• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Sa deteksyon ng BQ.1 Covid-19 subvariant: Healthcare utilization rate ng bansa, low risk pa rin!

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
November 26, 2022
in Balita, National / Metro
0
DOH: Deteksyon ng monkeypox sa Pinas, hindi dapat maging sanhi ng pagkaantala ng pagbubukas ng klase

DOH Officer-In-Charge (OIC) Maria Rosario Vergeire PHOTO COURTESY: ALI VICOY/MB FILE PHOTO

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Tiniyak ni Department of Health (DOH) Officer-in-Charge Maria Rosario Singh-Vergeire nitong Sabado na nananatili pa ring low risk ang healthcare utilization rate (HCUR) ng bansa, sa kabila ng deteksyon ng BQ.1 subvariant ng Covid-19.

Matatandaang nitong mga nakalipas na araw ay marami ng mga bagong Covid-19 variants at subvariants ang natukoy na nakapasok na sa bansa, kabilang na rito ang BQ.1 subvariant.

Sa isang pahayag, sinabi naman ng DOH na natural lamang na patuloy na lilitaw at magsusulputan ang mga bagong variants ng virus dahil sa patuloy na transmission o hawahan nito.

Ayon pa sa DOH, ang paglimita sa pagkalat ng Covid-19 at pagtiyak ng updated protection sa pamamagitan ng pagbabakuna, ang isang depinitibo o tiyak na pamamaraan upang maiwasan ang emergence o muling pagsulpot ng virus.

Dapat rin anilang patuloy na palakasin ang mga umiiral na management at surveillance systems na siyang susi upang makapamuhay tayo sa new normal, kasama ang Covid-19.

“We have to start demystifying variants. Viruses naturally mutate with continued transmission–this is a natural occurrence. Alam din natin at ng ating mga eksperto iyan, kaya ang mas importante talaga ay pigilan ang pagpasa ng virus para maiwasan ang pag-mutate nito, at lalong importante na laging handa ang ating healthcare system to respond to these emerging variants,” paliwanag pa ni Vergeire.

Paniniguro pa niya, ang HCUR ng bansa ay nasa low risk pa rin.

Sinimulan na rin aniya nila ang mga preparatory activities upang matiyak na nakahanda ang triage system at available ang mga health facilities sakaling may maobserbahang pagtaas sa healthcare utilization rates sa bansa.

Bukod rin anila sa pagtiyak na sapat ang health system capacity ng bansa upang tugunan ang pagsusulputan ng mga Covid-19 variants at subvariants, mahalaga rin na palakasin ang local at international surveillance at data-sharing systems upang matiyak na ang natural emergence ng variants ay makikita, mapag-aaralan at magagamit upang ma-update ang mga bakuna laban sa Covid-19.

Pagtiyak pa ng DOH, ang lahat ng mga bakunang ginagamit ngayon laban sa anumang variants ng Covid-19 ay nananatiling epektibo para maiwasan ang pagkakaroon ng malala at kritikal na sakit, gayundin ang pagkamatay dahil sa Covid-19.

“The science of Covid-19 is evolving–araw-araw may bagong datos na inaaral ang mga eksperto. Despite this, what is clear to us is that our layers of protection continue to be effective against Covid-19 and its variants. Particularly for vaccines, the challenge is ensuring that they remain effective against these emerging variants. This is why it is crucial that we continue bolstering our surveillance systems and participating in global surveillance data-sharing initiatives and platforms, like GISAID, because this data is what vaccine manufacturers study and use to update vaccines, ensuring that we are always a step ahead,” ani Vergeire.

“As of now, all our vaccines continue to be effective against severe cases caused by detected variants. This is why we continue to appeal to our kababayans to get vaccinated and boosted against Covid-19 on top of other layers of protection, to minimize transmission and in effect, the emergence of new variants,” dagdag pa niya. 

Tags: BQ.1 Covid-19 subvariant
Previous Post

May anomalya? Kautusan ng BFAR vs imported na isda, iiimbestigahan ng Ombudsman

Next Post

‘Kuha All’ ni Ka Tunying, mapapanood na sa ALLTV; sinariwa mga naging shows sa ABS-CBN

Next Post
‘Kuha All’ ni Ka Tunying, mapapanood na sa ALLTV; sinariwa mga naging shows sa ABS-CBN

'Kuha All' ni Ka Tunying, mapapanood na sa ALLTV; sinariwa mga naging shows sa ABS-CBN

Broom Broom Balita

  • ‘Valentina,’ may new look para sa finale ng ‘Darna’
  • Magnitude 4.9 na lindol, tumama sa Davao Occidental
  • Guanzon sa planong pagbuo ng WRMO: ‘They might pack this Office with incompetent cronies’
  • Pokwang, ‘nagsinungaling’ para pagtakpan si Lee O’Brian; nasasayangan sa mga sakripisyo
  • ‘Say hello to Bobi!’ Bagong naitalang oldest dog ever, miraculous daw na nabuhay
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.