• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Health at social services, top priorities ng Manila City Government sa 2023 budget

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
November 28, 2022
in Balita, Metro
0
Mayor Isko: Home quarantine sa Maynila, bawal na ulit

(FILE PHOTO/Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Tiniyak ni Manila Mayor Honey Lacuna na nananatiling ang health at social services ang top priorities ng kanyang administrasyon sa 2023 annual budget ng lungsod.     

Ang pagtiyak ay ginawa ng alkalde matapos na lagdaan nitong Lunes ang ordinansang naglalaan ng   Executive Budget para sa Fiscal Year 2023 na nagkakahalaga ng P22.2 bilyon.      

“Isinumite natin ito sa Sangguniang Panlungsod at agad naman nilang tinalakay, sinuri, pinag-aralang maigi at ipinasa sa kanilang nakaraang regular na sesyon,” ayon kay Lacuna.     

Sinabi pa ng alkalde na halos kalahati ng budget ay inilaan sa  social services at health programs, na nagpapatunay ng kolektibong pananaw at hakbang tungo sa maayos at mas magandang buhay ng mga Manileño.     

“Sumasalamin dito ang ating mithiing makapagbigay ng pinakamahusay na serbisyong pangkalusugan at serbisyong panlipunan, upang higit na mapaganda at mapabuti ang ating Social Amelioration Program gaya ng mga allowances ng senior citizens, PWDs at solo parents, gayundin para sa lahat ng mag-aaral ng PLM, UDM at senior high school sa mga pampublikong paaralan,” aniya pa.     

Bahagi rin aniya ng nakahanay na priority programs ng lungsod sa isang taon ay nakatutok sa pangangalaga ng kapaligiran at pati na ang peace and order situation sa kabisera ng bansa.     

Nabatid na jabilang din sa Annual Budget ang mga programa at proyekto na may kaugnayan sa implementasyon ng Universal Health Care Act, pagpapaunlad ng Health Centers, pagtatatag ng Crisis Intervention Center for Women and Children at karagdagang facilities sa Manila Boystown Complex, at iba pa.     

 Ang mga city libraries,  multi-purpose at multi-functional facilities naman ay ide-developed o  magtatayong muli sa ilalim ng nakalinyang plano para sa isang taon.    

Nagpasalamat si Lacuna kina  Vice Mayor at Manila City Council Presiding Officer John Marvin Yul Servo Nieto, Majority Floor Leader at third District Councilor Jong Isip, Minority Floor Leader at 6th District Councilor Salvador Philip Lacuna na  chair ng Committee on Appropriations at sa buong  miyembro ng Council  dahil sa kanilang buong-buong suporta sa kanyang administrasyon.

“Patuloy sana ninyo akong samahan sa pagsisikap na maisakatuparan ang ating mga pangarap at mithiin tungo sa higit pang mabuti, mas maayos at masaganang pamumuhay ng bawat Manilenyo. Makakatiyak po ang lahat na sa ilalim ng panunungkulan ng inyong kauna-unahang babaeng Punong Lungsod ay maihahatid ang walang kapagurang serbisyo diretso sa tao. Ipadarama ang Pagmamahal ng isang Ina at Kalinga ng isang doktora,” anang kauna-unahang lady mayor ng Maynila.

Tags: Manila City GovernmentManila Mayor Honey Lacuna
Previous Post

MRT-3, may 69 nang bagong overhaul na bagon

Next Post

Tony Labrusca, aminadong tumigas ang puso matapos ang kinasangkutang scandal sa NAIA

Next Post
Tony Labrusca, aminadong tumigas ang puso matapos ang kinasangkutang scandal sa NAIA

Tony Labrusca, aminadong tumigas ang puso matapos ang kinasangkutang scandal sa NAIA

Broom Broom Balita

  • Nahulog sa barko? Tripulante, ‘di pa mahanap ng PH Coast Guard sa Batangas
  • Phivolcs, pinaghahanda ang Davao sa aftershocks dala ng nangyaring Magnitude 6 na lindol
  • Nursing student, iniligtas ang fruit vendor na tinaga ng kaniyang kalive-in-partner
  • ‘Starry night pool’: Isang swimming pool, nagmistulang art canvas
  • DOTr: Operasyon at maintenance ng Metro Manila Subway at North-South railway, isasapribado na
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.