• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

‘Oh my God!’ Mga netizen, abangers na sa bday nina Lyca Gairanod, Karen Davila

Richard de Leon by Richard de Leon
November 19, 2022
in Balita, Showbiz atbp.
0
‘Oh my God!’ Mga netizen, abangers na sa bday nina Lyca Gairanod, Karen Davila

Lyca Gairanod at Karen Davila (Larawan mula sa YT Channel ni Karen Davila)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Tila may pa-countdown ang mga netizen sa nalalapit na kaarawan ng “The Voice Kids Season 1” champion na si Lyca Gairanod at batikang ABS-CBN broadcaster na si Karen Davila, sa darating na Nobyembre 21.

Matatandaang mag-iisang taon na ang nakalilipas simula nang maging viral ang naging reaksiyon sa isa’t isa nina Lyca at Karen nang mapag-alama nilang magka-birthday sila at parehong Scorpio.

Itinampok kasi ni Karen sa kaniyang vlog ang buhay ni Lyca. Sa bandang dulo ng vlog, napag-alaman ni Karen na Nobyembre 21 din ang araw ng pagsilang ng singer.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/08/16/from-basurera-to-singing-grand-champion-biritera-kumusta-na-nga-ba-si-lyca-gairanod/

Gulat na gulat namang napabulalas ang mamamahayag.

“Oh my God! Birthday ko iyon! Birthday mo November 21? Hindi ko alam ‘yun ah, wait hindi ko alam ‘yun. Magka-birthday kami. Parehong Scorpio,” manghang-manghang sabi ni Karen.

Bukod sa reaksyon ni Karen, kinagiliwan din ang facial expression ni Lyca, na nagulat sa ginawa ni Karen.

“We are meant to meet! We are meant to meet… How many people ang makakatsamba mo, iniinterview ka, ka-birthday mo,” sabi pa ni Karen.

Agad namang bumanat si Lyca, “Dahil magka-birthday po tayo, kayo po ang maghahanda sa birthday ko…”

“Pag nag-birthday tayong dalawa, ako ang magpapa-party!” pangako naman ni Karen.

Kaya naman, inabangan ng mga netizen kung tototohanin ba ni Karen ang kaniyang pangako kay Lyca.

Bagay na nangyari naman, dahil bukod sa pa-party ay nagsagawa na rin sila ng outreach program sa lugar na kinalakhan ng singer.

Birthday celebration for a cause ang ginawa nila dahil sa halip na sila ang mabigyan ng regalo, sila ang namahagi ng sorpresa sa ilang mga kapitbahayan ni Lyca. Namigay sila ng libreng bisikleta sa tulong ni Gretchen Ho na tinawag na ‘Donate a Bike, Save a Job’, bukod pa sa iba pang mga freebies mula sa kanilang sponsors.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/11/21/karen-davila-at-lyca-gairanod-tinotoo-ang-sabay-na-b-day-celebration/

Kaya ngayong paparating na ang Nobyembre 21, nagpa-alala ang mga netizen na huwag daw kalimutang magbe-birthday sina Lyca at Karen, at malapit na ito. Ibinahagi pa ito sa Facebook page na “Main Pop Girls Stanposting.”

“Wag po nating kalimutan ang birthday nila Kween Lyca at Madam Karen sa November 21,” saad sa caption.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen, at abangers sila kung ano ang magiging pasabog ng dalawa sa kanilang kaarawan.

Tags: Karen DavilaLyca Gairanod
Previous Post

Taya na! Premyo ng UltraLotto 6/58, papalo ng ₱254M!

Next Post

CSC sa gov’t officials: ‘Wag humingi ng regalo ngayong Kapaskuhan

Next Post
CSC sa gov’t officials: ‘Wag humingi ng regalo ngayong Kapaskuhan

CSC sa gov't officials: 'Wag humingi ng regalo ngayong Kapaskuhan

Broom Broom Balita

  • ICC, ibinasura ang apela ng ‘Pinas na suspendihin ang imbestigasyon sa drug war
  • Nawawalang teacher intern sa Catbalogan, natagpuang buhay matapos ang 5 araw na paghahanap
  • DOH: Tiyakin ang wastong paghahanda ng pagkain, inumin, ngayong tag-init
  • 2 babaeng parak, pinuri matapos tanggihan ang P100,000 tangkang panunuhol
  • Sanggol, patay sa pananambang sa Maguindanao del Sur; 4 iba pa, sugatan
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.