• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Kindergarten na basyo ng toyo ang lalagyan ng inuming tubig, inulan ng tulong mula sa netizens

Richard de Leon by Richard de Leon
November 20, 2022
in Balita, Features
0
Kindergarten na basyo ng toyo ang lalagyan ng inuming tubig, inulan ng tulong mula sa netizens

Malone Belmonte (Screengrab mula sa TikTok)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Marami ang naantig sa viral TikTok video ng gurong si Ma’am Malone Belmonte ng Panitian Elementary School sa Quezon, Palawan, matapos niyang itampok ang isa sa mga estudyante niya, na nagpatulong na buksan ang takip ng dala-dala nitong basyo ng toyo—na tubig na inumin pala ang laman!

Buong akala raw ng guro ay tunay na toyo ang pinapasuyo sa kaniya ng estudyante, kaya nang malaman niyang tubig ito, hindi niya naiwasang makaramdam ng lungkot.

“Nagulat and at the same time nalungkot ako,” saad sa caption.

“My learner asked me to open her water bottle.”

“At first sight akala ko may baon siya na toyo, yun pala yun na ang water bottle niya.”

“Don’t be so demanding in life when in fact there are these kids who are willing to go through the hardships in life for their dreams.”

“We are lucky enough na hindi natin naranasan ang ganitong shortage sa buhay.”

@a_quee_lah

When we are tired of teaching make this learners your motivation to teach hard. They are young and napapagod din everyday para pumasok sa school, let us help them reach their dreams. #kindergartenteacher #depedteacher #fypシ #fyp

♬ Somewhere Only We Know – ~Barbie Movies~

Umabot na sa higit 4 million views ang naturang TikTok video.

Ayon sa panibagong update ng guro, matapos daw mag-viral ang kaniyang TikTok video, marami raw ang nag-DM sa kaniya upang magpaabot ng tulong sa bata, at hindi lamang sa bata, kundi sa buong klase niya, lalo’t malapit na ang Pasko.

May nagsabi pang balak umanong bilhan ng tumblers ang iba pang mga bata, na mga gamit na basyo ng suka at softdrinks ang kanilang pinaglalagyan ng tubig na inumin.

@a_quee_lah

Replying to @ivybelesta MARAMING SALAMAT PO❣️Meryenda po nila ang kanin. Di na po namin pinagamit ang soy sauce bottle. #fyp #kindergartenteacher #depedteacher

♬ Best background music for corporate CM, company description videos, etc. – harryfaoki
Tags: kindergartenMalone Belmontesoy sauce bottlevinegar bottlewater
Previous Post

Inabandonang balikbayan boxes, ide-deliver ng BOC bago mag-Pasko

Next Post

PNP, nagbabala vs pagkalat ng pekeng pera ngayong Kapaskuhan

Next Post
PNP, nagbabala vs pagkalat ng pekeng pera ngayong Kapaskuhan

PNP, nagbabala vs pagkalat ng pekeng pera ngayong Kapaskuhan

Broom Broom Balita

  • Jennica Garcia, nagkalkal, kilig na kilig sa ‘may spark pa rin’ na ex-couple na sina Heart at Echo
  • Mga nasawi sa bumagsak na temple roof sa India, umakyat na sa 35
  • Pope Francis, pagaling na sa bronchitis dahil sa antibiotics – Vatican
  • Mga provincial bus, puwede na ulit sa EDSA
  • Buwelta ng ina ni Jake Zyrus na tumalak sa kaniyang si Ogie Diaz: ‘Wait ka lang d’yan, bibigyan kita…’
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.