• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

Kamakailang Civil Engineer Licensure Examination, tinawag na ‘basic’ lang ng board topnotcher

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
November 29, 2022
in Features
0
Kamakailang Civil Engineer Licensure Examination, tinawag na ‘basic’ lang ng board topnotcher

Larawan mula Unsplash/ThisisEngineering RAEng

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Sa rating na 95 percent, tila walang ka-effort-effort na naipasa at nanguna sa November 2022 Civil Engineer Licensure Examination ang produkto ng University of the Philippines – Los Baños (UPLB) na si Carl Jervin Magtira.

Ito’y kasunod ng ngayo’y viral Facebook post kung saan inilarawan pa ng bagong engineer na “basic” o madali lang ang naganap ang board exam.

Gayunpaman, hindi ito ang kaso sa 39.34 percent na passing rate o 8,029 sa 20,407 examination takers, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) nitong Martes.

Hindi naman kataka-taka na ito ang pahayag ni Magtira dahil sa katunayan, ikalawa rin ang kaniyang unibersidad sa top performing school na may overall passing rate na 92.75 percent, nasa likod lang ng University of the Philippines – Diliman (UPD) na nakakuha ng 95.45 percent na overall passing rate sa top spot.

Narito ang kabuuang listahan ng topnotcher at top-performing schools para sa naturang pagsusulit:

Larawan mula PRC
Larawan mula PRC

Samantala, kinaaliwan naman ng netizens ang nabanggit na viral post nitong Martes.

Inulan ng parehong paghanga, at papuri si Magtira na anang netizens ay tunay na inspirasyon. Biro pa ng marami, literal umanong hindi na nagtira ng katalinuhan para sa iba ang bagong inhinyero.

Sa pag-uulat, tumabo na sa mahigit 158,000 reactions ang naturang post.

Sinubukan ding hingan ng pahayag ng Balita si Magtira. Wala pa itong tugon sa pag-uulat.

Tags: Civil Engineer licensure examinationUniversity of the Philippines – Los Baños (UPLB)
Previous Post

‘Katips,’ humakot ng 13 nominasyon sa PMPC Star Awards

Next Post

Megastar, kinilalang ‘female icon’ sa EDDYS 2022

Next Post
Megastar, kinilalang ‘female icon’ sa EDDYS 2022

Megastar, kinilalang ‘female icon’ sa EDDYS 2022

Broom Broom Balita

  • Guilty: Dawit sa pagpatay kay Percy Lapid, 8 taon kulong
  • ‘RES-FAKE?’ Joey de Leon may pinasasaringan?
  • VP Sara sa Neg Occ students: ‘Sikaping makapagtapos ng pag-aaral’
  • Celiz, Badoy ‘normal’ ang kondisyon matapos ang House check-up
  • Mga rescuer, nagtungo na sa pinagbagsakan ng eroplano sa Isabela — IMT
Guilty: Dawit sa pagpatay kay Percy Lapid, 8 taon kulong

Guilty: Dawit sa pagpatay kay Percy Lapid, 8 taon kulong

December 7, 2023
‘RES-FAKE?’ Joey de Leon may pinasasaringan?

‘RES-FAKE?’ Joey de Leon may pinasasaringan?

December 7, 2023
VP Sara sa Neg Occ students: ‘Sikaping makapagtapos ng pag-aaral’

VP Sara sa Neg Occ students: ‘Sikaping makapagtapos ng pag-aaral’

December 7, 2023
Auto Draft

Celiz, Badoy ‘normal’ ang kondisyon matapos ang House check-up

December 7, 2023
Mga rescuer, nagtungo na sa pinagbagsakan ng eroplano sa Isabela — IMT

Mga rescuer, nagtungo na sa pinagbagsakan ng eroplano sa Isabela — IMT

December 7, 2023
NCR, mananatili sa alert level 3; pilot areas para sa alert level system, pinalawig

Eksperto: Publiko, hindi dapat mabahala sa ‘walking pneumonia’  

December 7, 2023
Agusan del Norte, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol

Agusan del Norte, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol

December 7, 2023
2 persons of interest sa Marawi bombing, nakilala na

2 persons of interest sa Marawi bombing, nakilala na

December 7, 2023
DOH, nag-turn over ng 10 newborn hearing screening machines sa Ilocos Region

DOH: 4 na kaso ng walking pneumonia sa ‘Pinas, recovered na

December 7, 2023
Magnitude 5.2 na lindol, tumama sa Surigao del Sur

Magnitude 5.2 na lindol, tumama sa Surigao del Sur

December 7, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.