• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

‘The Puto Bumbong to my Bibingka!’ Alexa, ipinaliwanag kuwento sa likod ng costume nila ni KD

Richard de Leon by Richard de Leon
November 29, 2022
in Balita, Showbiz atbp.
0
‘The Puto Bumbong to my Bibingka!’ Alexa, ipinaliwanag kuwento sa likod ng costume nila ni KD

KD Estrada at Alexa Ilacad (Larawan mula sa IG)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ipinaliwanag ng Kapamilya actress na si Alexa Ilacad ang dahilan kung bakit “puto bumbong at bibingka” ang naisip nilang tema ng katambal na si KD Estrada, sa kanilang isinuot na costume sa kauna-unahang “Star Magical Christmas” na ginanap sa Sheraton Manila Hotel noong Linggo, Nobyembre 27.

KDLex ang namayani bilang “Best Couple” matapos makakuha ng 68% online votes mula sa kanilang mga tagahanga at tagasuporta. Bukod kina KD at Alexa, ilan din sa mga pinagpiliang tambalan ay sina Francine Diaz at Seth Fedelin o “FranSeth”, Loisa Andalio at Ronnie Alonte o kilala bilang “LoiNie”, at of course, sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na sikat na sikat bilang “KathNiel”.

Bukod sa pagiging Best Couple, sila rin ang nakasungkit ng special awards na “Best in Costume” sa male and female category.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/29/kdlex-layag-na-layag-best-couple-na-best-in-costume-pa-sa-star-magical-christmas/

Sa kaniyang Instagram story, ipinaliwanag ni Alexa ang kuwento sa likod ng kanilang costume. Aniya, perfect pair para sa kaniya ang puto bumbong at bibingka na lagi niyang nilalantakan sa tuwing sasapit ang mahabang pagdiriwang ng Pasko sa Pilipinas.

“The Puto Bumbong to my Bibingka @kdestrada_,” panimula sa text caption ni Alexa sa litrato nila ni KD.

“When I think of Christmas, I am always reminded of my two favorite Pinoy delicacies, Bibingka & Puto Bumbong. It feels like the holidays everytime I see and eat it.- It’s my perfect pair! haha (heart emoji). Hope you all liked our concept!” ani Alexa at pinasalamatan ang team na lumikha sa kanilang costume.

KD Estrada at Alexa Ilacad (Screengrab mula sa IG ni Alexa Ilacad)

Sa isa pang Instagram story, ibinahagi ni Alexa ang litrato nila ni KD kung saan flinex nila ang kanilang natanggap na tropeo.

KD Estrada at Alexa Ilacad (Screengrab mula sa IG ni Alexa Ilacad)

Isinagawa ang pinag-usapan at trending event bilang reunion matapos ang pagkakatigil ng pagdaraos ng events dahil sa kasagsagan ng pandemya, na dinaluhan ng mahigit 100 artists at talents ng Star Magic, ang talent arm management ng ABS-CBN.

Hindi lamang ito basta event dahil ang mga pondong malilikom dito ay mapupunta sa chosen charity ng Star Magic: ito ay “Anawim”, isang shelter house para sa mahihirap at inabandonang elderly people na itinatag ng manunulat, preacher, at founder ng “The Feast” na si Bo Sanchez, na matatagpuan sa Rodriguez, Rizal.

Kamakailan lamang, pinarangalan ang KDLex bilang “Asia’s Most Promising Loveteam of 2022” sa 6th Asia Pacific Luminare Awards, na ginanap sa Okada Manila.

Tags: Alexa IlacadBest CoupleBest in CostumeKD EstradaKDLexputo bumbong at bibingkaStar Magical Christmas
Previous Post

KDLex, layag na layag!; ‘Best Couple’ na, ‘Best in Costume’ pa sa Star Magical Christmas

Next Post

Rabiya, never bababa sa level ng basher: ‘I look cheap, sensya na, pero I will never be somebody like you’

Next Post
Rabiya, never bababa sa level ng basher: ‘I look cheap, sensya na, pero I will never be somebody like you’

Rabiya, never bababa sa level ng basher: 'I look cheap, sensya na, pero I will never be somebody like you'

Broom Broom Balita

  • Ricky Davao kina Bea, Dennis: ‘Ang sarap nilang katrabaho’
  • TikTok influencers kumanta; nabayaran para siraan si Maggie Wilson
  • Hontiveros pabor na ilipat ang confi, intel funds sa mga ahensyang dumidepensa sa West Philippine Sea
  • China, nag-donate ng ₱4M sa ‘Egay’ victims sa Cagayan
  • Publiko, hinikayat ng DOH official na gumamit ng generic medicines
Ricky Davao kina Bea, Dennis: ‘Ang sarap nilang katrabaho’

Ricky Davao kina Bea, Dennis: ‘Ang sarap nilang katrabaho’

September 27, 2023
TikTok influencers kumanta; nabayaran para siraan si Maggie Wilson

TikTok influencers kumanta; nabayaran para siraan si Maggie Wilson

September 27, 2023
Hontiveros sa Araw ng Kalayaan: ‘Katulad ng ating mga bayani, pagtibayin sana tayo ng ating nakaraan’

Hontiveros pabor na ilipat ang confi, intel funds sa mga ahensyang dumidepensa sa West Philippine Sea

September 27, 2023
China, nag-donate ng ₱4M sa ‘Egay’ victims sa Cagayan

China, nag-donate ng ₱4M sa ‘Egay’ victims sa Cagayan

September 27, 2023
Publiko, hinikayat ng DOH official na gumamit ng generic medicines

Publiko, hinikayat ng DOH official na gumamit ng generic medicines

September 27, 2023
‘E.A.T.’ supporters sa lubid joke ni Joey: ‘Puwede naman sa leeg ng kalabaw?’

‘E.A.T.’ supporters sa lubid joke ni Joey: ‘Puwede naman sa leeg ng kalabaw?’

September 27, 2023
Scarborough Shoal issue: Pilipinas, ‘di nag-uudyok ng away — DND chief

Scarborough Shoal issue: Pilipinas, ‘di nag-uudyok ng away — DND chief

September 27, 2023
Rendon Labador kinalampag ulit ang MTRCB kaugnay kay Vice Ganda

Rendon Labador kinalampag ulit ang MTRCB kaugnay kay Vice Ganda

September 27, 2023
Maggie Wilson, trending; biktima ng fake news at ‘smear campaign?’

Maggie Wilson, trending; biktima ng fake news at ‘smear campaign?’

September 27, 2023
Ricky Davao, Jackie Lou Blanco, natetensyon nga bang katrabaho ang isa’t isa?

Ricky Davao, Jackie Lou Blanco, natetensyon nga bang katrabaho ang isa’t isa?

September 27, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.