• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Rabiya Mateo, humingi ng pasensya sa nang-okray na mukha raw siyang ‘chipipay’

Richard de Leon by Richard de Leon
November 29, 2022
in Balita, Showbiz atbp.
0
Rabiya Mateo, humingi ng pasensya sa nang-okray na mukha raw siyang ‘chipipay’

Rabiya Mateo (Larawan mula sa Manila Bulletin/TikTok)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nag-react si Miss Universe Philippines 2020 at Kapuso actress-TV host Rabiya Mateo sa isang basher na nagsabing mukha raw siyang “cheap” o sa balbal na salita ay tinatawag na “chipipay” o “chipangga”.

Ginawan ng TikTok video ni Rabiya ang kaniyang tugon sa naturang basher.

“Replying to @Ginzcorz In a world full of bullies, be kind,” aniya sa caption.

Ani Rabiya, sanay na raw siya sa mga mapanlait na komento sa kaniya ng ilang mga netizen, kahit sa kasagsagan ng Miss Universe stint niya. Ito raw ang unang beses na magre-react siya sa isang bastos na komento patungkol sa kaniya.

“You know what, madam, miss or, hindi ko alam kung paano kita i-aaddress. You know what, you can be the most expensive-looking person but if you’re mean or rude, or the way you think or talk to people is not right, I don’t think na I want to be somebody like you,” ani Ibyang.

“Ako, I’m proud of myself. I’m proud kung paano ako manamit, kung paano ako magsalita, kung paano ako makikapwa tao.”

“At baka isipin nyo po na shini-shame ko kayo because of your age, but hindi po ganon. But I hope, sa edad n’yo pong ‘yan, marami na kayong natutunan sa buhay. And you should be a good example to your family, to your kids, to your apo kung meron ka na po. Dahil hindi ganyan dapat mag-act sa social media.”

“Marami na po kayong pinagdaanan sa buhay, I’m sure of that. And sana you chose to be a good person na makaka-inspire ng ibang tao ‘di ba? Pero sige, bigay ko na lang po ‘yon sa inyo. If I look cheap, pasensya na po. Pero I will never be somebody like you,” kalmante subalit mabigat ang mensahe na saad ni Rabiya.

@rabiyamateo

Replying to @Ginzcorz In a world full of bullies, be kind. 🥰 #foryou #fyp #foryoupage

♬ original sound – Rabiya Mateo – Rabiya Mateo

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

“Yung pinangaralan ka ng mas bata sa’yo…”

“Korek, igalang at irespeto mo ang kapwa mo. Yan ang totoong expensive, hindi sa katayuan sa buhay kundi kung paano makipagkapwa-tao.”

“Hahaha!!! Akala niya hindi papatol si Queen Rabiya.”

“Tama lang ‘yan, don’t step down sa level nila…”

Sa ngayon ay may mahigit 600K na ang views ng naturang TikTok video.

Tags: bashercheapMiss Universe Philippines 2020Rabiya Mateo
Previous Post

PH Navy, bibili ng 15 Israeli-made missile boats

Next Post

OCTA: Covid-19 positivity rate sa NCR, tumaas pa sa 11.1%

Next Post
DOH: Unang local case ng Lambda variant, 35-anyos na buntis

OCTA: Covid-19 positivity rate sa NCR, tumaas pa sa 11.1%

Broom Broom Balita

  • Nahulog sa barko? Tripulante, ‘di pa mahanap ng PH Coast Guard sa Batangas
  • Phivolcs, pinaghahanda ang Davao sa aftershocks dala ng nangyaring Magnitude 6 na lindol
  • Nursing student, iniligtas ang fruit vendor na tinaga ng kaniyang kalive-in-partner
  • ‘Starry night pool’: Isang swimming pool, nagmistulang art canvas
  • DOTr: Operasyon at maintenance ng Metro Manila Subway at North-South railway, isasapribado na
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.