• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Bumaba ng 12%: DOH, nakapagtala ng 8,004 bagong kaso ng Covid-19 mula Nob. 14-20

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
November 21, 2022
in Balita, National / Metro
0
DOH: Unang local case ng Lambda variant, 35-anyos na buntis
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Umabot sa 8,004 na bagong kaso ng Covid-19 ang naitala ng Department of Health (DOH) sa bansa mula Nobyembre 14 hanggang 20.

Batay sa National Covid-19 case bulletin na inilabas ng DOH nitong Lunes, nabatid na ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 1,143.

Anang DOH,  mas mababa ito ng 12% kumpara sa mga kasong naitala nila noong Nobyembre 7 hanggang Nobyembre 13. 

Sa mga bagong kaso, dalawa lamang ang may malubha at kritikal na karamdaman. 

Samantala, mayroon namang naitalang 93 na pumanaw kung saan 28 ay naganap noong Nobyembre 7 hanggang Nobyembre 20.

“Noong ika-20 ng Nobyembre 2022, mayroong 568 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa ating mga ospital dahil sa Covid-19,” anang DOH.

Iniulat rin ng DOH na 2,358 ICU beds para sa mga pasyenteng may Covid-19, 493 (20.9%) ang okupado habang 4,796 (23.1%) ng 20,754 non-ICU Covid-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.

Mahigit na rin naman sa 73 milyong indibidwal o 94.38% ng target na populasyon ang bakunado na laban sa Covid-19 habang 20 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots. 

Sa kabilang banda, 6.9 milyong senior citizens o 79.46% ng target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series.

“Pinapaalalalahan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng Covid-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards sa ilalim ng Alert Level 1,” ayon pa sa DOH.

“Paalala ng Kagawaran ng Kalusugan na laging magsuot ng best-fitted face mask at kung maaari, manatili sa well-ventilated na mga lugar. Sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE. Para sa karagdagang proteksyon laban sa banta ng Covid-19, agad-agaran na tayong magpabakuna at booster,” dagdag pa nito. 

Tags: COVID-19
Previous Post

Songbird, ‘Solo’ sa apat na araw na concert sa Pebrero 2023

Next Post

10 alagang aso, pusa, nasawi sa sunog sa Paco, Maynila

Next Post
45 pamilya, apektado ng sunog sa Quezon City

10 alagang aso, pusa, nasawi sa sunog sa Paco, Maynila

Broom Broom Balita

  • Mahigit 400 estudyante sa Mandaluyong, nagsipagtapos ng tech-voc training
  • 45% ng mga Pinoy, naniniwalang bubuti kanilang buhay sa susunod na 12 buwan – SWS
  • Toni Gonzaga, nagpakita ng suporta sa TVJ, Eat Bulaga
  • PRC, namahagi ng personal hygiene products sa elderly patients ng NCMH
  • ‘Hangga’t may bata, may Eat Bulaga’: Isang leaf art, inihandog ng artist sa TVJ
Mahigit 400 estudyante sa Mandaluyong, nagsipagtapos ng tech-voc training

Mahigit 400 estudyante sa Mandaluyong, nagsipagtapos ng tech-voc training

June 1, 2023
Unemployment rate sa bansa, tumaas sa 4.8% nitong Enero – PSA

45% ng mga Pinoy, naniniwalang bubuti kanilang buhay sa susunod na 12 buwan – SWS

June 1, 2023
Toni Gonzaga, nagpakita ng suporta sa TVJ, Eat Bulaga

Toni Gonzaga, nagpakita ng suporta sa TVJ, Eat Bulaga

June 1, 2023
PRC, namahagi ng personal hygiene products sa elderly patients ng NCMH

PRC, namahagi ng personal hygiene products sa elderly patients ng NCMH

June 1, 2023
‘Hangga’t may bata, may Eat Bulaga’: Isang leaf art, inihandog ng artist sa TVJ

‘Hangga’t may bata, may Eat Bulaga’: Isang leaf art, inihandog ng artist sa TVJ

June 1, 2023
PBBM: 6.4% GDP growth, senyales ng unti-unting pagtigay ng ekonomiya ng PH

PBBM, sinigurong nakatuon gov’t para suportahan bagong CPAs

June 1, 2023
₱4.5M ayuda, ipinamahagi sa mga naapektuhan ng oil spill sa Antique — DSWD

Mahihirap, puwede nang kumuha ng ayuda sa mga satellite office — DSWD

June 1, 2023
Customer na umorder daw ng cellphone, nakatanggap ng ulo ng kambing?

Customer na umorder daw ng cellphone, nakatanggap ng ulo ng kambing?

June 1, 2023
Dating RM ni Liza Soberano, may flinex na litratong nagpasaya sa LizQuen fans

Dating RM ni Liza Soberano, may flinex na litratong nagpasaya sa LizQuen fans

June 1, 2023
‘Worth it ba?’ Paolo ibinunyag dahilan bakit nahulog, tumibok ang puso kay Yen

‘Worth it ba?’ Paolo ibinunyag dahilan bakit nahulog, tumibok ang puso kay Yen

June 1, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.