• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

San Juan Mayor Francis Zamora, naupo bilang bagong pangulo ng Metro Manila Council

Angelo Sanchez by Angelo Sanchez
November 27, 2022
in Balita
0
San Juan Mayor Francis Zamora, naupo bilang bagong pangulo ng Metro Manila Council

Larawan: Mayor Francis Zamora/FB

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nahalal bilang bagong pangulo ng Metro Manila Council sa joint meeting ng grupo sa Regional Development Council (RDC) ang alkalde ng San Juan na si Francis Zamora.

Sa session nitong Sabado ng gabi, Nob. 26, na ginanap din sa San Juan, napili rin si Zamora bilang vice chairperson para sa RDC.

“Unang-una sa lahat ako ay nagpapasalamat po sa bumubuo sa Metro Manila Council, kay MMDA Chairman Artes, sa lahat ng Metro Manila Mayors maraming salamat sa tiwala sakin,” ani Zamora.

Kabilang sa mga miyembro ng konseho na dumalo ay sina Mandaluyong City Mayor Benjamin Abalos Sr., Pateros Mayor Mike Ponce III, Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, Manila City Mayor Honey Lacuna, Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian, Malabon City Mayor Jeannie Sandoval, at Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose “Jerry” Acuzar.

Tiniyak ni Zamora na “pag-iisahin” niya ang mga lungsod kahit na hindi maiiwasang may hindi pagkakasunduan.

Aniya, “Unang termino ko bilang mayor naranasan natin ang pandemya, nakita ko gaano kalaki ang bagay kung ang labing pitong mayors sa Metro Manila ay nagkakaisa.”

Kabilang sa mga isyu na ipinangako ng alkalde ng MMC na lulutasin ay ang trapiko sa kalakhang lungsod.

“Bumabalik na sa normal ang buhay natin. Ibig sabihin nag lalabasan na ang mga mamamayan kaya kailangan nating gumawa ng mga hakbang upang malutas ang traffic sa metro Manila,” anang alkalde.

Samantala, nagpahayag din siya ng pasasalamat sa kapwa niyang alkalde na bumoto sa kanya, at sinabi niyang nasasabik na siyang simulan ang mga responsibilidad niya bilang bagong pangulo ng Metro Manila Council.

“It’s an honor to have been elected as the President of the Metro Manila Council composed of the Metro Manila Mayors, the MMDA Chairman and the heads of the MMVML and MMCL. We were also elected as Co-Chairperson of the Regional Development Council for NCR. Thank you very much for the trust and confidence my fellow council members!”

“Very much thankful to have been elected as President of the Metro Manila Council and Co-Chairperson of the NCR Regional Development Council. Thank you very much to all our Metro Manila Mayors, MMDA Chairman Don Artes and the heads of the MMVL and MMCL for the trust and confidence!

“Very much excited to take on these new responsibilities for the development of the National Capital Region! Mabuhay ang Metro Manila at ang Pilipinas,” ani Zamora sa isang Facebook post.

Tags: Mayor Francis ZamoraMetro Manila Council
Previous Post

Oscar-winning ‘Flashdance’ at ‘Fame’ singer Irene Cara, pumanaw na sa edad na 63

Next Post

Banat ni Jaime Fabregas tungkol sa pagkakapareho ng politiko, drug lords, patuloy na pinag-uusapan

Next Post
Banat ni Jaime Fabregas tungkol sa pagkakapareho ng politiko, drug lords, patuloy na pinag-uusapan

Banat ni Jaime Fabregas tungkol sa pagkakapareho ng politiko, drug lords, patuloy na pinag-uusapan

Broom Broom Balita

  • Nahulog sa barko? Tripulante, ‘di pa mahanap ng PH Coast Guard sa Batangas
  • Phivolcs, pinaghahanda ang Davao sa aftershocks dala ng nangyaring Magnitude 6 na lindol
  • Nursing student, iniligtas ang fruit vendor na tinaga ng kaniyang kalive-in-partner
  • ‘Starry night pool’: Isang swimming pool, nagmistulang art canvas
  • DOTr: Operasyon at maintenance ng Metro Manila Subway at North-South railway, isasapribado na
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.