• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Mga turistang papasok sa Boracay, kailangan magbayad ng P100 insurance — town mayor

Balita Online by Balita Online
November 26, 2022
in Balita, National / Metro, Probinsya
0
DENR, target tapusin ang Boracay rehab sa Hunyo 2022

Boracay Island/Manila Bulletin

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ipinaalam ng alkalde ng Malay town sa Aklan province kung saan matatagpuan ang isla ng Boracay na ang lahat ng mga turista ay kailangang magbayad ng tig-P100 travel insurance bago makapasok sa pinakasikat na resort-island sa bansa para sa kanilang “security.”

“Yes, tourists have to pay insurance. It’s for their protection,” pagkumpirma ni Mayor Frolibar Bautista.

Sinabi ng administrasyong Bautista sa isang abiso sa publiko na ang Malay Municipal Ordinance No. 2021-444 o ang insurance system para sa “mga pinsala sa katawan o kamatayan na maaaring maranasan ng mga turista” habang nasa Boracay ay ipinatupad noong Nobyembre 23.

Kinokolekta ang travel insurance sa jetty port sa mainland Malay at nasa ibabaw ng environmental at terminal fees na binabayaran ng mga turista.

Ayon kay Bautista, isang “private company” ang nangongolekta ng travel insurance sa pamamagitan ng memorandum of agreement na nilagdaan ng lokal na pamahalaan ng Malay.

“Ito ay isang pribadong kumpanya. The local government has no share whatsoever,” sabi ni Bautista sa panayam sa telepono noong Sabado, Nob. 26, kasama ang Manila Bulletin.

Nalaman ng Manila Bulletin na ang bagong patakaran na ipinatupad ay nagdulot ng kalituhan sa mga manlalakbay at tour operator.

Sinabi ni Bautista na hindi mandatory ang pagbabayad ng travel insurance sa kabila ng paglagda sa implementing rules and regulations (IRR) ng ordinansa. Sa partikular, nakasaad sa Seksyon 5 na ang travel insurance ay dapat bayaran ng “lahat ng mga papasok na turista sa isla ng Boracay.”

“Oo, ang IRR ang nagsasabi niyan. Pero may mga may travel insurance na from their travel agencies,” ani Bautista.

Inamin naman ni Bautista na hindi pa rin ganap na naipapatupad ang ordinansa. “Pinag-aaralan pa namin ito. Unti-unti ang pagpapatupad,” dagdag ni Bautista.

Tara Yap

Tags: boracay island
Previous Post

Las Piñas Mayor Aguilar, may pa-birthday party para sa 2 batang biktima ng sunog

Next Post

Nilasing ng Beermen: TNT, out na sa PBA Commissioner’s Cup playoffs

Next Post
Nilasing ng Beermen: TNT, out na sa PBA Commissioner’s Cup playoffs

Nilasing ng Beermen: TNT, out na sa PBA Commissioner's Cup playoffs

Broom Broom Balita

  • ₱69M shabu, nasamsam sa Northern Samar
  • Ex-Ginebra player Terry “Plastic Man” Saldaña, patay na!
  • #JakJaKuyas: Kuya Kim, ‘di nagpatalo sa pa-‘pandesal’ nina Jak Roberto at Jayson Gainza
  • Grace Poe tinukso si Chiz Escudero: ‘Love is worth fighting for’
  • Davao de Oro, niyanig ng magnitude-6.1 na lindol
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.