• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Christian Bables, napika na sa mga patuloy na kumukuwestyon sa sekswalidad niya: ‘Tomboy po ako!’

Richard de Leon by Richard de Leon
November 29, 2022
in Balita, Showbiz atbp.
0
Christian Bables, napika na sa mga patuloy na kumukuwestyon sa sekswalidad niya: ‘Tomboy po ako!’

Christian Bables (Larawan mula sa Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Muling nagbitiw ng kaniyang pagkaklaro ang award-winning actor na si Christian Bables tungkol sa mga naiintriga at patuloy na nang-iintriga sa kaniyang tunay na sekswalidad.

Marami kasi ang bumibilib sa kaniyang pagganap sa gay roles na ginagampanan niya sa mga pelikulang ganito ang tema, kaya napapaisip ang mga netizen kung ano ba talaga ang kaniyang preference.

Matatandaang nilinaw na ni Christian sa maiksing video interview sa kaniya ni Ogie Diaz na isa siyang straight; kung hinahangaan man at ikinalilito na ng mga tao ang kaniyang tunay na sekswalidad sa mga karakter na ginagampanan niya, pinahahalagahan daw ito ng aktor.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/16/christian-bables-epektibo-sa-pagganap-ng-beki-roles-ano-nga-ba-ang-preference/

Sundot pa niya, kung sakali man daw na magkagusto siya sa same sex, hindi naman daw niya pipigilan ang puso niya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/16/christian-bables-straight-man-subalit-bukas-sa-ideyang-ma-attract-sa-same-sex/

Bagama’t nilinaw na niya ang bagay na ito, tila may ilan pa ring nangungulit sa kaniya tungkol dito.

Kaya naman sa pamamagitan ng serye ng tweets ay inaddress ulit ni Bables ang isyu.

“Nakakatawang interesadong interesado kayong malaman kung ano ba ang ‘tunay na gender’ ko, na para bang parte yun ng bawat paghinga at pag-utot n’yo. Ok to set the record straight, TOMBOY po ako. Kung hindi pa kayo maniwala, ewan ko na lang mga hinayupak kayo. Good night mga vuhkla,” aniya sa tweet noong Nobyembre 25.

Nakakatawang interesadong interesado kayong malaman kung ano ba ang “tunay na gender” ko, na para bang parte yun ng bawat pag hinga at pag utot niyo. Ok to set the record straight, TOMBOY po ako. Kung hindi pa kayo maniwala, ewan ko nlng mga hinayupak kayo. Good night mga vuhkla.

— Christian Bables (@chrisbables06) November 24, 2022

“Kidding aside, mami naman! 2023 na! Sana mag-evolve kasama ng panahon ang brains natin. What you’re doing, my friends, is GENDER STEREOTYPING. Ibig sabihin nakakahon pa rin kayo sa nakaugaliang standards ng kung ano ‘lang’ dapat ang kilos at itsura ng lalaki at babae. Salot ‘yan.”

Kidding aside, mami naman! 2023 na! Sana mag evolve kasama ng panahon ang brains natin. What you’re doing, my friends, is GENDER STEREOTYPING. Ibig sabihin naka kahon parin kayo sa nakaugaliang standards ng kung ano “lang” dapat ang kilos at itsura ng lalaki at babae. Salot yan.

— Christian Bables (@chrisbables06) November 25, 2022

“This will be the LAST time na papatulan ko ang kamangmangan na ito. Let’s put it this way, WHAT YOU SEE IS WHAT YOU GET. Don’t ask for an explanation coz the world doesn’t revolve around you and your ego. Basta wag kakalimutang rumespeto. Piliing umunawa kesa sa makapanakit. Oki?”

“Imagine how excruciating it is for someone to be mocked and to be made a laughing stock, just because of their looks and their made up as a person na hindi pumasa sa standards at ego ng mga kagaya mong utak munggo. Itigil mo ‘yan. Para bago ka mamatay, fresh ka gagu.”

“Now let’s talk about my craft as an actor, anong gagawin ko? Hindi ko na lang gagalingan sa mga roles na binibigay sakin para lang pumasok sa standards mo ng pagiging straight na animal ka? Nope. NEVER GONNA HAPPEN. Watch Signal Rock on Netflix. Sarap mong takungin sa cornea eh ❤️,” banas na saad pa ni Christian.

Now let’s talk about my craft as an actor, anong gagawin ko? Hindi ko nalang gagalingan sa mga roles na binibigay sakin para lang pumasok sa standards mo ng pagiging straight na animal ka? Nope. NEVER GONNA HAPPEN. Watch Signal Rock on Netflix. Sarap mong takungin sa cornea eh ❤️

— Christian Bables (@chrisbables06) November 25, 2022

May mga netizen namang sumang-ayon sa kaniya at may ilang mga netizen din ang nagsabing curious lang siguro ang mga tao dahil sa husay na pinamamalas niya sa kaniyang pagganap bilang gay.

Tags: Christian Bablesgender stereotypingsexuality
Previous Post

‘Istorbo ka!’ TikToker na halos humarang sa escalator ng mall para sumayaw, inulan ng puna

Next Post

‘Biglang naiba pakiramdam ko!’ Pokwang, naweirduhan sa kakaibang hugis ng kamote

Next Post
‘Biglang naiba pakiramdam ko!’ Pokwang, naweirduhan sa kakaibang hugis ng kamote

'Biglang naiba pakiramdam ko!' Pokwang, naweirduhan sa kakaibang hugis ng kamote

Broom Broom Balita

  • Bulkang Mayon, nagbuga pa rin ng mga bato
  • Comelec control sa Socorro, Surigao del Norte ‘di na kailangan — Garcia
  • ₱49.4M jackpot sa lotto, walang tumama
  • Paggawa ng license plates, inaapura na ng LTO
  • Patay sa ‘leptos’ sa Ilocos Region, 33 na!
‘Di pa kumakalma! Bulkang Mayon, nakapagtala pa ng 147 rockfall events

Bulkang Mayon, nagbuga pa rin ng mga bato

September 28, 2023
(Manila Bulletin File Photo)

Comelec control sa Socorro, Surigao del Norte ‘di na kailangan — Garcia

September 28, 2023
₱49.4M jackpot sa lotto, walang tumama

₱49.4M jackpot sa lotto, walang tumama

September 27, 2023
Paggawa ng license plates, inaapura na ng LTO

Paggawa ng license plates, inaapura na ng LTO

September 27, 2023
Patay sa ‘leptos’ sa Ilocos Region, 33 na!

Patay sa ‘leptos’ sa Ilocos Region, 33 na!

September 27, 2023
Mga miyembro ng Socorro group, ‘di tatanggalin sa 4Ps — DSWD

Mga miyembro ng Socorro group, ‘di tatanggalin sa 4Ps — DSWD

September 27, 2023
Carla bet mapasama sa ‘Batang Quiapo’; wala pang kontrata sa GMA

Carla bet mapasama sa ‘Batang Quiapo’; wala pang kontrata sa GMA

September 27, 2023
₱224,000 ‘hot’ lumber, kumpiskado sa Romblon

₱224,000 ‘hot’ lumber, kumpiskado sa Romblon

September 27, 2023
Ricky Davao kina Bea, Dennis: ‘Ang sarap nilang katrabaho’

Ricky Davao kina Bea, Dennis: ‘Ang sarap nilang katrabaho’

September 27, 2023
TikTok influencers kumanta; nabayaran para siraan si Maggie Wilson

TikTok influencers kumanta; nabayaran para siraan si Maggie Wilson

September 27, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.