• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Lantad na! Paolo, tinawag na ‘My Best Actress’ si Yen, magkasamang nagdiwang ng bertdey

Richard de Leon by Richard de Leon
November 21, 2022
in Balita, Showbiz atbp.
0
Lantad na! Paolo, tinawag na ‘My Best Actress’ si Yen, magkasamang nagdiwang ng bertdey

Paolo Contis at Yen Santos (Larawan mula sa IG ni Paolo Contis)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Tila may katotohanan nga ang bali-balitang magkasama sa isang hotel ang rumored couple na sina Paolo Contis at Yen Santos ipinost na ng Kapuso actor sa kaniyang Instagram ang kaniyang simpleng birthday message para sa Kapamilya actress.

Sa kaniyang Instagram post nitong Nobyembre 20, tinawag niyang “My Best Actress” si Yen. Kaarawan kasi ng aktres kahapon, Nobyembre 20. Nasungkit pa ni Yen ang parangal sa Urian, na kauna-unahang major award sa kaniyang acting career.

“Happy Birthday My Best Actress!,” caption ni Paolo sa kaniyang IG post. Kalakip nito ang ilan sa mga litrato nila habang magkasama sa magagandang spots sa lugar kung saan naroon sila.

View this post on Instagram

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis)

Makikitang may cake pa si Yen na may nakasinding kandila sa ibabaw nito, at may nakasulat na “Happy Birthday” sa platong kinalalagyan nito.

Kitang-kita ang sweetness ng dalawa sa pag-akbay pa lamang ng aktor kay Yen.

Kahapon ay naiulat ni MJ Marfori sa One Balita Weekend na naispatan daw ang dalawa na pumasok sa isang hotel, matapos ang Gabi ng Parangal ng Gawad Urian noong Huwebes, Nobyembre 17, kung saan tinanghal na “Best Actress” si Yen para sa kanilang pelikulang “A Faraway Land” na naging mitsa kung bakit sila iniugnay sa isa’t isa.

Ayon sa ulat, magkahawak-kamay pa raw ang dalawa nang pumasok sa isang hotel sa Mandaluyong City. Sweet na sweet pa raw ang dalawa habang nakikipag-usap sa staff na nasa front desk.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/20/paolo-at-yen-namataang-hhww-na-nag-check-in-daw-sa-hotel-matapos-ang-awards-night-ng-urian/

Matatandaang sinabi ni Paolo na magkikita sila “in a while” ni Yen nang batiin niya ito sa pagkakapanalo bilang Best Actress, at tamang-tamang kaarawan ni Yen ngayong Nobyembre 20.

“Congratulations Lilieyen Santos. I’m sooooooo proud of you!! Very well deserved! See you in awhile,” congratulatory message ni Paolo kay Yen kung saan itinag pa ito sa Facebook account nito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/18/paolo-contis-proud-as-a-friend-kay-yen-santos-matapos-magwaging-best-actress-sa-urian/

Kasama naman si Paolo sa mga pinasalamatan ni Yen sa kaniyang acceptance speech.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/19/yen-santos-nagpasalamat-kay-paolo-contis-bilang-leading-man-ill-always-be-your-number-one-fan/

Mukhang unti-unti ay inilalantad nina Paolo at Yen kung ano ba talaga ang real score sa kanilang dalawa.

Tags: Paolo ContisYen Santos
Previous Post

P2,000 na monthly allowance sa PWDs, inilalakad sa Kamara

Next Post

‘Waking up to 52!’ Karen Davila, binaha ng pagbati sa kaniyang kaarawan, inaming nagka-Covid ulit

Next Post
‘Waking up to 52!’ Karen Davila, binaha ng pagbati sa kaniyang kaarawan, inaming nagka-Covid ulit

'Waking up to 52!' Karen Davila, binaha ng pagbati sa kaniyang kaarawan, inaming nagka-Covid ulit

Broom Broom Balita

  • Nahulog sa barko? Tripulante, ‘di pa mahanap ng PH Coast Guard sa Batangas
  • Phivolcs, pinaghahanda ang Davao sa aftershocks dala ng nangyaring Magnitude 6 na lindol
  • Nursing student, iniligtas ang fruit vendor na tinaga ng kaniyang kalive-in-partner
  • ‘Starry night pool’: Isang swimming pool, nagmistulang art canvas
  • DOTr: Operasyon at maintenance ng Metro Manila Subway at North-South railway, isasapribado na
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.