• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

‘Minsan lang mangyari!’ Dati, kasalukuyang ABS-CBN news anchors, nag-reunion sa bday ni Ging Reyes

Richard de Leon by Richard de Leon
November 27, 2022
in Balita, Showbiz atbp.
0
‘Minsan lang mangyari!’ Dati, kasalukuyang ABS-CBN news anchors, nag-reunion sa bday ni Ging Reyes

Mga larawan mula sa IG nina Korina Sanchez-Roxas at Karen Davila

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nagsama-sama ang mga dati at kasalukuyang news anchors, journalists, at reporters ng ABS-CBN News and Current Affairs sa pagdiriwang ng ika-60 kaarawan ng kanilang head na si Ging Reyes.

Makikita ito sa iba’t ibang social media posts ng mga dumalong bigatin at tinitingalang personalidad sa larangan ng broadcasting na nagsidalo sa birthday party ni Reyes, na nasa retirement period na ng kaniyang katungkulan sa Kapamilya Network.

Isa sa mga nag-post tungkol dito ay ang dating ABS-CBN news anchor na si Korina Sanchez-Roxas.

“Minsan lang ito mangyareeee! Sama-sama all in this sortat grand reunion of the ABSCBN Ch 2 News and Current Affairs peeps (grduates and those still in this school of hard knocks). And it’s all for the 60th birthday (yes she actually announces her age) of News Boss Ging Reyes yahoooo,” aniya.

Ilan sa mga ibinida niyang nagsidalo sa naturang birthday party ay sina Kabayan Noli de Castro, Ted Failon, Ces Drilon, Karen Davila, Alvin Elchico, Doris Bigornia, Atom Araullo, Kata Inocencio, Tina Monzon Palma, Becky Cabral, Charie Villa, Karmina Constantino, Zen Hernandez, Jeff Canoy, Mon Ilagan, at marami pang iba na inilarawan ni Koring bilang “on and off-camera heroes of those days of war and peace on the airwaves.”

“It took 30 years and more to gather and hone these professionals. Hoping it happens again and again. It should,” ani Korina.

View this post on Instagram

A post shared by Korina Sanchez-Roxas (@korina)

Tumugon naman dito ang kasalukuyang news anchor ng ABS-CBN na si Karen Davila, na kamakailan lamang ay kinapanayam ni Koring sa kaniyang talk show na “Korina Interviews” sa NET25.

“Korina!!!!!! What a night! Nostalgic!” ani Karen.

Nagbigay rin ng pa-tribute si Karen para kay Ging.

“When the last man standing is a WOMAN… an emotional 60th birthday to an institution in ABS-CBN News & the television industry… M’ @gingreyes aka RER 🎉.”

“From the reopening of ABS-CBN in 1986 to the painful non-renewal of our franchise in 2020, Ma’am Ging has stayed through it all. She has mentored hundreds of news people including myself & has stood by her people through the darkest of times.”

“RER was my first EP when I moved to ABSCBN in 2000 and boy, was I scared of her 😜 and yet through the years, underneath all the tough talk she is famous for, lies a heart of compassion & kindness for her team. Thank you Ma’am Ging for everything.”

View this post on Instagram

A post shared by Kristin Karen Davila (@iamkarendavila)

“So much nostalgia seeing new & old faces! Once a kapamilya, always a kapamilya 🇵🇭,” ani Karen.

Tags: 60th birthdayGing ReyesKaren DavilaKorina Sanchez-Roxas
Previous Post

KDLex, ginawaran ng parangal bilang ‘Asia’s Most Promising Love Team for 2022’

Next Post

Nakialam na! TRO vs power rate petition, pag-aralan ulit — Marcos

Next Post
Nakialam na! TRO vs power rate petition, pag-aralan ulit — Marcos

Nakialam na! TRO vs power rate petition, pag-aralan ulit -- Marcos

Broom Broom Balita

  • 46 nailigtas sa lumubog na bangka sa Palawan
  • ₱25M marijuana, sinunog sa Kalinga, Benguet — PNP
  • Mga nasawi dahil sa sama ng panahon, umabot na sa 43
  • Johnny Abarrientos, pagmumultahin: Pag-‘dirty finger’ kay Converge import Jamaal Franklin, nag-viral
  • DA, inaprubahan ang ₱110 milyong pondo para sa rubber plantations sa Basilan
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.