• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

May anomalya? Kautusan ng BFAR vs imported na isda, iiimbestigahan ng Ombudsman

Rommel Tabbad by Rommel Tabbad
November 26, 2022
in Balita, National / Metro
0
May anomalya? Kautusan ng BFAR vs imported na isda, iiimbestigahan ng Ombudsman
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nangako si Ombudsman Samuel Martires na iimbestigahan ang usapin sa implementasyon ng Fisheries Administrative (FA) Order ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) kung saan ipinagbabawal ang pagtitinda ng mga imported na isda sa palengke sa bansa.

Paglilinaw ni Martires, aalamin ng anti-graft agency kung bakit ngayon lang ipinatutupad ang FA Order 195 kahit naging epektibo ito noong 1999.

Pinagpapaliwanag naman ni Martires ang mga opisyal ng BFAR sa loob ng tatlong araw.

Ito ay tugon ni Martires sa naunang pahayag ng BFAR na simula sa Disyembre 4 ay huhulihin na nila ang mga  imported na pink salmon at pompano na iligal na ibinebenta sa mga palengke.

Nauna nang inihayag ng BFAR na ang mga imported na isda ay para lang sa mga canning company, at processing at institutional buyers.

Sa panig naman ni BFAR spokesperson Nazario Briguera, matagal na umanong ipinatutupad ang kontrobersyal na FAO. sabi pa nito.

“Hindi lang naman ngayon ipinatupad. In fact ‘yan ang ginagamit nating batas pagdating sa pagbibigay ng mga permit doon sa mga importers kapag ang kanilang market destination ay mga institutional buyers. Nagkataon lang talaga na nagkaroon tayo ngayon ng massive information dissemination campaign,” sabi pa ni Briguera sa panayam sa telebisyon.

Matatandaang sinabi ng ilang tindera sa mga palengke sa Quezon City na binibili nila ang mga imported na isda, kabilang na ang pink salmon at pompano, sa mga cold storage facility sa Navotas City Fishport.

Previous Post

Taya na! Jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58, higit ₱288M na sa Sunday draw!

Next Post

Sa deteksyon ng BQ.1 Covid-19 subvariant: Healthcare utilization rate ng bansa, low risk pa rin!

Next Post
DOH: Deteksyon ng monkeypox sa Pinas, hindi dapat maging sanhi ng pagkaantala ng pagbubukas ng klase

Sa deteksyon ng BQ.1 Covid-19 subvariant: Healthcare utilization rate ng bansa, low risk pa rin!

Broom Broom Balita

  • Timeout muna: Mga manlalaro ng Magic, Timberwolves nagsuntukan
  • Hontiveros, Pangilinan, nakipagpulong sa onion farmers sa Occidental Mindoro
  • ‘Valentina,’ may new look para sa finale ng ‘Darna’
  • Magnitude 4.9 na lindol, tumama sa Davao Occidental
  • Guanzon sa planong pagbuo ng WRMO: ‘They might pack this Office with incompetent cronies’
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.