• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

‘Paalam, Cassandra!’ Maja, tsugi na agad sa ‘The Iron Heart’

Richard de Leon by Richard de Leon
November 26, 2022
in Balita, Showbiz atbp.
0
‘Paalam, Cassandra!’ Maja, tsugi na agad sa ‘The Iron Heart’

Maja Salvador at Richard Gutierrez (Screengrab mula sa YT Channel ng ABS-CBN)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nagpaalam na sa Kapamilya viewers at avid fans ng “The Iron Heart” si Maja Salvador matapos “patayin” sa eksena ang kaniyang role na “Cassandra”, ang matalik na kaibigan at unang pag-ibig ni Apollo, ang karakter naman ng bida ng action series na si Richard Gutierrez, sa Friday episode nito, Nobyembre 25.

Sa naturang eksena, isa sa mga nabaril ay si Cassandra subalit hindi naman ipinakita kung talaga bang patay na ito.

Bukod sa mga Kapamilya, nagpasalamat din si Maja sa “Star Creatives”, ang production unit ng ABS-CBN na nag-produce ng show.

“Thank you Kapamilya! ❤💚💙,” ani Maja.

“Thank you @StarCreativesTV sa pagtitiwala sa akin na gampanan ko si Cassandra! Hanggang sa muli! Paalam Cassandra!”

Thank you Kapamilya! ❤💚💙
Thank you @StarCreativesTV sa pagtitiwala sa akin na gampanan ko si Cassandra! Hanggang sa muli! Paalam Cassandra! 💔
#TIHCassandra #TheIronHeart

— MAJA (@dprincessmaja) November 25, 2022

Bumaha naman ng mensahe mula sa kaniyang mga tagahanga na sana raw ay hindi ito ang huling beses na muling mapapanood ang aktres sa isang Kapamilya show.

Dahil hindi ipinakitang namatay ang karakter ni Maja kundi libing lamang, iniisip ng viewers na baka may twist ito sa dulo at buhay pa talaga ang karakter nito, kagaya ng nangyari sa “The Killer Bride” na huling serye ni Maja sa ABS-CBN.

Matatandaang sa media conference pa lamang nito ay nilinaw nang special participation lamang si Maja sa seryeng ito.

Sa ngayon, host si Maja sa “Eat Bulaga” at may sitcom siya sa TV5 na “Oh My Korona” kaya isa siya sa mga artistang napapanood sa tatlong TV network dahil freelance artist siya.

Sa katunayan, sila ng kaniyang fiance na si Rambo Nunez ang co-founders ng “Crown Artists Management” kung saan sila ang nagma-manage ng career ngayon nina Miles Ocampo, Jasmine Curtis Smith, John Lloyd Cruz, at iba pang baguhan.

Tags: maja salvadorrichard gutierrezStar CreativesThe Iron Heart
Previous Post

Kapuso actress Kylie Padilla, ex-bayaw na si Vin Abrenica, bibida sa isang proyekto sa TV

Next Post

‘Kalokalike’ ni Nadine Lustre, kinaaliwan ng mga netizen

Next Post
‘Kalokalike’ ni Nadine Lustre, kinaaliwan ng mga netizen

'Kalokalike' ni Nadine Lustre, kinaaliwan ng mga netizen

Broom Broom Balita

  • 46 nailigtas sa lumubog na bangka sa Palawan
  • ₱25M marijuana, sinunog sa Kalinga, Benguet — PNP
  • Mga nasawi dahil sa sama ng panahon, umabot na sa 43
  • Johnny Abarrientos, pagmumultahin: Pag-‘dirty finger’ kay Converge import Jamaal Franklin, nag-viral
  • DA, inaprubahan ang ₱110 milyong pondo para sa rubber plantations sa Basilan
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.