-ng-iligan/

Bukod sa pagbibigay ng laptop, tuwing Pasko umano ay nakasanayan na niya talagang i-grant ang Christmas wish ng isa o mga mapipiling mag-aaral.

“Mayroon po akong Christmas wish na nagga-grant po ng wish ng student every Christmas,” pagbabahagi pa niya noon.

Mabuhay ka, Ma’am Melanie! Sana ay dumami pa ang mga kagaya ninyo!

Tags: Hinaplanon National High SchoolIligan City Lanao Del NorteMelanie FigueroaMy Christmas Wish
Previous Post

‘After a 5-year engagement’ Anak nina Janno Gibbs at Bing Loyzaga, ikinasal na!

Next Post

‘Jopay na po please. Bawal po ako gabihin’ Picture ng ‘Mayonnaise’ fan, viral sa social media!

Next Post
‘Jopay na po please. Bawal po ako gabihin’ Picture ng ‘Mayonnaise’ fan, viral sa social media!

'Jopay na po please. Bawal po ako gabihin' Picture ng 'Mayonnaise' fan, viral sa social media!

Broom Broom Balita

  • Nahulog sa barko? Tripulante, ‘di pa mahanap ng PH Coast Guard sa Batangas
  • Phivolcs, pinaghahanda ang Davao sa aftershocks dala ng nangyaring Magnitude 6 na lindol
  • Nursing student, iniligtas ang fruit vendor na tinaga ng kaniyang kalive-in-partner
  • ‘Starry night pool’: Isang swimming pool, nagmistulang art canvas
  • DOTr: Operasyon at maintenance ng Metro Manila Subway at North-South railway, isasapribado na
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.