• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

‘Cash only?’ Dayuhang TikToker, nadismaya dahil sa kakulangan ng card payment options sa NAIA

Richard de Leon by Richard de Leon
November 30, 2022
in Balita, Features
0
‘Cash only?’ Dayuhang TikToker, nadismaya dahil sa kakulangan ng card payment options sa NAIA

Screengrab mula sa TikTok ni Traveltomtom

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Usap-usapan ngayon sa social media ang video ng isang Dutch TikToker kung saan tila nadismaya siya sa kakulangan ng card payment option sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Mababasa sa text caption ng kaniyang TikTok video ang tanong na “Is Manila Airport the worst airport to transfer?”

Ayon sa Dutch TikToker na si “Traveltomtom,” nadismaya siya dahil kulang daw ang card payment option sa NAIA sa pagbili ng pagkain at iba pang items. Nagbigay pa siya ng babala sa iba pang turista tungkol dito.

“Let me show you how amazing it is to transfer in Manila international Airport Terminal 2,” aniya.

Salaysay niya, pagkababa niya mula sa eroplano mula sa halos anim na oras na flight mula sa Papua New Guinea ay naghanap siya ng mapagkakainan.

Ngunit sa laking pagkadismaya niya, lahat aniya ng puntahan niyang food stalls at cafés ay hindi tumatanggap ng card payments kundi “cash only”.

Mas lalong lumobo ang pagkadismaya niya nang tangkain niyang mag-withdraw sa ATM subalit ito ay “temporarily closed”.

Nang makakita siya ng isang shop na tumatanggap ng card, ito raw ay isang “liquor shop”.

“How ironic! The only place you can actually play by card is here… and this is a liquor shop,” sadd ng dayuhang turista.

@traveltomtom

Think twice before transfering through #manila in the #philippines on a #philippineairlines flight! No cash = no food: I am officially HANGRY! 😬 #airportlife #philippinestiktok #tiktokphilippines

♬ original sound – Traveltomtom

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen, lalo na sa mga Pilipino.

“Always keep in mind when travelling to always have some cash on your pocket cuz system might get down and not smooth all the time.. just sayin bruh.”

“I’d feel sorry if he tried looking for an ATM instead of happily looking for the cash only sign. Better luck next time.”

“He has a point, but people don’t really appreciate too much sarcasm.”

“If you’re a frequent traveler you should have brought cash with you.. make sense?”

“Philippines airport should do something about this. Hayy.”

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang pamunuan ng NAIA tungkol dito. Habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa 1.4M views ang naturang TikTok video.

Tags: card option paymentcash onlyDutch TokTokerNinoy Aquino International Airport (NAIA)
Previous Post

Dahil sa love triangle? 2 bebot, binaril sa loob ng bahay sa Quezon

Next Post

Pagbabalik ng ‘Friendster’, budol lang, puwedeng gamitin sa scam; DICT, nagbabala sa publiko

Next Post
Pagbabalik ng ‘Friendster’, budol lang, puwedeng gamitin sa scam; DICT, nagbabala sa publiko

Pagbabalik ng 'Friendster', budol lang, puwedeng gamitin sa scam; DICT, nagbabala sa publiko

Broom Broom Balita

  • Kantang ‘Tatsulok’, trending dahil sa pagsama ni Bamboo sa ‘Tingog ng Pasasalamat’ concert
  • Doktor na si Lacuna sa Manilenyo: Pagsusuot ng facemask, ipagpatuloy pa rin
  • Magnitude 5 na lindol, yumanig sa Sarangani; magnitude 4.7 naman sa Davao Occidental
  • Pagpapatatag ng CBCP commissions, layunin ng 125th CBCP plenary assembly
  • 2 babae, nahulihan ng ₱2M shabu sa buy-bust sa Quezon
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.