• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

KDLex, layag na layag!; ‘Best Couple’ na, ‘Best in Costume’ pa sa Star Magical Christmas

Richard de Leon by Richard de Leon
November 29, 2022
in Balita, Showbiz atbp.
0
KDLex, layag na layag!; ‘Best Couple’ na, ‘Best in Costume’ pa sa Star Magical Christmas

KD Estrada at Alexa Ilacad o KDLex (Larawan mula sa IG ni Alexa Ilacad at via ABS-CBN News)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Itinanghal na “Best Couple of Metro.Style” ang tambalan nina KD Estrada at Alexa Ilacad o “KDLex” sa kauna-unahang “Star Magical Christmas” na ginanap sa Sheraton Manila Hotel noong Linggo, Nobyembre 27.

KDLex ang namayani matapos makakuha ng 68% online votes mula sa kanilang mga tagahanga at tagasuporta. Bukod kina KD at Alexa, ilan din sa mga pinagpiliang tambalan ay sina Francine Diaz at Seth Fedelin o “FranSeth”, Loisa Andalio at Ronnie Alonte o kilala bilang “LoiNie”, at of course, sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na sikat na sikat bilang “KathNiel”.

KD Estrada at Alexa Ilacad (Screengrab mula sa IG ni Alexa)

Bukod sa pagiging Best Couple, sila rin ang nakasungkit ng special awards na “Best in Costume” sa male and female category. Inspirasyon mula sa “puto bumbong” at “bibingka” ang kanilang costume, na dalawa sa mga pagkaing sumisimbolo sa pagdiriwang ng Kapaskuhan sa Pilipinas.

KD Estrada at Alexa Ilacad (Screengrab mula sa IG ni Alexa)
View this post on Instagram

A post shared by Alexa Ilacad (@alexailacad)

Kamakailan lamang, pinarangalan ang KDLex bilang “Asia’s Most Promising Loveteam of 2022” sa 6th Asia Pacific Luminare Awards, na ginanap sa Okada Manila.

Nagsimula ang tambalan nina KD at Alexa sa “Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 Celebrity Edition”.

Isinagawa ang pinag-usapan at trending event bilang reunion matapos ang pagkakatigil ng pagdaraos ng events dahil sa kasagsagan ng pandemya, na dinaluhan ng mahigit 100 artists at talents ng Star Magic, ang talent arm management ng ABS-CBN.

Hindi lamang ito basta event dahil ang mga pondong malilikom dito ay mapupunta sa chosen charity ng Star Magic: ito ay “Anawim”, isang shelter house para sa mahihirap at inabandonang elderly people na itinatag ng manunulat, preacher, at founder ng “The Feast” na si Bo Sanchez, na matatagpuan sa Rodriguez, Rizal.

Talaga namang nagpasiklaban ang Star Magic artists at Kapamilya stars na imbitado rito, kabilang na ang kapapanganak lamang na si Angelica Panganiban, na nag-iwan naman ng words of wisdom sa mga baguhang artista. Isa pa sa mga nagbigay ng kaniyang paalala ay si Dimples Romana.

Tags: Alexa IlacadBest CoupleBest in CostumeKD EstradaKDLexStar Magical Christmas
Previous Post

AJ, ‘buntis’ dahil 3 weeks delayed; nakipagsalpukan ng ‘kuweba’ at aktingan kay Angeli Khang

Next Post

‘The Puto Bumbong to my Bibingka!’ Alexa, ipinaliwanag kuwento sa likod ng costume nila ni KD

Next Post
‘The Puto Bumbong to my Bibingka!’ Alexa, ipinaliwanag kuwento sa likod ng costume nila ni KD

'The Puto Bumbong to my Bibingka!' Alexa, ipinaliwanag kuwento sa likod ng costume nila ni KD

Broom Broom Balita

  • MTRCB, humiling ng dagdag na ₱5-M budget para sa ‘honorarium’ ng board members
  • Mas maagang pagbibigay ng cash incentives para sa seniors, isinusulong ni Cong. Abante
  • Manila LGU, humakot ng parangal sa Cities and Municipalities Competitiveness Index Awards
  • Brownlee, Hollis-Jefferson nagkita sa China
  • KD Estrada kay Alexa Ilacad: ‘Will you go to the ABS-CBN Ball with me?’
MTRCB, humiling ng dagdag na ₱5-M budget para sa ‘honorarium’ ng board members

MTRCB, humiling ng dagdag na ₱5-M budget para sa ‘honorarium’ ng board members

September 29, 2023
Mas maagang pagbibigay ng cash incentives para sa seniors, isinusulong ni Cong. Abante

Mas maagang pagbibigay ng cash incentives para sa seniors, isinusulong ni Cong. Abante

September 29, 2023
Manila LGU, humakot ng parangal sa Cities and Municipalities Competitiveness Index Awards

Manila LGU, humakot ng parangal sa Cities and Municipalities Competitiveness Index Awards

September 29, 2023
Brownlee, Hollis-Jefferson nagkita sa China

Brownlee, Hollis-Jefferson nagkita sa China

September 29, 2023
KD Estrada kay Alexa Ilacad: ‘Will you go to the ABS-CBN Ball with me?’

KD Estrada kay Alexa Ilacad: ‘Will you go to the ABS-CBN Ball with me?’

September 29, 2023
Baron Geisler, walang mabuting alaala sa mga nakaraang ABS-CBN Ball

Baron Geisler, walang mabuting alaala sa mga nakaraang ABS-CBN Ball

September 29, 2023
Pari na sangkot sa sexual abuse sa mga menor de edad, sinibak ni Pope Francis

21 Cardinal, hihirangin ni Pope Francis

September 29, 2023
LPA sa silangan ng Central Luzon, ganap nang bagyong ‘Jenny’

LPA sa silangan ng Central Luzon, ganap nang bagyong ‘Jenny’

September 29, 2023
19th Asian Games: Hong Kong, nilampaso ng Gilas Women

19th Asian Games: Hong Kong, nilampaso ng Gilas Women

September 29, 2023
Revilla hiniling sa OP na isaalang-alang ang ‘no work-no pay’ employees ng ‘It’s Showtime’

Revilla hiniling sa OP na isaalang-alang ang ‘no work-no pay’ employees ng ‘It’s Showtime’

September 29, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.