• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Herlene Budol, binisita ang puntod ng lola: ‘Ikaw pa rin ang kakampi ko’

Nicole Therise Marcelo by Nicole Therise Marcelo
November 25, 2022
in Balita, Showbiz, Showbiz atbp.
0
Herlene Budol, binisita ang puntod ng lola: ‘Ikaw pa rin ang kakampi ko’

Photos courtesy: Herlene Budol (Instagram)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Binisita ni Binibining Pilipinas 1st runner up Herlene Nicole Budol ang puntod ng kaniyang lola matapos ang mga pinagdaanan sa Miss Planet International, kamakailan.

Ibinahagi ni Herlene sa kaniyang Facebook account ang larawan niya kung saan nakahiga siya sa tabi ng puntod ng kaniyang Lola Bireng. 

“Nasumbong ko na lahat kay nanay,” sey niya sa caption ng post nitong Huwebes, Nobyembre 24.

Ayon pa sa beauty queen, ang lola raw niya ang sumbungan niya. Palagi raw itong nakikinig at naniniwala kay Herlene. 

“Dati kasi siya yung sumbungan ko. Siya yung nakikinig at naniniwala sa akin. Ngayon I feel na hindi lang ako nawalan ng lola, magulang, nawalan din ako ng kaibigan,” emosyonal na sabi ni Herlene.

“Kaya kahit wala ka na sa tabi ko alam kong ikaw pa rin ang kakampi ko. Alam kong mas madalas kitang kasama kaya nakauwi ako nang safe,” mensahe niya sa kaniyang lola. 

Matatandaang nag-withdraw na si Herlene mula sa Miss Planet International pageant dulot ng mga nangyari aberya rito. 

Sa isang Facebook post, inihayag ni Wilbert Tolentino na sa kabila ng pakikipag-ugnayan para maayos ang mga naging gusot sa pageant, mas minabuti nitong i-withdraw na lang si Herlene sa pageant.

“Due to uncertainties by the organizers, I have decided to withdraw Herlene Hipon Budol from the competition despite numerous attempt to fix some pageants debacles. It seems like the Ugandan Government has no initiative to intervene,” saad ni Tolentino.

“We apologize to the supporters, who were rooting for since day one. To the team, sponsors, and designers. Thank you and I am sorry. Thank you to the Filipino community in Uganda for the comfort and well wishes,” dagdag pa niya.

Labis din ang panghihinayang ni Tolentino dahil aniya, hindi lang korona ang nawala sa kanilang team kung di, pera at oras para paghahanda sa laban sana ni Herlene.

“For me as, MPP National Director, I an very hurt, Not only we lost a crown, lost of money, lost of effort; but lost of time. But we will never lose hope, because we have bright future back home awaits,” aniya. “This is indeed a traumatic experience for all of us, but we fought for it until the end. And that is our mission.”

Samantala, kamakailan lang tila magpapaalam na si Herlene sa mga beauty pageant matapos itong maghayag ng isang cryptic post. 
Inupload niya sa kaniyang Facebook page ang larawan niya kung saan makikitang rumarampa siya sa Binibining Pilipinas pageant noong Hulyo 31. 

“The end,” simpleng caption ni Herlene. 

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/24/good-bye-na-sa-beauty-pageant-herlene-budol-may-pa-cryptic-post/

Tags: Herlene Budol
Previous Post

PH Army sergeant, naghari sa Mt. Everest altitude obstacle races championship

Next Post

Mga imported na isda, kukumpiskahin na sa palengke — BFAR

Next Post
Mga imported na isda, kukumpiskahin na sa palengke — BFAR

Mga imported na isda, kukumpiskahin na sa palengke -- BFAR

Broom Broom Balita

  • ‘For the love of nature!’ Environment-inspired na obra ng isang estudyante, hinangaan
  • 7 panukalang batas vs teenage pregnancy, pasado na sa House committee level
  • 2 Japanese senior citizen, pinakamatandang foreigners na nakaakyat sa Mt. Apo
  • Wanted na Japanese dahil sa pamemeke ng kasal, timbog sa Maynila
  • 3 parak, timbog matapos mahulihan ng P1.4-M halaga ng ‘shabu’ sa Cavite
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.