• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

AJ Raval, nag-post ng whole body pic; talak ng mga netizen, ‘Ito ba yung kapapanganak lang?’

Richard de Leon by Richard de Leon
November 29, 2022
in Balita, Showbiz atbp.
0
AJ Raval, nag-post ng whole body pic; talak ng mga netizen, ‘Ito ba yung kapapanganak lang?’

AJ Raval (Larawan mula sa FB)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Sa kabila ng “panganganak issue” ay nagbahagi ng kaniyang whole body picture ang aktres na si AJ Raval sa kaniyang verified Facebook account kung saan makikitang flat na flat ang kaniyang tiyan at wala umanong bakas ng kahit na anong pagluluwal ng sanggol.

“Taking care of yourself means taking care of your environment 🐝 Thank you @bbcleaningco,” saad ni AJ sa caption.

Matatandaang tinalakay nina Ogie Diaz at Mama Loi sa kanilang showbiz vlog na “Ogie Diaz Showbiz Update” ang tsinika ng source ni Ogie, na palihim na nanganak na raw ang aktres sa isang payak na ospital sa Pasig City.

Upang hindi raw makilala ng iba pang mga pasyente roon, may takip daw ang mukha nito nang ipasok sa isang emergency room. Hindi na nga raw ito dinala sa delivery room kung saan dapat inilalagak ang mga pasyenteng nanganganak.

Ang itinuturong ama ng kaniyang sinasabing isinilang na sanggol ay ang rumored boyfriend na si Aljur Abrenica, na nakaabang daw sa labas ng ospital at nasa loob lamang ng kaniyang kotse.

Matapos daw makapanganak ni AJ ay kaagad na itong inilabas ng ospital. Ang ginamit pa nga raw na apelyido ni AJ sa ospital ay “Alvarez”, na apelyido sa pagkadalaga ng kaniyang ina.

Na-identify raw na si AJ ang babaeng ipinasok sa emergency room na nakatakip ang mukha dahil sa tattoo sa kaniyang dibdib. Mabuti na lamang din umano at hindi nakita ang tattoo nito sa wetpaks.

Sa tanong naman na bakit walang nakitang baby bump noon sa kaniya, baka naman daw maliit lamang magbuntis si AJ. baka raw kailangan lamang itago ang mga bagay na ito lalo’t baka makaapekto sa annulment nina Aljur at estranged wife na si Kylie Padilla.

“I’m sure lalabas din one day si AJ para klaruhin ang lahat ng ito,” ani Ogie.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/28/aj-raval-palihim-na-nanganak-na-raw-ispluk-ng-source-ni-ogie-diaz/

Umani naman ng reaksiyon at komento mula sa mga netizen ang latest FB post ni AJ.

“Eto ba ung sinasabi nilang kakapanganak lang? 😂 parang itsura neto gusto pa lang maglihi eh.”

“Yung mga marites jan, pasok. Naol kakapanganak lang ganyan ka-fresh at ka-seksi😍😍 .”

“Sana all ganiyan pa rin katawan kahit nanganak na raw hahaha.”

“Yung latest pict sana hahaha para maniwala na di ka preggy ba’t di ka mag-live. Dati gawain mo naman yun eh para mapatunayan mong hindi ka preggy ‘di ba?”

Bago ang naturang post, pinag-usapan din ng mga netizen ang litrato niya kung saan ibinida niya ang Christmas tree at Santa Claus decor sa kanilang bahay.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/28/sa-kabila-ng-intrigang-nanganak-na-raw-aj-nagpasilip-ng-malaking-christmas-tree-santa-claus/

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni AJ o ni Aljur tungkol dito.

Tags: AJ Ravalpregnancy rumors
Previous Post

Kris, may natutunan sa kanyang ama: ‘Never show anger, never reveal your weakness’

Next Post

AJ, ‘buntis’ dahil 3 weeks delayed; nakipagsalpukan ng ‘kuweba’ at aktingan kay Angeli Khang

Next Post
AJ, ‘buntis’ dahil 3 weeks delayed; nakipagsalpukan ng ‘kuweba’ at aktingan kay Angeli Khang

AJ, 'buntis' dahil 3 weeks delayed; nakipagsalpukan ng 'kuweba' at aktingan kay Angeli Khang

Broom Broom Balita

  • Nahulog sa barko? Tripulante, ‘di pa mahanap ng PH Coast Guard sa Batangas
  • Phivolcs, pinaghahanda ang Davao sa aftershocks dala ng nangyaring Magnitude 6 na lindol
  • Nursing student, iniligtas ang fruit vendor na tinaga ng kaniyang kalive-in-partner
  • ‘Starry night pool’: Isang swimming pool, nagmistulang art canvas
  • DOTr: Operasyon at maintenance ng Metro Manila Subway at North-South railway, isasapribado na
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.